Chapter ONE

31 5 0
                                    

☆♡☆ Cate's POV

"Tine, pakipasa naman oh!"

"Akin na dali!"

"Hoy, Jack! Ipasa na natin!"

"Sandali lang Pre! Kailangan ko pang i-stapler eh!"

"Lance!  Kompleto ka na?"

"Oo, bakit?"

"Hoy, mga anak ng kalyo! Ang i-ingay niyo! Magsipag tahimik nga kayo!" reklamo ni John. Siya ang baklush naming classmate na mas masahol pang sumigaw kesa sa aming mga babae.

Last subject na namin ngayon at kami ay kasalukuyang busy sa activity na iniwan sa'amin ng Math teacher namin. Grabe, ngayon yung classroom namin... Ang INGAY! Nakakarindi!  ≥﹏≤

"Ysa, tapos ka na ba?" tanong ko sa classmate kong si Ysabel. Siguro tapos na 'to kaya kinakalikot na niya yung cellphone niya.

Halos isang minuto rin akong naghintay sa sagot niya pero mukhang busy talaga siya kasi hindi man lang sinagot any tanong ko.

"Guys! Ipasa niyo na! Uuwi na ako!" reklamo ng huwaran naming Class President. Tatayo na sana ako para magpasa na ng activity nang biglang nagsalita si Ysa.

"Castell, may love life ka na ba?" sa sobrang bigla ko sa tanong niya ay nabangga tuloy yung legs ko sa desk ko. "Ouch." mahina kong sabi. Asdfgjk! Ang sakit! :'(

"Naku, okay ka lang ba?" tumayo siya at tsaka ako inalalayan na tumayo. Grabe, ang sakit pa rin.

"Oo, okay lang ako. Mahina lang naman eh." pero medyo masakit pa rin talaga. "Teka, bakit mo naman yun natanong,Ysa?" ang weird naman kasi ng tanong niya. Sa dinami-dami ng pwedeng itanong ay yun pa talaga? Out of these world masyado at walang connection sa subject at activity namin ngayon.

"A-ano kasi.. Ahm... Gusto mo ba ng ka-text?" tapos ngumiti siya sa'kin ng nakakaloko. Ano bang nangyayare dito kay Ysa? Nakakapanibago siya ngayon. Ang layo niya sa tahimik at mahiyain na Ysabel na nakilala ko. Sabagay, 3 months pa lang naman kami na magkakilala kaya siguro naninibago ako.

CeltographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon