Nin-ja

19 1 0
                                    

"Ma, ayokong pumasok ngayon ok! Inaantok pa ko kaya matutulog na muna ako." pahikab na sabi ni Janine.


Yan siya. Kapag sinumpong ng sakit niyang katam (katamaran) halos mapagod ka na sa kakasuway sa kanya pero wala lang. Ewan ko nga ba kung bakit ko siya nagging kaibigan eh. Ah basta.


Basta magkaibigan kami.



"Janine! Papasok ka ba o hindi?" sabi ng mama niya.

"Hindi Ma," sambit niya na may kasamang hikab at patuloy pa rin ang pamamaluktot sa kanyang kumot.


"Ah ganon, wala ka na palang allowance para sa linggong ito. Lunes na lunes oh. Tignan lang natin. Walang dadapong pera sa palad mo. ALA kahit ONCE." bigkas ng mama niya na biglang ikinatayo ng bruha at gulo-gulo pa ang buhok na si Janine.


"Eto na Ma! Nasa banyo na, naliligo at maya-maya tapos na." wika niya na halos di marinig dahil sa ingay ng gripong pagkalakas-lakas na binuksan para lamang mapuno ang timba.



Ilang minuto lang natapos na agad siya. Nagbihis, tsaka nag-almusal. Ang takaw talaga nito. Andami ba naman kasing kinain na tapsilog.


"Oh ayan na ang allowance mo. No deduction, no addition para sa week na 'to. Alam mo naman ang rules ko."


"Yes Ma. Tuloy na rin po ako."


"Sige, basta uwe ng maaga ha!"


"Try ko na lang!" pasigaw na sabi nito habang tumatakbo palabas ng kanto.


Grabe ang bilis niyang maligo, kumain at umalis ng bahay.



Ninja nga talaga siya. 


..........................................................................................................


Naglalakad ako noon nang may bumunggo sa'kin na babaeng nagmamadali. Nainis talaga ako dahil natapunan ng coffee ang uniform ko, eh ang aga-aga pa lang. Wala man lang sorry ang lumabas sa bibig ng babaeng walang paki sa paligid niya.


Matapos niya akong mabunggo, nakita ko siya na nagpunta  sa may hallway kasama ang mga kaibigan niyang kaparehas niya na maiingay. Dahil basa ang uniform ko at marumi na rin, nagpunta ako sa locker para magpalit.


"Pre, kilala mo ba yung tinatawag nilang ninja?" narinig kong tanong ng isng lalaki sa kasama niya.

"Bakit mo naman natanong? Eh, wala naming akong kakilala ditto sa campus kundi kayo lang na mga kaibigan ko." sabi pa ng isang lalaki. "Kung sa bagay, wala ka nga palang pake sa mga ka-schoolmate natin." Ipininagpatuloy ko ang pakikinig ko sa dalawang lalaking nag-uusap habang nagtatago ako sa likod ng mataas na locker sa dulo. At narinig ko ang isang lalaki na gusto daw patumbahin ng grupo nila ang ninja.


"Sino kaya yung ninja na tinutukoy nila? Eh wala naming mga ninja ditto ah. Kung meron, siguro masama yun kaya gusto siyang patumbahin ng mga lalaking narinig ko." patuloy na pagtatanong ko sa aking sarili.

Naunang lumabas ang mga lalaking nag-uusap sa locker room at ako ang naiwan. Habang dahan-dahan kong tinatanggal ko ang aking uniporme, may naramdaman akong kakaiba. Napansin kong medyo mahapdi ang dibdib ko dahil sa kapeng natapon sakin kanina. Pero may kumakaluskos sa paligid. Ano kaya yun?"



*Medyo di maganda yung flow ng story para sakin. Kaya sana maayos ko ito soon. May mga bagong story kasi akong gusting gawin. Kaya medyo tatagal ang next update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parang ParaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon