Tayo Ba? [OneShot]

487 11 4
                                    

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Trixie's POV

" Trixie, Miguel, maghiwalay naman kayo kahit minsan lang. Sobrang close niyo na eh. Kaya kayo napagkakamalan eh. Psh. " sabi ni Aila. Kaklase namin na may gusto kay Miguel. Psh. Inggit lang siya eh.

" Sus Lala, selos ka lang sa kanilang dalawa. " biglang sabi naman nung bestfriend ni Aila, si Trisha.

" Selos? Ako? Sa kanilang dalawa? Pfft. Hahahaha! Hindi noh! Alam ko namang magbestfriends lang sila. Diba Migs? Magkaibigan lang kayo ni Trixie? " sabi ulit ni Aila tapos bigla siyang lumapit kay Miguel.

Naramdaman kong nakatingin sakin si Miguel kaya bigla akong napaharap sa kanya. Nginitian niya lang ako tapos humarap na ulit kay Aila.

" Ewan ko? " sabi ni Miguel kay Aila. Napangiti ako ng palihim nun. Kinikilig ako eh. At least hindi siya nag oo.

---------------------

" Trix, ako na lang kasi ang gagawa niyan. " sabi ni Miguel tapos bigla niyang kinuha yung colored paper na hawak ko. May activity kaming ginagawa ngayon eh. By group.

" Miguel naman eh! Anong gagawin ko? "

" Maupo ka na lang jan. Ako nang bahala dito. " Miguel

" Eeeeeh! Gusto ko may gagawin din ako! Tulungan mo na lang ako, okay? "

" Hay naku. Oo na. " Miguel

" Miiiigs~ Help me please? Hindi ko talaga magawa yung pinapagawa sakin ni Lyn eh! Tch! Dapat kasi hindi na lang siya yung leader natin eh! " bigla namang singit ni Aila. Tsk! Nakuuuu! Kelan ba mawawala si Aila sa paningin ko?

" Eh.. Ano kasi eh.. Tinutulungan ko pa si Trixie. Ka-group din naman natin si Trisha ah? Patulong ka na lang sa kanya. " sabi ni Miguel kay Aila. Hah! Buti nga sa kanya.

" Ano ba yan?! Lagi na lang si Trixie! Leche! Bahala kayo jan! " sabi ni Aila at unti unti na siyang naglaho sa paningin ko.

" Ikaw naman. Dapat inuna mo na lang si Aila. Kaya ko naman tong ginagawa ko eh. " sheez. Ang plastic ko ba?

" Psh. Kaya na rin niya yun. Tsaka iba yung pinapagawa satin ni Lyn. Iba rin yung pinapagawa ni Lyn kela Aila kaya dapat magpatulong na lang siya dun sa mga kapareho niya ng ginagawa. " Miguel

" Hm? Sabagay. Haha. Tara na nga! Tapusin na natin to. "

[Fast Forward: Lunch Time]

" Migs, tapos ka na bang kumain? " hay naku. Sino ba ang nag iisang taong Migs ang tawag sa bestfriend ko?

" Oo. Bakit Aila? " Miguel

" Samahan mo naman ako sa room nila Jane. " Aila

" Uh.. Teka. Trix, okay lang ba? " biglang tanong sakin ni Miguel.

" Huh? Ahm. Sige lang. Samahan mo na siya. " sabi ko sabay ngiti. Tsk! Di pa kasi ako tapos kumain eh. Kung tapos na sana ako, hindi na sana kailangang samahan ni Miguel yang Aila na yan.

" Uy Trixie! "

" O Gie! Leche to! Sa susunod, pag kumakain ako, wag mo kong gugulatin ah? " sabi ko kay Gie. Yung tumawag sakin. Psh. Muntik na akong mabulunan eh.

" Hahaha. Sarreh naman baby. Tulaley ka kasi eh. " Gie

" Sus. Yan ka na naman sa baby baby mo eh. Anak mo ba ako? "

" Hindi. Girlfriend kita diba? " Gie

" Girlfriend ka jan. Uy Gie! Parehas tayong babae o. "

" O ano naman? Teka, teka. Girlfriend. Ibig sabihin, babaeng kaibigan. Ikaw Trixie ha! Kung ano anong iniisip mo! Tsk, tsk. May HD ka sakin noh? " Gie

Tayo Ba? [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon