First Chapter
Anika : The Unfortunate Girl
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang walang tigil na pagpatak ng mga luha mula sa maamong mata ng isang dalaga, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa kalungkutang nadarama marahil dahil ito sa kanyang pagkabigo sa pagibig na matagal na niyang pinapangrap at inaasam-asam, siya ay si Anika San Miguel isang pangkaraniwang High School student sa isang kilalang paaralan sa lungsod. tahimik lamang siya at hindi palakibo sa klase na siyang nagging dahilan kung bakit ilag sa kanya ang karamihan sa kabila ng kanyang natatanging kagandahan, ngunit walang nakakapansin nito dahil ikinukubli niya ang kanyang sarili sa malaking salamin na nakatakip sa kanyang mga mata, hindi siya palaayos at tila pabaya sa sarili.. ngunit sa kabila nito ay natuto siyang umibig, isang pag ibig na hindi niya inasahang na magdadala sa kanya ng matinding kalungkutan,
Tatlong taon na ang nakakaraan ng makilala niya ang isang binata na labis na nagpatibok sa kanyang puso, si Adrian isang sikat na varsity sa kanilang paaralan, makisig ang binata at marami ang humahanga dito dahil sa ankin niyang kagandahang lalaki, bukod pa don ay mabait siya at palangiti sa mga taong kanyang nakakasalamuha, nuong una ay hindi niya ito pinapansin dahil sa pagkailang na kanyang nararamdaman ngunit dumating ang panahon na iniligtas siya nito sa tiyak na kapahamakan, ng isang masamang loob ang nagtangka ng masama laban sa kanya. Muntik na kasing mabiktima ng holdaper ang dalaga isang gabi habang naglalakad siya sa madilim na kalsada pauwi sa apartment na kanyang tinutuluyan, mabuti na lamang ay biglang dumating si Adrian na parang si superman para iligtas siya, tinalo niya ang holdapper gamit ang kanyang lakas at matagumpay na nailigtas si Anika, magmula ng araw na yun ay hindi na nawala sa isip niya ang binata, ginawa niya ang lahat ng bagay para lamang mapalapit siya ditto at hindi siya nabigo dahil nagging kaibigan niya ang binata ng makasama niya ito sa Drama Club na kanyang sinalihan kung saan ay kasali rin ang binata, hindi nagtaggal ay nagkapalagayan sila ng loob hanggang dumating ang kasalukuyang panahon na hindi na maitago ni Anika ang kanyang nararamdaman sa binata…
Ito na nga ang araw na kanyang pinakasam asam ang masabi sa binata ang kanyang nararamdaman ang maipahayag ng harapan sa muka nito kung gaano niya ito hinahangaan at kung gaano niya ito kamahal… ngunit ang lahat ay nagtapos sa masaklap na pagkabigo.. tinanggihan ni Adrian ang kanyang pagibig. Bagamat ayaw niyang masaktan si Anika ay wala siyang magagawa dahil mayroon na siyang kasintahan sa kasalukuyan..
Labis na dinamdam ng dalaga ang pangyayari malungkot siyang naglalakad palabas sa skwelahan habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata sinabayan naman siya ng pagtanggis ng panahon na walang tigil sa pagbuhos ng ulan, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo, sa pagibig, sa pamilya at sa lahat lahat ng bagay sa mundo.. bata pa lang siya ng maghiwlay ang kanyang mga magulang lumayas ang kanyang ina at sumama sa ibang lalaki, hindi niya alam ang dahilan kung bakit pero sa kanyang alala ay madalas niyang naririnig ang mga itong nagaaway dahil sa labis na pagkaabala ng kanyang ama sa pagtratrabaho, nawalan na ito ng oras sa kanila. Isa kasing sikat archeologist si Mr. San Miguel, madalas itong nasa ibat ibang parte ng mundo upang magsalik-sik sa mga bagay bagay tungkol sa nakaraan marahil ito ang nagging dahilan kung bakit nawalan na rin siya ng oras sa kanyang asawa at magpahanggang ngayon ay sa kanyang anak. Lumaki si Anika ng mag-isa bagamat nasa kanya ang lahat ng mga bagay na nabibili ng pera ay kulang pa rin ito para sa kanya, dahil ang isang bagay na kanyang inaasam ay hindi niya makuha kuha ang kalinga at pagmamahal mula sa mga taong kanyang minamahal at pinapahalagahan..
Nakasakay si Anika sa loob ng taksi habang pinupunasan niya ang kanyang muka upang mawala ang nagkanal sa luha sa kanyang pisngi.. malungkot pa rin ang kanyang muka at mugto pa rin ang mga mata bagamat tumigil na sa pagtangis, hindi na rin gaanong malakas ang ulan at medyo umaliwalas na ang langit, nakatingin siya sa mga gusaling kanyang nadadaanan ng biglan tumunog ang kanyang telepono. Nagmamadali niya itong kinuha sa kanyang bag at kinausap ang tao sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
OHHH mY GiNNy!
Romancepaano kung mailab ka sa isang ginny.. anu ang mangyayari basahin..... human + ginny = ?? love..