Sana magustuhan niyo tyung conversations nila…
Actually, hanggang page 16 to when im typing this in Microsoft Word – with spaces…. This is only short to read because this is only conversation. And every conversation take spaces… it seems only long but the truth is only short. Tinype ko muna dito kasi walang net ngayun samin… hehehe
__________________________________________________________________
Nang bumaba si Claire sa kotse at tumungo sa room. Nang malapit na siya sa pintuan ay bigla siyang natalisod ng floor mat at bigla niyang napindot ng sunod-sunod ang door bell.
‘Hala! Lagot!’
Wala pang bente minutes ang palabas nang maistorbo si Glen ng sunod sunod na doorbell. Nagtatakang tumayo ang binata upang tunguhin ang pinto. Wala naman kasi siyang ine-expect na bisita. Nandon sila ni Miguel sa condominium para mag hibernate. In fact, kahit katulong ay wala sila dahil tatlong araw lang ang plano nilang pag stay don. Trip lang.
“Yes?”
Hindi kilala ni Glen ang babaeng nakatayo sa labas ng kanilang unit. Sa tantya niya ay menor de edad pa yata.
Pero maganda. Kaagad niyang napansin ang maamong mukha nito.
“Dito Ho ba nakatira si Amy?”
‘Amy? Taga probinsya’ naisip niya.
“And who are you?”
“ako si Samantha, Samantha Claire Hernandez, taga Nueva Ecija. Kailangan ko sanang makausap si Ms. Amy, importante lang.?”
Tinignan niya ang babae ng mula ulo hanggang paa. Disente naman at hiindi taga night club ang attire. In fact, simpleng simple lamang ang dating nito.
“Pwede ko bang Makita ang identification card mo?”
“Hindi ako masamang tao. May gusto lang akong ibigay sa kanya.”
‘may sincerity sa boses niya, pero kahit sino pwedeng magawa yun. Mag pretend na mabait.’
Naisip ng binata.
Kung ang mga bata nga ay nagagamit sa sindikato, eto pakaya.
“How will I know na hindi ka masamang tao? Look, miss, naglipana ang mga loko loko sa panahon ngayon. Kung ayaw mong magpakita ng ID, ipadadamppot nalang kita sa guard at diretso sa presinto.”
May hiimig ng pagbabanta ni Glen. At muli itong dinagdag
“Saka baka malay mo, member ka na ng dugo dugo gang!”
Nanlaki ang mga mata ni Sam nang marinig ang huling sinabi ng lalaking kaharap. Kani-kanina lang ay halos mag dive ang puso niya sa kaguwapuhan nito. Pero biglang nawala ang paghanga niya dahil sa kayabangan niya. Pagbintangan ba naman itong dugo-dugo gang!
“Exuse me, Mister, kung sino kaman, Kahit gano kapa kayaman, hindi parin mapapantayan ng yaman ang ugaling meron ka. Mayaman nga pangit naman ang ugali. And I assure you na hindi ako kasapi ng mga sindikato!”
Tumaas na ang boses niya dahil sumobra na ng init ang ulo niya kaya hindi na niya pinigilan ang sarili nito na sagutin nalang ng ganon ang lalake. Pakiramdam niya ay magkaka High Blood siya.
“Saka sino kaba ha?” tanong pa niya.
“Pamangkin niya ako, at wala siya dito. Ngayon naman pwede ka nang umalis”
Mistulang isasara na ni Glen ang pinto nang biglang pinigil ito ni Sam.
“Sandali lang naman hoy! San ba siya nag punta? Kelan ang balik niya?”
BINABASA MO ANG
_Love Trap_ (Under Renovation)
Teen FictionClaire is Caught in a love trap when she goes to Manila. Later on she didn't expect that she will be a rebound and she also caught in a love triangle.