Akala ko

431 7 3
                                    

Please vote ^o^..hihi...

-----------------------------------------

"Bessssssstttt!!!"

ay ang aga aga kung makasigaw naman tong bestfriend ko megaphone lang?


"oh bakit? Meron ka na namang nakitang papable jan sa labas? na gwapo pero nung nakita ko ampanget naman.tss." sabay balik ng atensyon ko sa librong binabasa ko.

"Oy anong pangit? Ikaw lang talaga nang mahina ang taste sa lalaki. Palibhasa NBSB ka. Ayan tuloy bitter ka. ahahaha by the way kaya lang naman ako nandito kasi po pinapapunta ka ni mama sa bahay birthday niya today kaya alam mo na may salo salo."

"Okay." di parin ako tumitingin sa kanya..focus sa binabasa

"O-oy yung libro ko!!" 〒▽〒 Kenji mylabs

"Ano to? She's Dating The Gangster? AAno naman to? hayy ang hopeless romantic ng bestfriend ko."

"Umalis ka na nga Megan kitang nagbabasa yung tao eh.hihi kita na lang tayo mamayang lunch break."

ganyan ko kausapin bestfriend ko. Mabait naman yan eh.. uhmmm 5 years na ata kaming magbestfriend.

Ako nga pala si Dina Ballarta. Isang 3rd year high school student sa ******** school. Hay totoo nga ang bestfriend hopeless romatic ako. Pero meron akong crush. hihi crush lang naman. magtu-two years na nga eh ang loyal ko talaga sa crush ko:)
-----------

"Okay class ngayong sabado meron tayong field trip kasama ang kabilang section. Okay you may go now."

OHEMGIII fieldtrip it means makakasama si Mr. Crush!! hihi excited na ko!!

"Waaaahhhhh best merong fieldtrip!! ang saya.hihihi excited na ko. "

kahit kelan talaga etong bestfriend ko mahilig gumala at adventures. makapaghanda nga mamaya ng mga damit para sa fieldtrip. Naiisip ko palang na makakasama ko si Mr. Crush tumatalon na ang puso ko ^^
________________

BIGDAY

yahoooo finally fieldtrip day na. Papunta palang ako ngayun sa tagpuan namin. tss ang aga ko naman di naman sigurong halatang excited. Ayaw ko lang talaga yung malate ako. hihi bigday bigday.. Oops mukhang puno na yung bus na unang pinasukan ko makalipat na nga.^^

"Miss dito oh meron pang vacant sit sa tabi ko. Dito ka na umupo." waaaaah am l dreaming? Sana wag niyo na akong gisingin pa. Sino pa ba ang nagsalita edi si Mr. Crush

nakaupo na ko. whooo parang pinagpapawisan ako ah!

"thanks. l-im Dina nga p-pala.hehe"

"Ian" handshakes kami.haba ng hair.hihi

di na ko nagsalita. uutal-utal naman ako kung magsalita kaya better keep quite na lang ako. Enjoy this moment nalang ay Feel na moment pala.hihi ^^

"Ang tahimik mo naman.Magsalita ka naman. Di ba napapanis yung laway mo?Uy"

O____O

":Uy okay ka lang?Bakit parang nakakita ka ng multo?"

Mr. Heart wag ka munang tumalon diyan. ohmygod kinakausap niya ko. my heart is beating faster and faster. can this be love???

"a-ah o-okay lang ako.hehehe ano namang sasabihin ko?"

"Kahit ano.ikaw tungkol sa sarili mo.Dali magkwento ka."

Ayun nga nagkwentuhan lang kami buong byahe. Magmula ng araw ng fieldtrip namin naging close na kami ni Mr. Crush ay Ian pala. Mabait siya, gentleman, mapagbigay,matalino, mapagbiro lahat na siguro ng magagandang traits nasa kanya na. Sumasama din siya samin ni Megan tuwing lunch at kung minsan sa mga gala namin.

_____________________________

kyaaaaah!! katxt ko ngayon si Ian di raw siya makatulog ehh

bzzzt... bzzzt...

from: Mr. Crush♥

 sure ka di kpa inaantok?

to: Mr. Crush♥

  opo^^

from: Mr. Crush♥

   okay.cge.Dina meron sana akong aaminin.

ohmygod.magtatapat na ba siya?hihi naeexcite ako. parang nakikita ko na ang future na kasama ko siya at magjowa na kami:D feeling mo talaga Dina pagdating kay Ian.

to: Mr. Crush♥

  ohh anu yun??

from: Mr. Crush♥

  alam mo naman dba na mtgal na taung magkaibigan?

yiee kinikilig ako!! eto na~

to: Mr. Crush♥

  oo nmn^^

aamin na din ako sa kanyang may gusto ako sakanya. The feeling is mutual XD ahaha

from: Mr. Crush♥
  kya nga ikaw ang pinagkakatiwalaan ko. Mahal ko na ata si Megan♡

a-ano?hindi ko napigilang umiyak. Buong akala ko ako. yun pala bestfriend ko pa. Ang sakit 〒▽〒

to: Mr. Crush♥
 talaga? kelan pa?yie kinikilig ako!! :)

ang sakit!!di ako kinikilig! nasasaktan ako. kasalanan ko naman diba dahil ako yung umasa. Ako yung nagbibigay ng meaning sa mga magagandang bagay na ginawa niya para sa akin. Yun pala kaibigan lang ang turing niya sa akin.

from: Mr. Crush♥
  mag iisang buwan na. Ang bait niya no? Mahal ko na talaga siya. Tulungan mo naman ako oh. Liligawan ko siya. Bestfriend na din kita :)

ouch bestfriend??:'( ang sakit ewan ko ba kung may pagka masokista ako

to: Mr. Crush♥
  cge ba.cge 2log na ko gudnyt (⌒▽⌒)

from: Mr. Crush♥
  okay.gudnyt din sweet dreams Dina:)

itatago ko na lamang ito. Mawawala din to.Di ko nga lang alam kung kelan pero sana as soon as possible kase ang sakit eh. Akala ko ako yung mahal niya yun pala sa bestfriend ko pa. :(

ganyan talaga minsan ang buhay akala mo siya na pero hindi pala. Akala mo lahat ng ngiti niya at tawa niya ay para sa iyo. Akala mo ikaw ang kumukumpleto sa araw niya. Akala mo ikaw ang mahal niya. Lahat ng yun ay hanggang Akala mo lang pala. :(
_____

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon