BitterEffect101

11 0 0
                                    

Pagsingle ka nga naman, Hindi ba nakakainis sa newsfeed yung mga "Happy Monthsary Babe" posts o kaya naman "Happy Anniversary mahal" posts? Celebrate celebrate pa sila eh, magbebreak din naman yan!

Ako si Angel. Nakakatawa isipin na hangang ngayon, single pa rin ako. Hayop kasi yung ex kong yun, niloko at pinagpalit sa hipon.

Ganyan naman talaga ang mga lalaki eh. Kung manligaw, ang dami pang mabubulaklak na ek ek na salita na sinasabi.. Kesyo walang iwanan, aalagaan kita, 'di kita pababayaan. Ikaw lang sapat na. Aba matinde! Anyare sa forever mo b3h?

"Gel! Maglaba ka daw sabi ni mama!"

Tindi talaga netong ngongo na to ah! Iiwanan na naman sakin ang malaforever na gawaing bahay -_-.. 'di bale wala namng forever XD

"Hoy Gel! Anu na? Magpopost ka na naman dyan ng kadramahan mo! Move on, move on din. Aba!"

Badtrip talaga to. Palibhasa kada week iba iba ang girlfriend. Leche. Isa ding manloloko.

"Umalis ka na nga kung aalis ka! Dami pang sinasabi!"

Meanwhile habang naglalaba..

**

"Gel, kamusta pag-aaral mo? Ok ka pa ba sa course mo? Kamusta grades mo?"

"Ma, isa isa lang. Yung sa grades hayaan mo na yun. 'Wag mo na masyadong isipin. Ang mahalaga ay nakakakain tayo tatlong beses isang araw."

"Sinasabi ko na nga ba makaka apekto yang pag-ibig sa pag-aaral mo eh. Pag nag-aaral nga, mag-aral lang. Saka na yan kapag napagtapos mo na yang kapatid mo."

"Buti sana kung makakapagtapos. Baka isang araw, magulat ka na lang may apo ka na."

Tapos tinignan ako ni mama ng matalim.

END OF CONVERSATION

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon