Sa taong nakalaan para sa akin, (Anong gagawin mo?)
By forbiDDen30
**~**~**~**
[Sa taong nakalaan para sa akin, sana ay mabasa mo ito...
kahit na sa mga panahong ito ay hindi mo pa alam na ikaw pala ang pinag-aalayan ko nito.]
**~**~**~**
Sa taong nakalaan para sa akin,
Anong gagawin mo kapag sinabi kong 'di na ako naniniwala sa'yo
Na kailanman 'di na ako maghahangad na magkita tayo?
Anong gagawin mo kapag nalaman mong gusto ko nalang mapag-isa
At 'di na umaasang balang araw puso nating dalawa'y mapag-iisa?
Anong gagawin mo kapag nakita mo kong wala ng pag-ibig
Na kahit simpleng 'gusto kita' hindi ko na gustong marinig?
Anong gagawin mo?
Anong gagawin mo kapag sa araw na dumating ka, ika'y aking ipagtutulakan
At malakas na isisigaw ang mga katagang, "Wag mo kong susundan!"?
Anong gagawin mo kapag ika'y aking napagbitawan ng masasakit na salita-
Mga salitang lumabas lang bigla sa aking bibig sa 'di kagustuhang ika'y makita?
Anong gagawin mo kapag ikaw ay aking mapagdudahan
Na katulad ka rin nilang lahat na winasak ang puso ko ng dahan-dahan?
Anong gagawin mo?
Anong gagawin mo kapag sinabi ko sa'yong ikaw ay aking kinamumuhian
Dahil sa tagal mong dumating, sobra akong nasaktan?
Anong gagawin mo kapag nalaman mong hindi ko na kayang magmahal ulit
Kahit na ibulong mo pa sa aking tenga ang salitang 'forever' ng paulit-ulit?
Anong gagawin mo kapag nakita mong matagal na palang naitaas ang bandera
At matagal ka na palang talo sa tinatakbo mong karera?
Anong gagawin mo?
Isusuko mo na rin ba ako tulad ng pagsuko ko sa'yo?
Iiwas ka rin ba upang hindi na tayo magkatagpo?
Itutulak mo rin ba ako palayo nang hindi ka na masaktan pa lalo?
Hihinto ka na ba sa pagtakbo at hahayaan nalang akong makalayo?
Sana nama'y sa huling apat na tanong ko,
Mga sagot mo ay hindi OO.
Sapagkat umaasa pa rin akong balang araw
Sa akin ay may darating na IKAW
Na sasagutin ang tanong kong "Anong gagawin mo?"
Ng "Hindi ako ang taong nakalaan para sa'yo
Kung isusuko rin naman pala kita, mahal ko."
**~**~**~**
BINABASA MO ANG
Sa taong nakalaan para sa akin ...(Poem)
PoetryAng tulang ito ay para sa taong nakalaan para sa akin...