chapter two

9 1 0
                                    

Single and proud

Written by mhinehoran

Chapter two.

Natapos na kami sa trabaho. Bukas na yung sweldo namin. Sana 25,000 yung sweldo.

Umuwi na ako sa bahay pero imbis na maglakad, magta-tricycle na lang ako papuntang sa baryo. Delekado na kasi lalo na't gabi pa. Baka may mang halay sa akin. Charot.

kanina nga pala nagtext si auntie. Darating daw yung dalawa kong pinsan. Yung isa si kalen at yung isa naman si kenji. Nakatira sila sa ibang probinsya. Bakasyon lang naman daw silang magkapatid dito sa baryo. Sa maynila nakatira yung tatay ni kalen at kenji. Si tita mary naman dito lang sa bayan nakatira.

Pagdating ko sa baryo, bumaba na ako baka mapamahal pa ang babayaran ko.

"Manong magkano po?" Tanong ko habang binubuklat yung wallet ko.

"25 lang po ma'am" sagot ni manong driver.

"Buti naman bumaba pamasahe? anong nakain nyo?" Sagot ko ng hindi linililingunan ng pansin si manong driver.

"May libre kasing isang litro ng gasolina araw araw galing kay mayor " sagot ni kuya habang nagpupunas ng pawis.

"Sige po ito na po yung bayad, salamat kuya!" Lumakad na ako papalayo. Buti naman bumaba yung pamasahe. Yeys! May pang bili ako ng bagong buto sa paninda ni auntie.

sa totoo lang naaawa na ako kay auntie eh. Araw araw syang pagod. Tapos tumatanda na. Sa linggo nga pala birthday ni auntie. Ano na ba ngayon? Myerkules na pala. Day off ko na sa linggo. Pagiipunan ko yung pambili ng cake ni auntie at saka palabok. Siguradong matutuwa sya.

Habang naglalakad ako bigla akong napaisip dahil nakita ko galit nanaman si aling benita. Meron pa naman akong pera dito. 200 pesos pa. Bayaran ko na yung utang ni auntie. kahit mapera yan si auntie, maraming utang yan. Haha. 70 pesos utang nya kay aling benita .

Lumakad ako palapit sa tindahan ni aling benita.

"Ate benita ito na po yung bayad ni auntie. Seventy lang po ba yun?" Tanong ko habang dumudukot ng pera sa wallet.

"NANGUTANG PA SYA KANIN! DALAWANG PRITONG TILAPIA AT ISANG KANIN. PARA DAW KAY UNYOK!" sigaw ni aling benita."110 lahat"

Binigay ko na yung bayad ko at saka umalis sa tindahan ni aling benita at baka di pa ako makatiis baka mamaya sabog na yung mukha nung tabachoy na yun. Kung makasigaw kala mo naman nasa kabilang kalsada ako. tsst.

Nakarating na ako sa tapat ng kubo namin at napansin kong, mukhang nagkakasiyahan ang mga nasa loob nito. Nandyan na ata sila kalen at kenji. Pero hindi lang si kenji at kalen ang nakita ko, nandito din si tita mary.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kubo at ginulat sila.

"Hhhuuuuuhhh" paggulat ko sa kanila at biglang napasigaw si tita mary.

"Aaay, bilat ng kabayo!! Nakakagulat nama--" napatigil si tita mary dahil nakita nya ako. Nasilayan nya yung kagandahan ko. Charot!

"ta! Maraming bata!" natatawa kong sigaw.

"Iha! Ang laki mo na! Tatlong linggo lang kami hindi nakapunta ha!" Tuwang tuwa sabi ni tita mary habang hinahaplos yung bohok ko.

"Wow ha. Tita 3 WEEKS lang. Ang laki ko na agad.!" Natatawa kong sagot. " kalen!kenji! Musta na?" Tanong ko at saka lumapit

"Okay lang po ate. Kayo po kamusta na?" Tanong sa akin ni kalen.

"Okay lang!" Sagot ko saka umupo sa tabi nya.

Nagkwentuhan kami at hindi na namin namalayan na alas onse na pala ng gabi. Hindi pa uuwi si tita mary dahil gabi na baka madis-grasya pa sya.

Kumain nalang kami ng kamote kila tita at auntie at pritong patatas sa mga bata.

Pinatulog ko nalang si kalen at kenji para makapag-pahinga narin sila auntie.

Natulog na rin ako sa tabi ng magkapatid.

---Zzzz

finally nasa paris na rin ako. Haha! Ang ganda rito!! Ang lamig.....

"Miss hinuhuli ka po namin sa kasong pagpatay sa piloto ng eroplano!" Sabi ni manong pulis.

"Hala! Bangkay na yun kanina pa! di ako pumatay dun. binigti ko lang. Hehe"

Pinosasan ako ng mga pulis at tinali sa bakod ng lubid. Nakatutok ang baril ng 5 pulis at saka kinasa. Pinaputok nila sa akin yun at saka ako natigok. Patay na ako. Bata pa ako. Kakarating ko lang sa paris! Patay na ako!! Huhuhuh..

THE END




single and proud

Written by: erissamoncada
Mhinehoran

Alrights reserve © 2016

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Single And ProudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon