MY QUACK DOCTOR incomplete

68 1 0
                                    


"CONGRATULATIONS, Dr. Taski Villafuerte! Once again, you did it very well!" Nakangiting kinamayan siya ni Dr. Wency Vergel. Sinabayan pa iyon ng palakpakan ng mga kapwa doktor at nurses na naroroon sa operating room.

Nakangiting tinanggap iyon ng binata. "Thank you, Doc."

Inalis ni Doc Wency ang suot na surgical mask. Sinulyapan ang lalaking nakahiga sa kama, nakakabitan ito ng maraming tubo sa katawan. Accident victim ang lalaki. Nang dalhin ito sa emergency room, walang mag-aakalang mabubuhay pa ito. Bukod kasi sa tadtad ito ng sugat at pasa sa katawan, may tumusok pang malaking bubog sa bandang dibdib nito malapit sa puso.

Kinakailangang isailalim ito agad sa operasyon. Kung hindi, maauubusan ito ng dugo na posibleng ikamatay nito.

Pinangunahan niya at ni Doc Wency ang operasyon. Napakamaselan ng operasyon at ilang beses nang muntik-muntikang silang mabigo. Ngunit sa huli, sa awa ng Diyos at sa tulong na rin ng mga taong naroroon, nagtagumpay sila. Isang buhay na naman ang naisalba nila.

Napabuntong-hininga siya. Pinahid ng panyo ang pawis sa noo. Ligtas na ang lalaki. Kailangan lamang nitong magpagaling ng lubusan.

Ipinaubaya na niya kay Doc Wency ang ilang gagawin. Lumabas siya ng operating room. Sinalubong siya ng kamag-anak ng lalaki.

"Doc, kumusta na po ang kalagayan ng asawa ko?" Sabi ng babaeng kaharap, tila 'di ito humihinga habang hinihintay ang sagot niya.

Ngumiti siya. "He is okay now. Tagumpay ang operasyon. Naalis na namin ang bubog sa katawan niya. Kailangan na lamang niyang magpalakas."

"Oh, God! Salamat!" Hindi na napigilan ng babae ang emosyon, napaiyak ito. Inalo-alo naman ito ng matandang babaeng katabi nito.

Iniwanan na niya ang mga ito. Nagtungo siya sa west wing ng ospital, naroroon kasi ang room niya.

Habang nakaupo sa swivel chair ay hindi sinasadyang napatingin siya sa naka-frame na picture, nakapatong iyon sa ibabaw ng mesa niya. Larawan iyon ng buong pamilya niya.

Ang Villafuerte family ay nagmula sa pamilyang pawang mga doktor. Hindi na niya halos matandaan kung paano nag-umpisa ang tradisyong iyon. Ngunit simula pagkabata, lahat ng kilala niyang kamag-anak ay mga doktor. Lahat na yata ng branch ng medicine ay mayroon siyang kamag-anak. Kaya hindi kataka-takang ang source ng business nila ay medicine.

Sa immediate family niya, tatlong ospital, pitong clinic, anim na pharmaceuticals at isang laboratory ang pagmamay-ari nila. Ang dalawang hospitals ay pinatatakbo ng dalawang kapatid na lalaki, ang laboratory ay pinamamahalaan ng pangalawa sa panganay na kapatid na lalaki at ang pharmaceutical ay pinamamahalaan ng bunsong kapatid na babae.

Samantalang ang main branch ng ospital ay pinatatakbo ng mommy at daddy niya. Sa ospital na rin iyon siya nagtatrabaho bilang surgeon, and at the same time ay tine-train ng mga magulang niya para sa nalalapit na pagsasalin nito sa balikat niya. Bilang panganay sa pamilyang Villafuerte, sa kanya ipagkakatiwala ang isa sa mga itinuturing na pinakamalaking ospital sa buong bansa na naging parte ng henerasyon nila sa mahabang panahon.

Nakuha na rin niya ang specialization at residency sa ospital na iyon, at kahit pamilya niya ang may-ari ay sinunod niya ang protocol ng ospital para makuha ang specialization. Ilang taon siyang nagpakadalubhasa sa propesyon, nais niya kasing maging karapat-dapat sa ibibigay na responsibilidad sa kanya.

Natigil siya sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan.

"Doc Taski, naririto po si Ma'am Marissa." Ang assistant niya ang nasa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY QUACK DOCTOR (incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon