Ako nga pala si Daryl Morales. 3rd Year High School. Nag-aaral sa Pampanga Institute. At ito ang aking mga nakakatakot na karanasan. Noong ako ay tumuntong sa Grade 5 ay nabalitaan ko sa mga kaklase ko na meron daw napadpad na manananggal sa bayan ng masantol. Nung una ay hindi ako naniniwala doon dahil alam ko na binibiro lang nila ako hindi porket mahilig ako sa mga istoryang nakakatakot. Pero hindi lamang mga kaklase ko ang nagsabi niyon. Pati narin ang ibang mga tao pati kapit-bahay namin. Nagmula ang balitang iyon nang magkaroon kami ng isang katulong na itatago ko sa pangalang Ningning. Si Ningning ay may edad na ngunit byuda siya. Siya ay may pagkapangit na anyo. Maraming sira sa kanyang ngipin, makakapal ang buhok at maitim. May napansin kasi kami na kakaiba sa kanyang kilos tuwing gabi. Dahil kahit hatinggabi na ay binubuksan niya lagi ang mga bintana naming at tila may tinatanaw sa itaas. Ilang beses niya iyon ginawa dati kaya tinanong tuloy siya ng lola ko kung bakit niya binubuksan lagi ang mga bintana gayong wala naming katao-tao tuwing gabi sa amin sa bayan ng 1st Street, Masantol. At doon din nagsimula ang sinasabi nilang may napadpad dawn a manananggal sa masantol na may hinahanap na dalawang tao na marahil ay kanyang bibiktimahin. Lumipas ang mga ilang araw noon ay kusang-loob siyang umalis sa amin at sinabi na uuwi nadaw siya sa kanila. Pinayagan naman siya ng lola ko dahil kakaiba rin ang pakiramdam nila kay tita Ningning. At magmula ng umalis na siya ay wala na kaming balita sakanya magmula ngayon. At doon din huminto ang binabalitang isang manananggal na napadpad sa masantol. Totoo man o hindi, iyon ang aking nakakatakot na karanasan na hanggang ngayon ay hindi halos mabura sa aking isipan.
WAKAS