DOS

126 7 2
                                    


"Bakit tayo nandito?" nakayukom kamaong tanong nya. Pigil ang kanyang hininga.

"You'll see" simpleng sagot ng kanyang kapatid. Blanko ang ekspresyon nito pero halatang may malalim na iniisip.

Nauna itong pumasok sa loob

Sya? Hindi parin makapaniwala.

May ideya na sya pero ayaw tanggapin ng sistema nya.

Hindi naman siguro diba? Sana mali ang nasa-isip nya. Sana.

Labag sa loob syang sumunod rito. Nanlalamig at malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Inilibot nya ang kanyang paningin sa lugar

maraming naka-puti

may nagwawala,

tumatawa,

umiiyak,

at nakatulala.

Mga taong tinakasan ng tino sa pag-iisip.

"Manuel" bumaling sya sa kapatid na nasa information deck.

"tara na" tawag nito sakanya.

Tila mabigat ang kanyang paghakbang palapit rito.

Sumisikip ang kanyang dibdib sa mga nagaganap hindi lamang sakanya pati na rin sakanyang pamilya.

"This way sir"

Pag-gabay sakanila ng isang nurse  at nagsimula na silang maglakad  sa isang pasilyong maraming kwarto na may malaking bintanang salamin para makita ang mga taong nasa loob nito.

"Divina Salvador, room number 205, Sirs."

Huminto sila sa isang kwarto sa dulo ng pasilyo

Sa loob ng nasabing kwarto,

naroon ang kanyang asawa

naka-upo ito sa maliit nitong kama

nakasuot ng puting damit, katulad sa mga suot ng mga pasyente na naroon.

May ngiti sa mga labi,
nakatitig sa karga-karga nitong sanggol na laruan at malumay na hinele.

Tila hindi maproseso sa kanyang pag-iisip ang nasaksihan.

"D-ivina" bulong nya sa pangalan nito.

nanghihina syang napa-upo sa sahig habang ang kanyang luha ay parang ulan na bigla nalang bumuhos ng walang tigil sakanyang mata.

Kanina pa nya ipinagdadasal na sana hindi ganitong senaryo ang kanyang madatnan.

Pero narito na. Hindi nya kaya. Puot.Galit. Kinasusuklaman nya ang kanyang sarili. Una ay dahil sa pagkamatay ng kanyang anak ngayon ay ang pag-kabaliw ng kanyang mahal na asawa. 

Baliw?

Napasabunot sya sakanyang sarili. It's too much burden for his own liking. Ang mabigat sa loob. Mapait sa pakiramdam.

"Ahhhh!!Ahhhhh!!!" sigaw sya ng sigaw,baka kahit konti ay mabawasan lang man ang bigat sa kanyang damdamin, sumigaw sya hanggang sumakit ang lalamunan nya pero hindi! Mas masakit parin ang bumabalot sakanyang puso.

"Divina" tawag nya sa pangalan ng asawa,napahagulgol

"I'm so sorry Divina! I-I am so sorry" aniya na wala sa sarili.

"sir-pwede na p-o kayong pu-pumasok"
nauutal na bigkas ng nurse, marahil ay naaawa ito o baka natatakot.

Nang mahimasmasan ay pigil hininga syang tumayo syang tumayo at pumasok pero agad ring tumigil sa hamba ng pinto ng marinig nya ang boses nito habang kinakantahan ang manikang hawak.
That voice used to calm him but today's different.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He regrettedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon