"Hoy!!! Problema mo ba? kanina mo pa ko tinitingnan ha." - Nadine
"Bakit masama bang tumingin sa isang ganyan kagandang binibini?" - Francis
"Pwede ba tigilan mo nga ako sa ganyang salita.. Kung akala mo lahat ng babae makukuha mo sa ganyan.Pwes ibahin mo ako hano.." inis na sagot ni Nadine
"Ahhm!!! Nadine gusto ko lang iclarify ako ang nilalapitan nila" wika ni Francis sabay kindat sa dalaga.
"Pwede ba nakasumpong na naman ang signal no. 4 sa'yo medyo pahinaan lang ng kaunti nakakairita yung kayabanan mo" - sagot ni Nadine sabay irap
"Well!!! Huwag ka na kasing magmaangmaangan pa.. ikaw rin naman napapatingin sa akin di ba??" Pagpapatuloy ng binata
"Wow!!! Ang lakas talaga ng bilib sa sarili ng lalaking ito. Paano mo naman nasabing tinitingnan kita??" - paggalit ng sagot ni Nadine
"Simple lang. Mapapansin mo bang tinitingnan kita kung hindi ka rin tumitingin sa akin?" patuloy na pagsagot ng binata.
Sasagot sana si Nadine ng biglang...
"Excuse me!!!!!!!!" -from somebody
Dahil sa gulat na out of balance si Nadine at parang istorya sa TELENOVELA..
Nalaglag siya sa bisig ng binata at biglang nag slow mo ang buong paligid..
"Ang gwapo naman pala ng mokong nato kaso sobrang hangin lang talaga" - bulong ni Nadine
"Ano Nadine?? Narinig ko yun .. gwapo ba ko??" - tugon ng binata.
Hindi nakaimik si Nadine bagkus nagtitigan ang dalawa biglang nag slowmo uli ang paligid.
At akmang hahalikan ni Francis si Nadine
Ng biglang....
"Fraaaaanccisssss!!!!! Gumising ka na tanghali ka na. Hindi ba may pasok ka pa?? - sigaw ni Aling Tessa mama ni Francis habang kinakatok ang pinto ng kwarto ng anak.
"Opo ma andyan na!!!" - tugon ng binata.
"Bilisan mo at lalamig ang pagkain mo.." - patuloy ng kanyang Mama.
"Opo!!"- muli nitong sagot
"Badtrip si Mama.. ayun na ayun na konting konti na lang. MAHAHALIKAN ko na si Nadine ee. Ginising pa kasi ako." Bulong ng binata habang kakamot kamot sa ulo.
Inayos nya muna ang sarili niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto..