goodbye

20 1 0
                                    

Hi I'm Aloha! In english, Goodbye! In Filipino, Paalam.

Pinakaayaw ko sa lahat ay yung iniiwan. Simula pagkabata ko'y lagi na lang akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay. Kahit anong suyo ko sa kanila, kahit magmakaawa pa ako, lumuha ng dugo wala pa ring epekto. Ipinanganak siguro akong iniiwan ng mga taong pinapahalagahan ko!

Ako yung taong masungit, laging nakasimangot at walang kabuhay-buhay. Ayoko kasing mapalapit sa mga taong iiwan lang naman ako. Hindi ako palakaibigan at mas gusto kong nag-iisa.

Naiirita ako kapag naririnig ko ang salitang "goodbye". May mabuti ba sa pamamaalam?

Puro negatibo kasi ang pagpapakahulugan ko sa salitang iyon. May mga nagpapaalam na hindi na muling babalik pa. May mga nagpapaalam na nakakalimot na. Yung tipong paasa. May mga nagpapaalam na matagal bago magpakita.

Kaya wag na wag mong babalaking sabihin yang salitang yan mismo sa akin. Kung gusto mong umalis o lumayo, just go without saying goodbye dahil aasa lang ako at maghihintay. Pagod na akong umasa at maghintay sa wala.

Ngunit kahit gaano pa katigas ang damdamin mo, darating at darating yung araw na bigla ka na lang mahuhulog sa taong nag-eeffort para pasayahin ka.

Siya si Resha. Bagong klasmeyt namin. Gwapo siya, matangkad at maputi pero humble.

Unang salta pa lang niya dito'y pinag-aagawan na siya ng mga babaeng klasmeyt ko.

GIRL1: "OMG! Ang gwapo niya! Crush ko na talaga siya."

GIRL2: "Me too!"

GIRL3: "Excuse me! Akin lang si Resha."

GIRL4: "No way! He's mine kami na nga eh."

GIRL5: "In your dreams! Asa pa more!"

Hay naku! Aanhin mo ang gwapo kung puro naman manloloko? Mga haliparot na babae, nakakita lang ng gwapo crush na agad-agad.

Kaya walang matitinong lalakeng pumapatol sa kanila dahil sa kahahanap nila ng mga gwapo. Mga assumera!

"Hi!" bati sa akin ni Resha saka tumabi.

Nasa hulihang row kasi ako. Hindi ko siya pinansin.

"I'm Resha, ikaw?" pagpapakilala niya saka inalok ang kamay niya.

"Excuse me!" mataray na sagot ko saka tumayo. Lumipat ako ng upuan.

"Resha don't talk to strangers! Sit here beside me." papansin naman ng maarte naming klasmeyt.

Pero makulit siya. Sinundan pa rin niya ako.

"Pwede bang makipagkai---"

"No!" pigil ko sa kanya saka inirapan.

Kilala ko naman ang mga lalake. Madalas nilang pagtripan yung mga nerd na katulad. Bully nga di ba?

Pero ang saya ko dahil naiinggit yung mga ibang klasmeyt ko sa ginagawa ni Resha.

Dumating na yung guro namin kaya wala nang imikan. Nandun pa rin siya sa tabi ko. Naiilang nga ako pero wala na akong nagawa.

Habang nagdidiscuss yung teacher, hindi siya nakikinig. Gumagawa siya ng doodle. Wow ha! May talento pala ang batang ito.

Napansin siguro ng guro namin na iba ang kanyang ginagawa kaya tinawag nito ang pangalan niya.

"Resha! Tumayo." utos ng guro.

Tumayo naman siya.

"Can you recite atleast 1 stanza of the poem She Was A Phantom of Delight!" dugtong pa ni teacher.

I Don't Want To Hear That Word "Goodbye"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon