Noong una kang makita
Puso ko ay nangitla
Buhay ko ay nagimbala
Tila anghel na pinababa sa lupaNapako ang aking mata
Sa taong hindi ko pa kilala
Ano nga bang meron ka?
Bakit puso ko'y ganito nalang kung magwala?Bakit nga ba ganito ang aking nararamdaman??
Isinisigaw ng puso na ika'y aking kailangan
Maari nga bang malaman ang iyong pangalan?
Puso ko'y kumakabog na tila sasali sa isang paligsahanAng iyong mukha'y hindi mawaglit sa aking isipan
Bakit kasi ganoon kataas ang iyong kagwapohan?
Mga ngiti mong iba ang epekto sa aking katauhan
Nagdudulot ng abot langit na kasiyahanSiguro ako'y umiibig na
Gusto kong ikaw ay makilala
Kahit kaibigan lang, sa aki'y sapat na
Basta ba'y malapit tayo sa isat isaAkala ko'y ako lang ang may ganitong nararamdaman
Ang pag amin mo'y hindi ko inaasahan
Tuwa ko'y abot ang kalangitan
Na ako'y iyo ring nagustuhanHindi man ako yung tipong perpekto
Naniniwala parin akong nakatadhana ako para sayo
Wala man akong maipagmamalaki sa mundo
Basta alalahanin mong nandito lang akoNang dumating ka
Buhay ko ay sumaya
Ikaw ang tangi kong ligaya
Ikaw lang at wala nang ibaSayo lang ako naging ganito ka saya
Yung tipong walang pinoproblema
Kasi nandiyan ka
At hindi ako ipagpapalit sa ibaIkaw lang ang mamahalin habang buhay
Pag-ibig ko sayo'y kailan ma'y hindi mamamatay
Pagmamahalan nati'y walang kasing dalisay
Dahil sa mga pusong nagmamahal ng tunayNgayon sa harap ng altar ng simbahan
Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan
Sa harap niya tayo nagsumpaan
Na mamahalin natin ang isa't isa ng walang hangganNgayon ako'y napakasaya
Dahil inibig kita
At lagi mong tatandaan na...
Mahal kita, aking sinta.
BINABASA MO ANG
Book Of Poems
PoetryThis is just simple poems made by an amature, frustrated and a trying hard poet xd. ^_^