Chapter III: Nasaan ako?

9 2 0
                                    

Chanyeol's POV

Meron kaming nakita kagabing isang dalagang napakaganda ang ganda talaga niya. Di namin akalain na siya'y mahiyain pala. Fangirl ba namin siya?. Pero sa di inaasahan nahimatay siya habang nasa sasakyan kaming apat pero ba't siya nahimatay? Ang weird niya ha. Sa ganon ginising namin siya ng ginising hanggang sa magising siya pero wala wala kaming nagawa. Tatanungin sana namin siya kung saan siya nakatira. Pero siya'y nahimatay di na namin alam ang gagawin. Saan namin siya dadalhin? ..

"Bro! saan muna natin to dadalhin?" tanong ko kay Baekhyun.

"Hindi ko alam bro,paano na yan?" sagot niya naman.

"Eh sa dorm nalng kaya muna?Pwede kaya?" sabi ni Sehun.

Aba? oo nga no? sa iisipin tama doon nalang eh hindi naman kami pwedeng pumunta sa hospital diba? eh baka pagkaguluhan kami ng tao doon. Sige sa dorm nalang. Bhala na basta mailigtas lang namin ang babaeng maganda.

"Sige sa dorm nalang natin siya dalhin. Driver dorm na po tayo" sabi ko.

Yun na nga umandar na ang sasakyan at ako'y nagdadalawang isip tama ba tong gagawin namin? baka magalit itong babae?. Pero ok lang bahala na. Malapit na kami sa dorm pero di pa rin siya nagigising. Bat ganon? bqka may sakit to. Hala? paano na?.

Dumating kami sa dorm,binuhat namin siya. Pero di talaga siya gumising ha. Pagka pasok namin. Nagulat silang lahat sa nakita nila.

"Sino yan!!!?" sabay pa sila ha.

"Mamaya nalang namin ipapaliwanag." sabi ni Baekhyun.

"Sa kwarto ko muna siya tara!" sabi ko.

At pumunta kami sa kwarto ko habang binubuhat namin siya. Akala namin magigising na siya pero hindi pa pala. Kya yun pinahiga na muna namin at wala talaga siyang malay parang natutulog lang. Yung humihinga pa rin kaya parang natutulog lang siya. Kya di na kami nag alala sa kanya. Iniwan na muna namin siya ng saglit sa kwarto at mag didinner na muna kami.

habang nag didinner. Tinanong nila ako kung bat may dala kaming babae. Kaya sinabi naman namin ang totoong nangyari.

Natapos at naubos ang aming dinner at pumunta muna ako sa kwarto ko para kumuha na damit at mag bibihis ako.

Nandito na ako sa kwarto ko.

"Ang ganda niya kahit natutulog" iniisip ko.

Pinuntahan ko siya at tiningnan ng mas malapitan. Ang ganda talaga niya. Tapos bigla siyang gumalaw. At hinawakan ang leeg ko. Tapos biglang sabing.

"Alam mo? Team Bahay nalang ako palagi. Hindi ko pa nakikita ang baeby ko At yung EXO." tapos natulog ulit siya at kinuha na niya yung kamay niya sa leeg ko.

Tama ba narinig ko? Fan siya ng EXO ? So fangirl siya namin? What a coincidence.. Magiging masaya to sigurado. Pero baka magulat to kapag magising na siya. Makakuha na nga lang ng damit para safe na ako na umalis. hinay hinay akong lumabas para di ako maka distorbo sa tulog niya pero.

"Chanyeol! Chanyeol!" nakapikit niyang sinabi.

Huh? tama ba ang aking naring? tinawag, sinabi niya ang pangalan ko? Huh? bakit?? Bukas ko nalang tatanungin.

"Goodnight magandang babae" mahina kong sinabi.

"Goodnight Chanyeol baeby ^^" sabi niya ng nakapikit ulit.

Bigla akong nagulat kaya umalis na ako kaagad at pumunta na sa kwarto ni D.O para doon nalang muna ako matulog. Hayy naku naisip ko parang di ako makapaniwala tinawag niya akong baeby . Hayy naku Chanyeol! matulog ka na nga. Parang binabangungot ka na agad. Makatulog na nga.


UMAGA NA!!!!!! sigaw ni Baekhyun.

Angel's POV

Pagkamulat ko ng aking mga mata, AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH sigaw ko. Ba't ako nandito? nasaan ako?. Sino nagdala sa akin dito? Bakit? Hala bata pa ako panginoon wag muna niyo ako bigyan ng anak pls baka kung anong mangyari sa anak ko di ko siya kayang itaguyod baka iwan ako ng gumawa sa akin nito. Pero sandali lang parang OA na yata ako? Ba't nga ba ako naririto? Saan to? Haaayyy gusto ko ng explenation. Pero nasaan ako? huhu. Pero may damit naman ako parehas lang kahapon tapos naka sapatos pa rin, may bra at panty pa naman ako. Ano kaya ang nangyari?

Nag-isip.............................................................

Ayyy! oo nga pala nahimatay ako nung nakita ko ang EXO. EXO? baka panaginip lang yun pero hinawakan ako ni Chanyeol eh pero? Ano ba talaga? Tapos may kumatok sa pintuan ng kwarto.

"Hala sino to? baka ito yung nagdala sa akin dito" sabi ko sa sarili ko.

"Pasok?" sabi ko nalang.

Tapos nakita ko si, si D.O oo si D.O , si D.O Kyungsoo ng EXO. May dala dala pa siyang almusal tapos sabi niya.

"Breakfast in bed?" sabi niya.

"Hmm.Thank you? " tapos nag blush pa ako habang sinasabi yun.

tapos umupo siya sa tabi ko tapos tinitingnan ako habang kumakain.

Teka? Nakalimutan ko na ba ang nangyari? Ba't ako nandito diba? Eh. tapos nandito pa yung isang member ng EXO si D.O tapos may dalang almusal di kaya siya yung nagdala sa akin dito? Bakit kaya? matanong nga.

"Ummhf ikaw si D.O?"

"Yeah, ako to wag ka ng mahimatay ha dapat ok ka na."

"Umhf bakit ako nandito? Sino nagdala sa akin dito? at saan ito?"

"ahh, oo nga pala sina Chanyeol, Baekhyun, at Sehun nagdala sayo dito di ka kasi nila magising kagabi kaya dito ka nalang nila dinala at kung sa hospital kasi baka pagkaguluhan sila at kung ano pang mangyari sayo. Nandito ka pala sa dorm ng EXO sorry kung dito ka nila dinala at oo dorm to ng EXO wag kang maingay ha? private to eh."

"ahh, ehh bat ? ah wala pero thank you sa almusal D.O ha ^^"

"Walang anuman sige maiwan na kita labas muna ako at gigisingin ko sila mga tulog pa kasi, Sige kain ka ng mabuti"

tumango nalang ako ^^

"Ummhf, btw. ano nga pala pangalan mo?" sabi niya habang nasa pintuan na siya palabas.

"Ako pala si Angel ^^" sabi ko.

"Aww. Angel what a nice name cge bye :)" sabi niya.

Tapos sinigurado kong nakalabas na siya ng sumigaw ako. AAAAAAAHHHHHHHHHHHH . Is this tru? nandito ako sa dorm kung saan nag stay ang EXO? Totoo? kinurot ko sarili ko , tapos Aray!!! totoo pala. Ang swerte ko nandito ako sa dorm ng EXO. Hayyyyy ^^

Naubos ko na ang kinakain ko at gusto ko ng lumabas para maka feel naman ako ng sariwang hangin di lang yung aircon dito sa kwarto. Makalabas nga pagkabukas ko ng kwarto. Nauntog ako sa isang lalaking ang tangkad naka topless siya so nabunggo ako sa mucles niya na naka abang sa may pintuan .

"Aray!!" napahawak na lang ako sa ulo ko.

Chanyeol married a Fangirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon