Kabanata 2

20.6K 405 12
                                    

Kabanata 2

Cooperate


Pumunta akong waiting shed at may mga estudyanteng katulad ko na naghihintay din ng jeepney. Napatingin ako sa aking relo. Hindi na ako aasa. Late na ako nito!

May jeepney na huminto sa aking harapan. Nagmamadali akong lumapit dito dahil baka maunahan pa ako.

Umayos din ako sa pag-upo nang makasakay ako. Dahil masikip at puno siya, nagbabangga ang tuhod ko at tuhod ng estudyanteng nasa harapan ko.

Uminit ang pisnge ko sa hiya.

Gusto ko tuloy matunaw.

Napatingin ako sa kanyang mukha at nakapikit lang siya na parang hindi niya napansin ang pagbangga ng tuhod ko sa kanya at parang hindi din siya nahihirapan sa kanyang posisyon. Naningkit ang mata ko sa aking naalala. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong lalaki kagabi na lumabas sa bahay ni Mrs. Marites.

Siya nga!

Bahagya akong umusog para hindi makalapat ang tuhod ko sa kanya pero kahit ano ang gawin ko, nagbabangga talaga ang mga tuhod namin. Kinagat ko ang labi ko dahil sa hiya at nilingon ang iba.

Nakapikit ang ilang pasehero at may ibang nagbabasa ng nobela. May flat screen din sa may harapan ng jeepney at naka-play dito ang concert ni Taylor Swift na high-volume pa! Halos lahat kami ay mga estudyante sa iba't ibang unibersidad ng syudad.

Itinoon ko na lang ang pansin ko sa palabas at napansin ko tuloy ang maliit na mukha ni Taylor at tangos ng kanyang ilong. 

Napahawak ako sa tuhod ng lalaki ng biglang mag break ang jeepney. Agad ko ding binawi ang aking kamay at ikinuyom iyon. Shit. Gusto kong magmura at lumipad na lang o mawala. Hindi ko tuloy siya kayang tingnan o ano.

Ramdam kong napantingin siya sa akin. Gusto kong magsorry pero hindi ako makapagsalita. Oh my damn...

Nang makarating kami sa tapat ng unibersidad ay nagmamadali akong bumaba para makaiwas sa titig niya.

Pero ganoon na lang din ang pagkamalas ko nang makita ang i.d ng ilang estudyanteng kasama ko sa paglalakad. Napakamot ako sa aking ulo. May nakalimutan ako sa aking kwarto. Nandoon din sa mesa ang aking  COR. 

"Unang araw at nakalimutan mo agad ang i.d mo o C.O.R? " taas-tonong sermon ng school guard namin sa aking harapan. 

"May iba pa bang pwedeng gawin bukod sa umuwi ako sa malayong bahay namin para kunin ang naiwan kong I.D o wala na? Sabihin niyo na lang po at nang makaalis na ako dito ngayon." Kalmado kong tanong kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan na. Napayuko ako at tiningnan ang soot kong pulang sapatos. 

"Oh sige, first offense iha ha? Mag sign in ka na lang dito." Napabuntong hininga na lang ako. Sinunod ko ang sinabi niya at nagsign-in ako sa log book. Umalis ako sa harapan niyang dala-dala ang isang note na pinayagan akong pumasok sa paaralan kahit na walang I.D.

Tuloy tuloy ang naging lakad ko at wala na akong pakialam sa mga kapwa ko mag-aaral na nakatingin sa akin.

Hinihingal akong nakarating sa building namin.

"Today is your first day of being a senior... " naabutan ko ang chairman naming nagsasalita sa harapan ng mga classmates kong may malalaking ngiti. Tumayo ako sa malapit sa entrance door at hinintay na mapansin niya ako para makapasok ako.

"You're late!" Ani ng Chairman namin nang mapansin niya ako sa gilid. "Get inside. Don't be late again. Maawa ka naman sa record mo." tinanguan ko siya ulit. 

Maria Montedelarama (MUST Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon