Chapter Two
“Ang Ginny”
______________________________________________________
Natagpuan ni Anika ang kanyang sarili sa isang madilim na park hindi kalayuan sa National Museum na kanyang pinangaglingan. Kumakabog pa rin ang kanyang dib-dib, puno ng kaba ang kanyang pakiramdam, hanggang sa ngayon ay hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari.
Mabilis siyang nagpumiglas mula sa pagkakayakap ng Misteryosong lalaki na biglang tumulong sa kanyang makaalis sa Museum na hindi niya maintindihan kung paano, pagkaalis niya sa bisig nito ay agad siyang humarap sa lalaki na puno ng pagtatanong ang reaksyon ng muka, hindi siya nakapagsalita ng masilayan ang maamong muka ng isang binata,
Isang binata na nakasuot ng kakaibang panannamit ang tumambad sa kanyang harapan, parang isang anghel ang maamo nitong muka,kulay pula ang lagpas tenga niyang buhok , maamo ang bilugang mga mata, matangos ang ilong at mapula nag makintab at manipis niyang labi, kapansin pansin din ang balingkinitan niyang pangangatawan dahil sa suot niyang makintab na asul na vest na halos labas na ang kanyang dibdib habang malaporselana ang kulay ng kanyang balat dahil sa kaputian at higit sa anim na pulgada ang kanyang taas, para siyang isang leading man sa isang fantasy series ng isang fantasy film.
“Sino kah?”…. seryosong tanong ni Anika, nanlalaki ang kanyang mga mat habang nakatingin sa maamong muka ng binata sa kanyang harapan.
Hindi sumagot ang binata bagkos ay gumanti lamang siya ng isang maganda at matamis na ngiti sa dalaga, matapos ay tumingin ito sa kanya, isang tingin na tila ba nangaakit.
Hindi maipaliwanag ni Anika kung bakit bumilis ang pagtibok ng kanyang dib-dib ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa maamong muka ng nakangiting binata.
Bigla siyang natigilan at nagkunwaring nagtaray “Wag mu nga akung tignan ng ganyan….” Nagagalit galitan niyang sambit, ngunit bakas naman sa kanyang muka ang kakaibang nararamdan dahil sa pamumula ng kanyang mga pisngi..
Muli’y ngumiti ang binata bago ito nagsalita. “ Maraming salamat sayo.. ikaw ang dahilan kung bakit ako nakatakas sa matagal ko ng pagkakapiit sa botelyang iyon..” pahayag ng maamong boses ng binata.
“Pagkakapiit”…. Ulit ng dalaga, hindi niya maunawaan kung anu ang mga sinasabi ng binata.
“Uu.. tugon ng binata.. matagal na panahon na rin ang nakalipas bago muli kong naranasan ang kalayaan na tulad nito at ito ay utang na loob ko sayo… dugtong pa ng niya.
Kumunot ang nuo ng daga waring hindi niya nauunawan ang mga sinasabi ng misteryosong binata na kanyang kausap “teka.. hindi kita maintindihan…
Ibang iba na ang kapaligiran.. iba na rin ang mga taong namumuhay ngayon sa daigdig.. nakaklungkot isipin na limang libong taon ko ring hindi nasilayan ang daigdig na ito.. mahinahong sambit ng binata bago niya muling ibinaling ang kanyang muka kay Anika at nagpakilala.” Aku nga pala si Gin.. at isa akong Ginny”..
Natigilan si Anika sa kanyang narinig.. isang Ginny.. tutuo ba ang sinasabi ng lalaking ito?.. tanong pa niya sa sarili.
Pamilyar kay anika ang mga kwentong may kinalaman sa mga Ginny tulad ng Alladin at ang mahiwagang lampara pero hindi niya inaasahan na tutuo palang nabubuhay ang mga nilalang na tulad nila sa daigdig..
“Ginny… “ulit ng dalaga.
“Tama mahabang panahon na ang nakakaraan magmula ng ikulong aku ng mga babaylan sa isang botelya .. limang libong taon o hindi ko na mabilang ang tagal ng tiniis ko hanggang sa dumating ka at pinakinggan mo ang aking pananaghoy. Kwento pa ng binata.
Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?.. hindi naniniwalang tanong ni Anika. Bagamat mahirap paniwalaan ang mga pangyayari ay walang magawa si Anika dahil maging siya ay nagging saksi sa mga hindi kapanipaniwalang naganap sa loob ng Museum at ang biglaang paglabas ng binata.
“hindi ka ba naniniwala sa akin?.. tanong ni Gin kay Anika
“Sa tutoo lang mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo.. alam ko ang kwento tungkol sa mga Ginny pero pawing mga kwento lamang iyon at kathang isip lamang, ni sa hinagap ay hindi ko inakala na may mga tulad mo talagang nabubuhay ditto sa mundo… pahayag ni Anika na may halong pagtataka sa kanyang boses.
Iba na talaga ang panahon ngayon.. malayong malayo sa mga nagdaang panahon.. panoorin mo ako…
Pagtapos magsalita ay kinuha ni Gin ang kanyang setru mula sa kanyang bulsa at ikinumpas ito sa isang iglap ay may ginintuang liwanag ang bumalot sa kanyang katawan, matapos iyon ay lumutang siya sa hangin.
Nanlaki ang mga mata ni Anika sa kanyang nasilayan hindi pa rin siya makapaniwala pero ito ang reyalidad pilit niyang kinukumbinsi ag kanyang sarili na panaginip lamang ang mga nagaganap pero tutuo ang lahat tama ang binata isa nga itong Ginny, Isang maalamat na nilalang na sa mga kwento at palabas lamang niya nakikita at nababasa…
Matapos ang pagpapakitang gilas ng binata ay muli nitong kinausap ang dalaga.. naniniwala ka na sa mga sinasabi ko?..
Oo naniniwala na aku sayo.. anu naman ang balak mop ngayong nakalaya kka na sa iyong mahabang pagkakabilanggo?.. tanong ng dalaga.
Hindi ko pa alam sa ngayon pero kailangan ko munang gampanana ang aking obligasyon.. pahayag ng Ginny..
Obligasyon… ulit ni Anika.
“Tama… kailangan kong ibigay sa iyo ang Tatlong kahilingan... sa bawat kabutihang itinitulong sa aming mga ginny ng mga mortal ay ginagantimpalaan naming sila ng tatlong kahilingan kahit na anong kahilingan na hindi lamang sasaklaw sa aming mga batas… paliwanag ni Gin.
“Tatlong kahilingan...muling ulit ni Anika.
“Kahit anung kahilingan kagandahan, kayamanan katanyagan, kaya ko itong ibigay sayo .. may naiisip ka na bang bagay na gusto mong ipagkaloob ko?.. tang ng binata.
Napaisip ang dalaga.. Ano ba ang hihilingin ko sa kanya? Hindi ko kailangan ng kayamanan ng katanyagan at lalo na ang kagandahan.. hindi ko kailangan ang mga yan… ang kailangan ko ay ang pagmamahal.. pagmamahal ng mga taong sa palagay ko ay pinabayaan na ako.. Muliy biglang sumikip ang kanyang dibdib ng bumalik sa kanyang ala-ala ang kanyang ama at ina.
“Pwede ba akong humiling na mapasunod ko ang damdamin ng mga tao?.. tanong ni Anika..
“Damdamin ng tao??.. ulit ng Ginny.. paumanhin pero hindi saklaw ang bagay nay an ng aking kapangyarihan.. hindi naming maaring pakiaalaman ang emosyon ng isang mortal..
Pagkarinig ni Anika sa mga sinabi ni Gin ay biglang lumungkot ang muka nito at tumalikod sa binata.
Hindi ko kailangan ng mga kahilingan nah yan.. maghanap ka na lang ng ibang taong pagbibigyan mo ng kapangyarihan mo.. sige kailangan ko ng umuwi pagod na kasi ako.. paalam.. pahayag ng dalaga bago siya naglakad palayo sa binata na nakataw sa kanya.
Sandali lang..Master hindi maaari ang gusto mo kailangan kong tupadin ang mga kahilingan na yun bago ako malayang makakilos sa mundo.. at ikaw lamang ang maaring makapagbigay ng mga iyon.. sambit ng binnata.
Pero hindi siya pinansin ng dalaga patuloy itong naglakad hanggang makatawag ng taxi, at mabilis na sumakay .
Hindi ko kailangan ng mga yan.. Masaya na ako sa kung anong meron ako ang kailangan ko ay ang pagmamahal.. bulong pa niya sa sarili..
to be conrinue....
BINABASA MO ANG
OHHH mY GiNNy!
Romancepaano kung mailab ka sa isang ginny.. anu ang mangyayari basahin..... human + ginny = ?? love..