Chapter 13

2.3K 50 2
                                    

Author's note:
Huhu. Nakakasawa na yung work ko. Ka-pressure!

****
Mindy's POV

Nagising ako sa pakiramdam ng panunuyot ng lalamunan.

"She's awake."

"Mindy!"

"Mindy, are you alright?"

"How's your feeling?"

"Thank god! Kalorkey ha."

Hindi ko na maintindihan ang iba pang mga sinasabi nila. My head hurts... My whole body hurts.. And also my face.. Pakiramdam ko namamaga na.

Nauuhaw ako.

".....w--water..." mahina at basag ang boses na sabi ko. Narinig kaya nila?

"Mindy oh."

Inalalayan ako ni Leiland na umupo at sumandal.
Nakita ko naman si Imari sa harap ko at inaabot ang isang basong tubig.

"Stupid! Paano nya iinumin yan kung nanghihina pa siya? Ikaw na kaya magpainom!"
Psh. Ang ingay talaga nito ni Lexi.

Nilibot ko ang paningin ko, andito silang lahat sa kuwarto. Nakita ko naman ang itsura ko sa salamin ng tokador sa tapat ng kama.

May benda ako sa braso. At siguradong meron den sa binti.
May gaza ako sa pisngi. Napangiti ako ng mapait. May mga pasa ako sa iba't-ibang bahagi ng katawan.

So I'm still alive huh?

That beast! He's so cruel... Ba't binuhay nya pa ako sa ganitong kalagayan?!

"Mindy...I'm sorry. Kasalanan ko lahat. Hindi dapat kita iniwan. I'm sorry."

Tinignan ko lang si Leiland. Walang reaksyon na mababasa saken...

Sorry?

Para sa ilang tao ay madaling sabihin yan. Paulit-ulit. Isang salita lang ang bibigkasin mo at para bang sa isang salitang yon eh maayos at mababalik sa dati ang lahat. Akala nila, ganun kadaling magpatawad. Akala nila, ganun kadaling tanggapin ang mga salita nila.

Hindi pa ren ako sumasagot.

"A-ah... Ano...siguro,kailangan nya pang magpahinga?"

Basag ni Imari sa katahimikan.

"Let's go. Bryan at Rick, kayo na muna bahala kay Mindy."

Bilin ni Jed at sinenyasan si Leiland na sumama na sa kanila.

"Buti nalang at may dalawang Doctor tayong kasama. Nagamot nila agad ang mga sugat mo."
- Bryan

"Kamo, buti na lang at matibay to si Mindy." -Rick

"Pasensya ka na at di ka namin na-rescue agad. Bigla kasing may sumabog sa may malapit sa lawa." -Bryan

"Oo, nandoon pa naman sila Audrey,Arnold, Sophie at Army."
- Rick

I see.

kahit anong pagkausap nila sakin ay di ako sumasagot.

"Tsk. Kung alam lang namin na set-up yon..."

Tinapik ni Rick sa balikat si Bryan .

"Mukhang kailangan pa ni Mindy na magpahinga bro."

Naupo na sila sa Sofa na nandito sa kuwarto habang ako ay nahiga na muli. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Lalo na ang mga sugat sa binti at braso ko.

*****
Naalimpungatan ako sa malamig na simoy ng hangin sa tabi ko.
Galing sa nakabukas na bintana sa tabi ng kama ko.

Wait. Nakabukas?

THE REUNION'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon