~~ Vianca ~~
Nako! Makita ko yang Destiny na yan! Lulumpuhin ko yan!
Chill ka lang baby labs ko. -Franz
Wow ah. Ayos ka. Anong baby labs?!
Hahah! Joke lang vianca!- Franz
Heh! Basta humanda yang Destiny na yan saken. Sasampolan ko yan.
Alam mo parehong pareho kay ni Phia. Haha.- franz
Talaga? Haha.
Oo may pagkakaiba lang kayo.
Ano naman yon?
Mahal kita..
TUMIGIN SAKING MATA MAGTAPAT NG NADARAMA💓
~~ Destiny ~~
Hahaha. Galing ng plano ko. Matawagan nga si izzy.
Hello? Izzy!(Destinyy! Oh baket)
Pumunta ka dito sa school.
(Bakit)
Basta.
(Hulaan ko may binully ka na naman noh?)
BUBULIHIN. Pero kelangan ko ng tulong mo.
(Sige. Parang maganda yang plano mo ah.)
Oo naman. Ako pa ba?. Dalawa silang babae. Magkapatid sila. Sampolan naten.
(Teka ano ba atraso sayo ng mga yan)
Dati, narinig ko naguusap usap sila wacky inamin ni carlo na gusto nya si Phia.
(Eh ano naman atraso nung isang babae?)
Dba Ex mo si Franz?
(Oo.)
Haha. Pwes, nililigawan nya yung ate ni Phia ngayon. Haha.
(WHAT?!)
Haha oo izzy. Tamo yang narinig mo. Oh ano? Payag ka ba?
(Kung si Franz ang usapan. Tara game.)
Haha. Sige bye na.
Binaba ko na yung telepono. Grabe nangyare kanina. Hahaha! Kung nakita lang ni izzy ang muka ni Phia. Hahaha! Napahiya si Phia sa school sa ginawa ko kanina hahahaha! Pero di pa ko tapos. Simula lang yon. Hahaha!
Hanggang sa.. biglang may kumatok.
Hoy destiny tumahimik ka nga! Nakakapikon yang tawa mo eh!- Daphne
Ay! Sorry ate Daphne! To naman! Nakakagulat ka! Sya nga pala ate, salamat.
Salamat saan?
Dun sa inutos ko sayo.
Ahh yung sa kotse?
Oo. Salamat ah.
Ge. Basta pag may atraso sayo yang Phia na yan sabihin mo agad saken ah.
Yes ate.
~~ Phia ~~
AHHHHHHHHHHHHH!! BWISET!
Grabe. Kung ganonin ka ba naman ng kaklase mo sa harap ng school! AAHHHHH! Gutay gutayin ba naman uniform ko?! AHH!Nasa pinto na pala si Ate.
PHIA ANO BA?! INGAY MO!
Sorry ate. Ateeee!
Ano?
GALIT AKO KAY DESTINYYY. TULUNGAN MO KO GUSTO KO GUMANTI!
Haha. Ikaw talaga mana ka talaga saken. Sige tutulungan kita. Ano ba talaga nangyare kanina?
Ate vianca ganto kasi yon, kanina may nagtext saken na di ko kilala tas punta daw ako sa CR. Pag punta ko sa CR andon si Destiny. Sinampal nya ako tas ginutay gutay nya yung uniform ko gamit yung malaking gunting. Di ako makalaban kasi natatakot ako na pag lumikot ako, tamaan ako ng gunting. Pagkatapos nyang gutay gutayin tinulak nya ako palabas ng CR. Tas andon yung mga kaibigan nya na si Alem at Jessica. Hinila nila ako papunta sa gitna ng school ang daming nakakita saken na ganon suot ko..... tapos.... tapos....
Tapos ano Phia?! Ano pa ginawa sayo ng Destiny na yon ha?!
Wala na. Pero...
PERO ANO?!
Kinuha ni Carlo jacket nya tapos binalot nya saken. Binalik nya akonsa classroom tas pinahiram nya ako ng PE uniform nya sa locker nya. Sinuot ko. Kaya ako ang may naiibang Uniform sa school. Nagpasalamat ako kay Carlo. Kasi kung wala sya baka nasa school pa den ako. Naka display sa gitna.
PHIA?! ANO?! GINAWA NI DESTINY YON?!
Oo ate...
HUMANDA SYA SATEN PHIA BUKAS! KALAN NYA DI AKO PUMAPATOL NG MAS BATA SAKEN AH! PWES MATITIKMAN NYA ANG BATAS NG ISANG API!!
Wow teh! Amor,ikaw ba yan? Infairness bagay sayo te!
Haha! Salamat! Nga pala aalis ako mamaya. Maiiwan ka dito mag-isa ah. May date kami ni Franz.
TE KAYO NA?!
Oo. Wag ka maingay ha! Kung di patay ka saken!
Haha sige te. Ate pede ba ko magimbita ng mga kaibigan ko dito? Sila Aniela lang at saka si Ysa.
O sige. Basta wag kayong magiingay dito. Alam mo naman Mga kapitbahay naten. Lagot ka kay Lolo Dedong pag nagingay kayo. Haha.
Opo ate. Haha. Takot pa naman ako kay Lolo Dedong. Haha.
Sya, sya. Aalis na ako ha. Tandaan mo mga biling ko sayo!
Haha opo ateeee!! Promise di kami magiingay.
Ay, sya nga pala Phia.
Baket ate? May nakalimutan ka ba?
Hinde. Pero tanong ko lang ah.
Ano yun?
May gusto ba sayo si Carlo?
Ha? Wala ah! Si Abi gusto non eh!
Talaga? Hayy. Boto pa naman ako kay Carlo.
Ate bat mo natanong?
Ang bait nya sayo eh. Dati naggagantihan kayo araw araw tas ngayon parang.... basta. Sige bye na
Bye ate...
Umalis na si ate. Nung sinabi kong gusto ni Carlo si Abi bigla ako napaisip...
Sandali.. Gusto ni Carlo si Abi. Hayy.. Hoy Phia! Ikaw ba yan?! Di ka dapat nagseselos di kayo noh! Makatulog na nga!