30 minute love affair

54 1 4
                                    

Bat ang lamig mo na? Yung dating kakulitan mo, ngayoy napapalitan na lamang ng kaunting pansinan. Yung malimit mong tawag, ngayon ay text nalang. Kung dati para kitang bestfriend sa lahat ng bagay, ngayon para ka nalang ordinaryong kaibigan. Hatid sundo ako dati, ngayon busy ka na. Yung madalas mong pagayang lumabas, ngayon pinipilit ka pa.

Anong nangyari? Isang araw nag iba ka na? o nagiba ba ako? Demanding ba ako? o nakukulitan ka lang sakin? Nagiba ba ang konsepto ng Law of Attraction, oh baka naman you were attracted to someone else na?

I think were drifting apart. I dont know why? Minadali lang ba natin o sa sobrang intense ng pagibig natin naubos ito ng mabilis? Masyado ba tayong predictable, kaya nag arise ang elemento ng Sawa? Suya?

Mahal mo pa ba ako? o kailangan mo lang ng space? gaano bang kalawak na space ang kelangan mo? May ginawa ba akong masama? o nakilala mo na siguro ang totoong ako? San na napunta ang sinabi mo dating "I will love you, for who you are, who you were and who will you be?" Me "tayo" pa ba? o balik na tayo sa mundo ng "ikaw" at "ako" ulit?

Nasaa..............

(Namatay ang tv)

"Ay, nasa climax na, bigla pang nag brown out" sabi ng isang babae sa sofa.

"Sandali lang yan, ganyan naman lagi pag eleksyon eh" sagot ng lalakeng nakaupo sa tabi niya.

"Bakit kaya may mga ganong relationship, noh? mabilis matapos?"

"Ewan ko" Sabay titig sa kawalan, nagiisip ng malalim.

"Ewan ko." bulong niya sa sarili, sabay titig sa babaeng nasa harap niya.

Sumandal siya sa sofa, ipinikit ang mga mata sabay bulong ulit sa sarili, "Ewan ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 minute love affairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon