T7BWTC: 9

31 3 5
                                    

TAEHYUNG POV

Aish. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis nung nakita ko sila jimin at sid na naghaharutan kahit na minumura na ni sid ng malulutong si jimin. Ewan basta naramdaman ko nalang na naiinis na ako at ayoko munang pansinin si sid balik muna sa pagiging snob ko sa susunod na yung pagiging childish.

Pagtapos kong mag walk out kay sid dumeretso na ako sa dorm para sana magpahinga kaso naalala ko may kailangan pa pala akong tapusin na lyrics dahil kung hindi ko pa ito tatapusin baka magalit sakin si manager.

Hindi ko nga alam kung bakit ang bobo ni Sid sa lahat ba naman ng kpop idols eh kami pa talaga ang hindi niya alam at ang GOT7 lang talaga ang tanging alam niyang boy group. Tss. Hindi naman ako nagseselos sa got7 eh tska malapit ang BTS and GOT7 sa isa't isa at aaminin kong magkakaibigan kami at minsan nagkakaroon kami ng collaboration.

Kaya nga nagtataka ako. Kung fan talaga siya ng got7 edi sana nakita niya kami kasama ang got7 na nag collaboration sa stage. Tss. Tangina niya nalang.

Konti nalang matatapos ko na yung lyrics. Mga 4 stanza pa kailangan ko pero bukas nalang next week pa naman kailangan ni manager. Matutulog na muna ako.

"We is HOME!!" rinig kong si jimin yon

Tangina ang ingay talaga.

"Wiiiiiii! I is HOME na!!!" si jhope hyung panigurado

Dahil hindi ko na mapigilan yun boses nila. Lumabas ako ng kwarto

"Mga putangina ninyo hindi kayo tatahimik o ako ang tatahi jan sa mga bibig niyo?!!" sigaw ko

"Hindi na nga eh. Tangina neto" bulong ni jimin

"Sabi ko sainyo hyung tumahik kayo eh. Mga bunganga niyo kasi walang tigil" singit naman ni jungkook

"Back to sleep taehyung. Ako na bahala dito" sabi ni Namjoon hyung sabay tap sa likod ko at nag nod nalang ako at bumalik na sa kwarto. Actually dalawang kwarto lang talaga ang nandito sa dorm magkakasama sa isang kwarto ang maknae line then sa isang kwarto naman sila hyung. Malaki itong bahay pero we decided na dalawang kwarto lang para hindi nakakatamad pumunta ng kwarto ng members pag may kailangan.

Natulog na ako at buti nalang tumahimik na mga bunganga nila hyung. Phew.

SID POV

Pagkatapos ng pagwalkout ni taehyung eh iniwan na din ako ng mga ugok tangina nila. Tss. Dapat pala hindi ko na sinubukan pang lumapit dahil sa huli ako rin pala ang iiwanan. #HugotNiSid101

Hinanap ko nalang sina jae at ginalyn at dahil sa hindi ko sila mahanap umupo muna ako isang bench then nagpahinga

"Look who's here girls" sabi ng isang babae na lumapit saakin

"Uy! Siya yung lumalandi kila Oppa! Am I right?" maarteng sagot naman nung kasama nung unang nagsalita

"Eww. She's so ugly" sabi naman nung isa actually 5 sila na puro babae at the same way puro maarte pa. Tss.

"Anong kailangan niyo? Sino kayo? Kilala niyo ba ako?" tanong ko

"Yep. Kilalang kilala ka namen dahil ikaw lang naman ang babaeng panay lapit sa bangtan at nilalandi mo pa!" ano ba pinagsasabi neto? Anong bangtan?

"Anong bangtan? Sino ba tinutukoy niyo?" pagtatanong ko

"Kunwari ka pang hindi mo kilala how dare you?!" sigaw niya na akmang sasampalin ako at dahil handa ako nakailag naman ako sa sampal niya

"Sino ba kasi tinutukoy niyo?!" sigaw ko

"Eto ang tinutukoy namin!" sigaw nung babae at may pinakita siya saakin na poster at ang nakalagay ay BTS at nandun ang mga ugok tangina. O.O

Tumakbo nalang ako palayo at umalis na sa school buti nalang uwian na din kaya nagmadali na akong tumakbo. BTS? Parehas din ba sila sa Got7? Mga idols? Bat hindi ko alam? Aish. Oo nga pala. Got7 lang ang alam ko. Bobo ko talaga. Bobo mo sid. Tsk.

Naisip ko bigla yung unang pagsama namin ni jungkook sa music room

FLASHBACK~

"Paborito mo pala ang Got7?" tanong niya bigla

"Ah Oo." tipid kong sagot

"Nakita mo na ba sila?" tanong niya

"Hindi pa. Ang layo kaya ng korea dito sa pilipinas." sagot ko

"Kilala mo ba ang BTS? Kpop din yun ah?" tanong niya ulet

"Hindi eh. Got7 lang talaga kilala ko wala ng iba" sabi ko pa ng nakangiti

END FLASHBACK

Kaya pala. So. Tinutukoy niya kung kilala ko ba ang grupo nila. Ang tanga ko bat hindi ko siya pinakinggan? Tska bat hindi ko tinanong sakanya kung ano meron sa BTS? Aish. Tanga talaga.

Pagkauwi ko wala si mama si kuya nasa kwarto niya lang at nagpapatugtog ng malakas

Dumeretso ako sa kwarto ko at nagbukas ng laptop at nagsearch about BTS at shocks! Sikat nga sila! Grabe. Di ko akalain na yung mga ugok na yun ay sikat at si taehyung pag nasa stage sobrang kulit at ang humble pero sa harap ko snob. Sakin lang ba siya ganun? Ewan.

Dahil alam ko naman na yung tungkol sa grupo nila pinanuod ko na din yung mga videos nila at mga M/V grabe ang dami na din pala nilang kanta shet. Hindi ko alam na yung mga taong lagi akong kinukulit, laging nakabuntot sakin ay mga sikat na kpop idol sa korea ang swerte ko pala at shet. Bat ngayon ko lang napanood na nagkaroon na pala sila ng collaboration ng Got7 shiiiiitt! Nakakainis!
MarkSon!? Bat hindi niyo sinabi sakin? Huhu. Siguro ang dami ng galit sakin dahil laging nakabuntot sakin yung tinatawag nilang BTS na tinatawag kong mga ugok.

Tangina ang gugwapo pala ng mga ugok sa picture nila ng poster ng DOPE

Tangina nakaka-inlab si yoongi gilagid dito sa poster nila. Shete. Tapos si jungkook ang cool grabe. Ang gwapo. Pero sa personal kala mo mga baliw sa sobrang isip bata -_-

Simula bukas ako na ang mangungulit sakanila. Hehe. Sa ngayon matutulog na muna ako dahil kailangan ko ng energy para sa pangungulit bukas. Hihi.

Aish! Bat hindi ako makatulog? Naiisip ko parin sila jimin,hoseok,jungkook,namjoon,gilagid,jin at si Taehyung. Hindi ko talaga akalain na sikat sila. Panigurado akong maraming naiinggit sakin dahil lagi ko silang kasama.

Kaya pala minsan napapansin ko pag dumadaan yung mga ugok sa harap ng mga babae eh parang mga hihimatayin na sa sobrang kilig yung iba tulala pa.

Ang dami kong nare-realize ngayon dahil sa BTS na yun.

Tangina ng mga ugok na yun ni hindi man lang sinabi sakin. Tsk. Pati si Jae hindi din sinabi sakin alam kong maraming alam yung na kpop group eh. Humanda yun sakin. Tangina talaga.

--------
Mianhae sa late UD busy kasi nagkaroon kasi kami ng cheerdance so kailangan mag practice kaya hindi nakakaUD si otor then next week HELL WEEK na naman kami para sa semi-finals exam Goodluck sa lahat ng magtake ng exam nila! Muah!
Comment sa want ng dedication guys! Salamat sa pagbabasa! Mahal ko kayo! :*

COMMENT!
VOTE!
FOLLOW? Jebal?

The 7Boys with their CRAZINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon