Faye

15 0 0
                                    

"Baby. Bakit ka umiiyak?" Tanong ko kay faye. Umiiyak kase sya. Hays. Di ko alam ang gagawin ko kung kapag gento sya

"Baby. Excited na kase ako. Naiiyak ako. Pano kung di mo ako siputin?" Baliw talaga to

"Baliw kaba? Kasal naten yon. Syempre andon ako. Ikaw talaga matulog kana. I love you mrs. henares"

"Bukas pa! Haha. Sige bye mahal. Iloveyou more. Tulog kana din ha"

Nakalipas na ang taon. At eto nga pagkatapos ko grumaduate ng propose agad ako sa kanya. Mahal ko e ayoko na pakawalan pa. Ang dame na nameng pinag daanan. Ang dameng beses ko na syang sinaktan at pinaiyak. Pero alam ko sa sarili ko sa kanya padin ako babalik. Sa kanya padin ako uuwi.

"And now, you may kiss the bride" Bigla akong hinapit ni faye at sya na ang humalik sakin. Ang tagal. At ang tamis. Tawa tuloy ng tawa ang mga tao. Umiiyak nadin si mama.

"Congratulations." Ani ng mga kaibigan nameng dalawa. Pumunta na kame sa venue. May surprise kase ako.

"Ohmygosh" tuwang tuwa si faye. Andito kase lahat ng kaibigan niya noong elementary highschool pati college. Lahat din ng pamilya nya nandito. Puro lightning pa ang paligid may mga paru paro pa sa paligid. Para kameng nasa fairytale. Sumayaw sya kasama ng mga kaibigan nya. Tuwang tuwa sya. Alam ko. Tapos na ang kainan at sayahan. Bumulong ako sa kanya

"Honeymoon na" Ngiting ngiti kong sabi

"Excited ka naman. Husband"

Lumipad din kame nong gabing pagkatapos ng kasal namen. Nagpunta kameng new york. Doon nya daw gusto pumunta. Magkatabi kame sa eroplano. Ang saya nya

"Baby. Tanda mo pa ba yung mga nangyare noon?" Tanong ko sa misis ko

"Oo. Tandang tanda ko pa."

Si faye. Kababata ko sya. Pero hindi kame close. Hindi ko sya malapitan. Sobrang nene nya pa noon. Grade 5 palang kase sya. Samantalang ako highschool na. Natuwa nga ako kase may nagsabe saken na crush daw ako nitong si faye. Kaya pala kapag dadaan ako sa kanila. Nakasilip sya. Sabay tatago. Kaso hindi ko naman syang kayang lapitan bata pa kase sya noon e. Hanggang nakita ko nga sya sa mall noon. Malaki na sya. Highschool na sya samatalang ako college na non. Kakahiwalay din namen ni bea. Kaya nagulat ako na makalipas ang 4 na taon. Nagkita din kame. Syempre i grab the chance. Para mapabilis ang kwento ko. Ilang taon ko din syang niligawan kase nga bawal pa syang mag boyfriend. Sobrang tyaga ko. Kaso alam nyo yung feeling na parang nananawa kana? Parang unti unti kanang bumibitaw. Samantalang sya tiwalang tiwala sya saken na maghihintay ako. Kaso sumuko agad ako ng maka 3 taon akong nag iintay 17 na sya noon. Isang taon nalang pwede na kameng dalawa. Kaso biglang bumalik si bea. Syempre concern padin ako sa kanya.

"Nag hiwalay na kame. Iniwan nya ako" Iyak sya ng iyak. Nasa bahay namen sya.

"Tumahan kana" Ani ko. At niyakap sya. Parang biglang bumilis ule ang tibok ng puso ko. Kaya sinabi kong

"Mahal padin kita bea" Sabay hinalikan nya ako. Naghalikan kameng dalawa. Kaso nakaramdam ako ng guilt. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko parang may tao pero hindi ko nalang pinansin.

"Pasensya kana bea."

"Hindi. Ok lang john lloyd. Mahal padin yata kita."

Kaya doon nagsimula na mawalan ako ng oras kay faye. Pero nakikipagkita padin ako sa kanya. Ewan ko ba nagugulahan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung si faye ba o si bea. Ang hirap pumili. Parehas silang mahalaga. Pero alam kong nasasaktan ko na ng sobra si faye. Magkikita kame na ang saya nya. Pero kita ko sa mata nya na gusto nya na ding sumuko. Pero alam kong ayaw nya akong bitawan. Kasama ko si bea sa tagaytay sasabihin ko na sa kanya

FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon