"Gabi na pala?" sabi ko sa sarili.
"Ay, tanga! Gabi na talaga. Ikaw ba naman ang tulog ng tulog", sabad naman na isang bahagi ng isip ko.
"Nakikinig 'yan teh! Tignan mo oh, TULALA... Antok pa din yata", sarkasmong sigaw ng isa pang parte ng utak ko.
"Bakit ganon? Mag-isa lang naman ako ah. I mean, isang tao lang ako. May isang katawan, puso at higit sa lahat, utak. Pero bakit parang ang dami nila sa loob?"
Grrr. Ito 'yung nakakainis 'pag walang pasok eh. Nandito lang ako. Sa loob ng kwarto ko, tulala. Binibigyan ang sarili ng kalayaan para mag-isip.
Maganda naman 'yung nag-iisip kaso sa part ko ayoko. May naaalala lang ako at 'pag naalala ko 'yun – Naku! Panigurado baha na naman, baha na naman ng luha.
Peste din kasi eh.
NAPAKA-UNFAIR NG BUHAY!
**********
You might be wondering who I am, well, I'm Lou Echavez. 21 years old. Panganay sa apat na magkakapatid. Kolehiyo.
Describe meself?
Ha? Describe? Naku! 'Wag na, lalaitin ko lang sarili ko. Basta 'wag kayong mag-expect ng sobra sa panlabas na anyo, isama na din ang panloob. Hindi ko din kasi kilala masyado sarili ko.
Tanungin mo na lang sila, mas kilala pa yata ng iba kung sino ako kesa sa sarili ko mismo.
So, ano okay na tayo?
Nakakafrustrate ba 'ko? HAHAHAHA
Bayaan niyo na sa susunod ng mga Chapters, makikilala niyo rin ako. So keri na 'yan.
**********
So, 'yun na nga gabi na. Ano na naman gagawin ko ngayon? Magmumokmok? Ulit? Gumawa ng assignments?
Actually, ang dami ko kailangan tapusin pero alam mo na 'pag estudyante, uso si cramming. Tinatamad na naman kasi ako, tapos, mamaya pa naman duty ko.
HAY BUHAY!
BINABASA MO ANG
STORY OF MY LIFE
Short StoryTsaka na kita lalagyan 'pag natapos ko na at may maisip na'ko. Spur of the moment lang kasi 'to! May mapaglabasan lang. Hehe peace people?!? PS. Actually, 'di yata 'to short story kasi diko alam kung sa'n patungo 'to haha wala lang talaga akong mail...