Bring my heart back.

50 2 3
                                    

*Woman's point of view*

Ramdam ko ang simoy ng hangin,ngunit hindi parin nito tinatangay ang mga alaala mo.

Kita ko kung paano sumabay sa hangin ang mga alon,tila ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa isla at karagatan,payapa rito kaysa sa siyudad,mabuti nalang at naisipan kong mag out of town para hindi nalang lagi sakit ang dumadapo saakin.

Mag iisang taon na ng tinalikuran mo ako at ang pangako mo pero aaminin ko hinihintay parin kita,kaya kong takpan ang mga mata ko at hayaang puso ko ang magdesisyon pero siguro,tama na.

Pinilit kong tingnan ang mga mata nila,ang mga mukha,ngunit bakit tila ikaw parin ang nais kong makita?

Bakit ikaw ang hudyat para tumibok muli ang puso ko?

Bakit?

Sa paglakad-lakad ko nararamdaman ko ang pagsunod ng isang yabag,ng naramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa aking beywang mula sa likuran ay nagulat ako.

Hindi! Hindi maaari! sigaw ng isipan ko.Masiyadong malayo ang lugar na ito sa iyo.

"I want you back"sabi mo na ikinagimbal ko.

Hindi parin ako gumagalaw.

Gusto kong ibaon ka sa mga buhangin na inaapakan ko,napaka tigas ng puso mo,bakit ka pa bumalik?

Bakit ngayon lang kung kailan nais ko nang tumalikod sa nakaraan? Bakit wrong timing ka?

Isang taon mo akong iniwan,ano ba ako? Babalik balikan mo lang?

Damn it!

"I can't,i dont belong to you anymore" i said,and a tear fell in my cheek.

Ayoko sanang umiyak dahil ang mga luhang ito kailanman ay hindi nararapat sa iyo,ang sakit sakit sobra.

"i can hear your pain"you said huskily.

"its a shame you can only hear it,but me? i can feel it down to my bones"

"Then let me take away the pain,be with me again,for eternity" he said

"Wala,walang eternity sa ating dalawa,kasi alam kong lahat ng sinasabi mo ngayon ay iiwan mo nanaman saakin,hindi mo pinangangatwanan"

"Just choose me,and everything will be fine" he said

"After all these years,ikaw ang pinili ko,ikaw ikaw ikaw.Paano naman ako?Sana ngayon ako naman,isipin mo naman ako.Ayoko nang sumugal."

Tumamlay ang mga mata niya.

"I know i left you,but leaving you is not a mistake it's more than a mistake and it feels like hell" he said.

"Tapusin mo na,just cut the connection between us,grabe naman masakit na."

Pinigilan ko ang mga nagbabadyang luha.

Gusto kitang sigawan,pero tila pinipili ng aking bibig ang katahimikan.

Katahimikan na hindi kayang gawin ng aking puso dahil sa pagtibok nito.

Kumilos na ako upang lumayo sayo ngunit tila para kang rehas na hindi ako papayang makawala.Tumawa ako ng bahagya.Ang lakas mo parin pala,ang lakas mo na kaya mo akong ikulong sa bitag mo.

"Huwag mo ng gawing kulungan ang puso mo,hindi ako kriminal at lalong lalo ng hindi ka bilibid para ikulong mo pa ako sa puso mo.Sinaktan mo na ako siguro ay tama na iyon" sabi ko.

"Ayoko na kasi,tama na."dagdag ko pa

Hinintay ko ang sagot mo,binitawan mo ako at nanatiling nakatalikod ako sayo,ayokong makita kahit anino mo.Baka mabura ang galit ko kung saka sakali.

Bring my heart backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon