Memento Mori

1.1K 26 1
                                    

Memento Mori

Unti unti kong minulat ang aking mga mata...

Nadatnan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang pulang kama. Puno ng kandila ang paligid, iyon lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng kwarto.

Para akong nakalutang sa hangin. Hindi ko maramdaman ang aking puso.

"Sorry!" Isang babaeng may kulay abong buhok ang sumulpot sa gilid ko.

"Hindi mo pa talaga oras eh, nagkaron lang ng technicalities sa pagsundo sayo. Lakad lakad muna tayo habang inaayos pa ang signal."

Sinundan ko siya.

Bigla na lamang akong nakarinig ng tawanan, mga pag-iyak. May mga sumisigaw, may bumubulong.

"Huwag mong intindihin ang mga iyan. Mga alaala mo yan nong nabubuhay ka pa."

Nanigas ang buo kong katawan. Tama nga ako.

"Ito na ba ang kabilang buhay?"

"Yup!"

Tumigil kami sa tapat ng nag-iisang pinto. Muli niya akong hinarap.

Ngumiti siya sa akin at nakipag kamay.

"Ako si Q isang tagahatol. Maligayang pagdating sa purgatoryo!"

***

Isang daanan na walang katapusan. Tumigil kami sa tapat ng isang poste ng ilaw. Hindi ito nakasindi.

"Anong ginagawa natin dito?"

Ngumiti lamang siya.

Umilaw ang bumbilya mula sa poste. Kasabay nito ay ang pagpasok ng isang eksena sa aking isipan.

Isang bata. Isang pamilyang masayang naghahapunan. Nagkwe-kwentuhan.

Nang matapos silang kumain, pumasok ang mag-asawa sa kanilang kwarto. Pinipilit ng lalaki na makipag siping sa kanya ang kanyang asawa, ngunit iniiwasan siya nito. Nagalit ang lalaki. Sinamapal, at itinulak niya pahiga sa kama ang kanyang asawa. Pilit na tinanggalan ng damit at pinaghahahalikan.

Patuloy pa rin sa pagpupumiglas ng babae.

Sa maliit na siwang mula sa pinto, nanunuod ang bata. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Umalis siya pasumandali. Nang bumalik ay may dala na itong kutsilyo.

Pumasok siya sa silid, sinaksak ang Ama.

"Huwag mo na ulit sasaktan si Mama."

***

"Hindi ako ang sumira sa pamilya namin."

Nilingon ko yong nagsalita. Nasa likod namin siya. Duguan.

Yong lalaking namatay. Narito na siya.

Ngumisi si Q.

"Lahat sila. Puno ng kadiliman ang puso." Wika ni Q.

Nakaramdam ako ng lungkot para sa pamilyang iyon.

Napagtanto ko na lamang, na silang tatlo ay may kanya-kanyang pananagutan sa pagkasira ng kanilang pamilya. Pero nagsimula ito sa pagtataksil ng asawang babae.

Kung nakuntento lamang siya. Kung hindi na siya naghanap pa ng iba. Hindi sana siya manlalamig sa asawa. Hindi sana ito nagalit sa kanya, hindi sana siya sinaktan nito. At hindi rin mamamatay sa kamay ng sariling anak.

***

"Anong lugar to?! Ayoko dito!"

Isang batang babae na galit na galit at nagwawala.

Faces of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon