At dahil wala kaming imikan ni ermat.. maaga ako natapos maglaba.
Naalala kong may report pa pala ako. Nakakainis diba? Kun kelan lunes na bukas, saka ko naalala yung mga gagawin ko.
Bago ako magresearch ng report, matic na yan, log in muna ng account.
At sino ba namang matutuwa sa newsfeed na puro "Walang Forever" ang laman?
Sus, mga OA. Halata namang nakikiuso lang.
"Ang sembreak namin ay parang forever,
Wala kaming sembreak,"Tss. Kala niya naman merong may paki. Ang bitter! Hahahaha!
"Ngayon ko lang nalaman na may forever.
-traffic sa Edsa"Tapos ang babaw pa ng definition nila sa salitang forever. Sampal ko kaya tong Ipad sayo -_-..
Nakakahighblood. May nagpost pa na "Walang Forever" ang caption sa picture niyang labas ang kakuluwa kahit tapos na ang undas. Nakakaawa lang.
Hahahaha. Naglaro na lang ako ng Battle Camp. Tapos ang username ng kalaban ko ay "AimeeForever" Walang Joke. Ayaw akong tantanan ng salitang to ah.
Bakit nga ba galit na galit ako sa Forever?
'Di naman talaga ako galit eh. Hindi ako galit sa forever. Galit ako sa tao ma pinaniwala ako na may forever.
"Gel. Bumili ka nga muna ng mantika anak."
Sabi ni lola ko."Opo mamang"
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Rose. Napansin ko na may bago kaming kapitbahay. Impernes mayaman may van sila.
"Gel! 5v5!" Tinawag ako ni Edgar, solid tanghalin tapat, DOTA.
"Pass muna ako magagalit si mamang"
"Paalam ka na. Minsan lang to."
"'Di na pwede, madami din akong gagawin eh. Bawi ako sa sabado"
"Lah.
Jsjdbyfuajjanabxbhdyeueygagahjskxmxjsjoaoajhzbxndjydgcggdhsya6yagsbbendmxkxooa,amnahsbbs Niko."-di ko naintindihan yung sinabi niya. Ang narinig ko lang ay Niko. Niko ba yun or biko? Haha. Gutom na ako. Dalhin ko na nga tong mantika kay mamang.
Pag-uwi ko, kakauwi lang ng bakulaw komg kapatid.
"Gel. Asan si Mama?"
"Si mama? Nasa lugar kung saan wala ka"
"Tss.. Epal. Mang! Asan po si mama?"
"Hindi ko alam bunsoy. Bakit nga pala ngayon kq lang?"
"........"
Mukhang malalatayan na naman tong si Zydrix ah.
Haha. Best day ever <3
BINABASA MO ANG
Walang Forever
Teen FictionLahat tayo nagmamahal, pero hindi lahat minamahal. May sinasabihan ng I LOVE YOU, May sinasbihan din ng WILL YOU MARRY ME, At higit sa lahat, May sinasabihan lang ng GOOD BYE.