Dito ka na lang?

167 7 9
                                    

Sabi nila sa magkaibigan may isang LOKO at isang MATINO. Syempre AKO yung MATINO.

.

.

.

Di joke lang AKO talaga yung LOKO. Siguro nagtataka kayo kung sino 'tong taong kanina pa nagdadadaldal, noh? Ako nga pala si Excel Takano. Yes, tama kayo sa half japanese ako. At kung tatanungin nyo ako kung gwapo ako? Malaking OO yan !!!! Mabait, matalino, mapag-alaga at...

"Hoyyyyyy Exceeeeee...... Kanina ka pa nakatunganga dyan. Tingnan  mo may ipot ka na sa buhok mo."

" Huhh !!?  Nasaan? Nandito ba sa parteng to? Alisin mo nga best."

" Hoyy ! Excel tigilan mo yang kaartehan mo. Joke lang! wala naman talaga binibiro lang kita.Pero alam mo mukha kang bakla kanina. AHAHHAHAHA" 

Tsk. tsk. tsk. Sige tawa. Tawa ka lang. Mukha yatang nagkamali ako. AKO yata talaga ang MATINO at SIYA ang LOKO. Pero sa pagkakaalam ko ako talaga ang mahilig mag prank. Ako kaya laging nagpapa-iyak dyan sa babaeng yan. badboy. badboy

"Ahh...ganon nagbibiro? Nagbibiro ka? Halika dito nagbibiro ka pala ha"

It's payback time!!! Kiniliti  ko sya hanggang sumuko sya. And after 2 minutes.

"Ayoko na Excel. Ayoko na. Please!!"

hayyy ginamitan pa nya ako ng PUPPY EYES. Ang CUTE talaga ang bestfriend ko. Nga pala sya pala si Sandra Marie Alejo. Sya yung Bestfriend/ Secret Love ^/////^ ? kong MATINO DAW. Pero para sakin oo na siguro kasi sya yung taong makakasaway sa akin pagmay balak akong mag-cutting. Sya ang pumupukpok sa ulo ko pag di ako nag-aaral o gumagawa ng assignment. Titigilan ko na nga muna sya ngayon.

" Excel gala tayo? " Abat may himala nagyayaya yatang gumala ngayon.

" Sino ka? Di ka si Sandra Marie. Saan  mo sya dinala? huh? " Pmmppff nakakatawa yung itsura nya sa tinanong ko habang niyuyugyog ko sya.

" Ano ka ba? Nagyayaya lang ibang tao agad? Ayaw mo ba aalis na ako kung ayaw mo. Maghahanap na lang ako ng ibang lalaki na sasama sakin "

"hep hep hep tampo agad. At anung ibang lalaki? Gusto mong mapahamak? "

" Sira kaya nga ako nagpapasama sayong gumala di ba? Para di ako mapahamak. "

"Okay. Sige tawagan ko lang girlfriend ko cancel ko date namin "

 *** Pagkatapos ng anim oras walang sawang kalalakad, kalalaro, kakakain at kakakanta sa mall hinatid ko na sya sa bahay nila. Grabe nakakapagod -_-. Pero super saya naman. O///O

Akalain mo yun ala-sais na pala.

" Dra nasan sina Tita? "

" May pinuntahan mamaya pang madaling araw ang balik "

" Ahh ganun ba? Sige aalis na ako. Wag mo kalimutang ilock yung mga bintana at mga pintuan ha?  Goodnight. sweeeet dreams!!!!  "

Paalala  ko sa kanya tapos *MWUAH* kiniss ko sya sa forehead. Palabas na ako tapos hinila nya kamay ko.

" Dito ka na lang ? wag ka na umalis? Please!! " 

" Pero kaylangan kong umalis may gagawin pa ako " Ayy sad face na sya. Kainis ayokong nakikitang malungkot mukha nya. Di ko kaya!!!

" Ano namang gagawin mo? " grabe ang cute nya.

" Makikipagbreak na ako sa girlfriend ko. " tapos liligawan kita sabi ko sa sarili ko.

" Hala bakit? May mahal ka na best? Ba't di mo sinabi? Kilala ko ba sya? " tanong nya na lalong lumungkot yung mukha nya.

"Don't worry sasabihin ko sayo" Mamaya, wait ka lang magcoconfess na ako sayo.

Dito ka na lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon