Fifth.

2.2K 1 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari ay nagpasya na akong magpaalam. Kailangan ko na ring umuwi sa 'min dahil sa palagay ko, kagabi pa ko hinahanap nila Dad.

"Ehro, I have to go home." Ani ko.

"Yup. I know. Ihahatid na kita. I need to introduce myself din sa parents mo." Sabi niya nang nakangiti.

Napagusapan na namin ang deal namin kanina. Naging maayos naman ang lahat at kapwa kami nagkaroon ng rules sa isa't isa.

"Okay then. Let's go?" sabi ko.

Naging mabilis ang byahe pauwi sa amin. Tutal ay malapit lang naman ang bahay niya sa Katipunan sa bahay namin sa Congressional.

Pagkababa ay agad kaming sinalubong ni Mommy. Nakakunot ang noo niya akong nilapitan at agad na binugahan ng sermon.

"Asan ka na naman nanggaling Zoe? Alalang alala kami sayo ng Daddy mo!"

Magsasalita na sana ako nang...

"Good morning po, ma'am. I'm Ehro Fuentarivas po. Zoe's Boyfriend. I'm sorry po ngayon lang ako nagpakilala at hindi ko po siya naiuwi sainyo kagabi. Nagkaroon po kasi ng Family dinner at ipinakilala ko po siya sa mga magulang ko. Doon na din po siya pinagstay ng mommy ko sa bahay namin sa pagaaalalang gabi na at delikado sa daan. Pasensya na po. Kasalanan ko. Hindi na po mauulit." Ani Ehro.

Agad ay parang naging maamong tupa talaga tong si Mommy. Magsasalita na sana ako ulit nang...

"Hijo! Ehro Fuentarivas? Ano ka ba! Ayos lang. Call me tita! I'm just worried about her. Hay nako... Iyan kasing si Zoe sakit sa ulo... Alam mo bang..." At kinawitan na niya sa braso so Ehro at ginaya papasok ng bahay. Sino ba talagang anak niya? Grabe talaga tong si mommy! Balak pa yatang ibuking ang mga kalokohan ko!

Agad na bumaba si Dad ng hagdan at niyakap ako. "Kumusta ang prinsesa ko? Saan ka nanggaling kagabi? Mabuti nalang at ayos ka. Nagaalala pa naman kami ng mommy mo. Alam mo namang unica hija ka namin." Buti pa si Dad hindi na masyadong mausisa. I know. I'm a spoiled brat pero pinalaki naman akong mabuting tao ng parents ko.

Agad na nakita ni Dad si Ehro na kanina pa pala nanonood samin ni Daddy.

"Oh, sino naman itong lalaking ito? Boyfriend mo ba ito princess? Finally!! Akala ko ay hindi ka na magboboyfriend!" Dad.

Nagpakilalahan at nagusap silang tatlo samantalang gusto ko nalang matulog sa kwarto at magpahinga. Maya maya ay nagpaalam na din si Ehro na uuwi na habang napapansin ko na mukhang tuwang tuwa naman sakanya sila Dad.

"Tito, Tita, uuwi na po ako. Para makapasok na din po kayo sa trabaho at para makapagpahinga na din po si Zoe." Ehro.

"Napakamagalang talagang bata! Oh sige hijo. Magiingat ka at sana ay dunalaw ka uli sa susunod!" Mommy.

Ngumiti lang si Ehro at lumapit sakin. Humalik siya sa noo ko at bumulong ng, "Rest baby, I know you're tired." Sabay kindat. Umalis na siya habang ako ay nanatili pa ding nakatulala at nakatayo sa aking pwesto. Kinikilig ba ako?

"ZOE DASHERT! Boyfriend mo na ay kinikilig ka pa din? Sobrang pula mo! Hala sige, maligo ka na at magpahinga. Buti nalang at disenteng lalaki ang ipinakilala mo sa amin ng iyong Dad. Masaya ako anak!"

Hayy. Kung alam niyo lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon