"Boom tarat tarat, Boom tarat tarat, tararat tarat BOOM BOOM BOOM" yan yung kinakanta namin nung nangangaroling kami sa bahay niyo dati, siguro Grade 5 na ako nun at Grade 6 ka.
"Dapat may sayaw" sbi mo.
para sa barya. sumayaw kami. haha. pagkatapos naming sumayaw, dali dali mong binigay yung Limang piso. asar na asar ako nun kase kung makapag demand at makapag request ka kala ko pang halagang bente na yung ibibigay mo.
"Kuripot!" sigaw ko sayo bago kami tuluyang umalis.
5 YEARS LATER..
"Loraine!Sang ere. gwapo niyan ah?"
classmate ko c Loraine. 1st year college na ako ngayon, mahilig kaming mag stalk ng mga crushes namin sa Facebook. Oo na. mukang tanga na! e wala e. Sila na buhay namin :D hahaha
Tiningnan ko ulit ng dahan dahan at malapitan yung profile nung lalaki..
-------->(O.O) mukha ko :D hahah
SANG ERE! SHUTANAMENCH! NOOOOOOOO!
Kay KURIPOT yung profile na tinitingnan ni Lareyn!
"Kilala ko yan Lareyn, kapit bahay namin yan dati. anyare? bat ang gwapo na niya? dati lang payatot yan. laging nakahawak sa grills ng bintana nila. Strict ata kasi mga magulang niyan, hindi sila pinapalabas, apat ata silang magkakapatid.. c ate karen,kath,kuya kevin atsaka siya :) siya yung bunso :) dati silang may meat shop sa palengke, graduate sya ng immaculada high school, may van sila hahaha. SYETE! bat ang gwapo na niya? hawig niya si Daniel Padilla."
agad agad kong inopen yung Facebook account ako , inadd ko agad c KEN NARVATO. nag message ako. hindi na daw niya ko naaalala pero kilala ko gf niya si abby :) tapos nagsimba na din siya sa church namin before sa Tifanny, Rizal Makati City.
nakakaines.. bat ganun? ang gwapo na talaga niya.. Hindi ako makapaniwala na siya na yun. Haixt.. hndi ako makakatulog kakaisip sa kanya. Hanggang san kaya tong paghanga na'to? Letsugas! ang pangit ko. hndi man lang ako binigyan ng karapatang umasa. hahaha.
