araw-araw nalang siyang ganun, kapag may lumalapit na lalaki sa'kin pinapaalis niya. ewan ko ba diyan kay Glenn! minsan nakakainis na siya, ang O.A na kasi niya akala mo naman boyfriend ko kung maka asta kabanas lang.
"uy! Mich nakikinig ka ba sa'kin?
nabalik lang ako sa katinuan ng biglang magsalita si Evan. nakalimutan kung nagpapaturo nga pala ako sa kanya sa physics, yan kasi kung ano-anong iniisip.
'h-huh? oo naman, saan na nga ba tayo.
"andito pa tayo sa formula. di mo pa nga na sosolve yung problem eh!
'hehehe sorry naman. kinuha ko yung notebook niya at sinagutan yung problem, ayssh! ano bayan nakakabobo naman 'tong physics eh! sino ba kasi nag pauso nito -_-++ nyemas lang. nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot sa problem na pinapagawa ni evan ng biglang may umupo sa tabi ko, atumatik na napatingin ako sa kanya.
"anong ginagawa mo dito? instead na sagutin niya yung tanong ko eh! tinignan lang niya ng masama si evan, oh! problema ng isang 'to kung makatitig lang wagas.
'umalis ka. sabi niya kay Evan
"hoy! bakit mo siya pinapaalis? evan wag kang makinig sa kanya. sabi ko kay evan parang nalilito pa nga siya kung sino yung susundin niya.
'sabi ko alis? diin na pagkasabi ni glenn kaya napatayo naman ng wala sa oras si evan
"a-ahhh Mich s-siguro bukas n-nalang ulit, sige a-alis muna ako. sabi niya at umalis na inis na tinignan ko siya
'ano bang problema mo. sabi ko sa kanya ng mahina pero may diin yung pagkasabi ko. andito kasi kami sa library bawal kasing mag-ingay dito kundi palalabasin ka. hindi nanaman niya sinagot yung tanong ko bigla nalang niya akong hinila palabas ng library.
"ano ba glenn. sigaw ko ng makalabas na kami.
'ano ba kasing problema mo ha? alam mo hindi na kita maiintindihan, ang labo mo! as in.
totoo naman eh! hindi ko na talaga siya maiintindihan pwede naman niyang sabihin sa'kin kung may problema siya hindi yung bigla nalang siyang magkakaganito, parati nalang siyang nagagalit kung may kausap o may kasama akong iba. bakit hindi nalang niya ako diretsuhin hindi yung nagkakaganito siya nakakabwisit na -_-+++
"problema? ikaw, ikaw yung problema ko Mich, ewan ko lang kung hindi mo pa na gets.
'ang ano nga? wag ka ngang pabitin.
"obvious bang ayaw kung may kasama kang iba,hindi ba malinaw sa'yo yun. sigaw niya sa'kin
'pake mo ba kung sino yung kasama ko at isa pa wag ka ngang umasta na parang boyfriend kita at please lang layuan mo na ako. pagod na pagod na ako glenn, please lang! sigaw ko pabalik sa kanya.
pagkasabi ko nun ay tumakbo na ako palayo sa kanya, bigla nalang tumulo yung luha ko. bwisit na luhang 'to bigla nalang bumagsak hindi man lang ako na-inform. pinunasan ko lang yung mga luha kong patuloy parin sa pag-agos, bakit ba ganito yung epekto niya sa'kin? di naman ako ganito sa iba eh! sa kanya lang ako nagkakaganito.
------------+++++++++++++------------+++++++++++----------------------------------+++++++++-------------------------
2 months nang hindi ako pinapansin ni Glenn, sabihin nalang nating iniiwasan niya ako. diserve ko naman yung pag-iwas niya sa'kin eh! ginusto ko naman yun diba? ako panga ang nagsabi sa kanya na iwasan na niya ako pero bakit ang sakit. sa 'twing iniiwasan niya ako feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya hindi lang kasi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. inaamin ko sa sarili ko na namimiss ko yung prensinsiya niya, yung pangugulit niya sa'kin at yung pang-aasar niya idagdag mo pa yung tinatawag niya akong babes! lahat nun namiss ko.
'lutang nanaman ang peg mo 'te. sabi ng epal na si Rena, napairap nalang ako kita ng nag-eemote yung tao eh!
sino nanaman yan? hmmm! siguro si Glenn yan no.
diko nalang siya sinagot, totoo naman eh! bakit ko pa e-dedenay.
'may tanong lang ako sayo Mich.
'ano nanaman yan. bored na sagot ko
"na niniwala ka ba sa katagang the more you hate, the more you love?
atumatik naman na napatingin ako sa kanya
'pinagsasabi mo? at saan mo naman napulot yan.
"ay, grave siya oh! ano akala mo sa'kin walang utak?
'parang ganun na nga. sabi ko sabay irap
"okay! seryoso na tayo. huminga muna siya ng malalim bago pinagpatuloy yung sasabihin niya
'alam mo Mich halata ka masyado eh! sa kilos mo palang ngayon alam kung may gusto kana kay glenn, alam kung nahuhulog kana sa kanya kahit hindi mo pa sabihin sa'kin. alam mo kasi ang love parang gatgets lang yan, ano pang silbi ng gatgets mo kung wala ka namang kuryente. kagaya nalang sayo! ano pangsilbi ng pagmumok-mok mo diyan kung hindi mo rin lang naman sasabihin sa kanya yung nararamdaman mo. alam kung may gusto sayo si glenn pwera nalang kung hindi mo alam yun, mich ang manhid mo? masyado na kasing obvious yung pinapakita sayo ni glenn, yung pang-aasar at pag-papapansin niya sayo lahat nun may meaning, hindi mo lang pinapahalagahan. ang masasabi ko lang sayo kung mahal mo talaga siya habulin mo at sabihin sa kanya yung totoo, sa madaling sabi magpapakatotoo ka.
napanganga nalang ako sa sinabi ni Rena, sa haba ba naman ng speech niya tignan lang natin kung hindi ka mapanga-nga. kung makahugot lang te dinaig pa si google
"Rena matanung nga kita.
'ano yun?
"may pinagdadaanan ka ba?
'huh? wala naman, bakit mo nasabi.
"ahhh.. hehehe wala lang. pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako sa kanya, parang ayaw ko nang kausapin pa si Rena kinikilabutan ako sa kanya eh! pero tama rin naman yung sanabi niya masyado lang kasi akong nadala sa galit kaya ko nasabi ang mga bagay nun sa kanya, tama yung sinabi ni rena na ang manhid ko yung pangungulit at pang-aasar niya lahat pala yun may meaning. hayssss! buhay naman oh! parang ampalaya sobrang pait.
BINABASA MO ANG
Papansin Much (short story)
Kort verhaalhello guyz! gagawa ako nang panibagong story ^_^.. sa mga seulmin shipper ^^ diyan pati narin sa kaibigan kung baliw na baliw sa seulmin :) hahaha jongdae :* short story lang po ito :) ~enjoy reading :*