CHAPTER SIX: RECLAIMING 'FAREWELL'
"Happy Graduation Programmers and Technicians!" Sigaw at nagingiyak-ngiyak na sabi ng Principal. Why would she cry? Dahil ang batch namin ang dahilan kung bakit number 1 ang ito sa best universities.
Sa totoo lang natatawa na ako sa mukha niya dahil sa expressions niya. Pinilit kong pigilin ang tawa ko. I just smiled nung tinignan niya ko.
Excited na akong umalis mamaya. I would like to be a proffessional programmer someday. Hindi ko alam kung bakit but I just like numbers and variables. Maraming may ayaw sa mga ito dahil nakakalito but I adore them.
"Okay graduates get ready with your hats." Sabi ng staff. Ito na yung ihahagis sa ere ang toga. I didn't bother na sumali kaya binigay ko ito sa kaklase ko. Sinabi ko na siya nalang maghagis. Tutal ito na ang last part ng program bukod sa picture taking, umalis na ako. Wala na din lang akong kapicture so I went home para ayusin ang mga gamit ko. Iniwan ko na ang lahat ng bahid ng mafia sa isang small box. Nakalagay dito ang baril ko, my name is carved there, then my spycam. Alangan naman na dalhin ko pa sa Japan ang mga ito ano.
"Hala Thena, aalis ka na apo. Mamimiss kita ng sobra sobra." Sabi ni lola at saka ako niyakap. Kakatapos ko lang linisin ang room ko at paalis na ako papuntang airport.
"Okay lang po yun. Mamiss din po kita. Huwag ka na pong mag-alala sa akin. Kaya ko sarili ko." I said and smiled.
"Alam ko naman apo. Kaya mo ang lahat ng bagay. Mag-ingat ka ha?" She said. Namumuo na ang mga luha ni lola sa mata niya. Aww, someone cried for me for the first time. I appreciate it.
Sasakay na sana dapat ako ng bus papuntang Manila but Gelo insisted na gamitin ang sasakyan ni Mr. Forman. Nagdahilan pa daw siya para lang ipahiram sakanya yun.
"Ako na ate." Gelo said at inilagay ang baggage ko sa likod ng sasakyan.
"So ate, talagang aalis ka na?" I knew it. That's the 11th time.
"Yes." Tipid na sagot ko. I looked outside. Six hours pa ang biyahe. Time check: 10:30 pm.
"Keep this." Binigay ko sa kanya ang box.
"What's this? Remembrance?" He asked. I explained what is inside at sinabing itago niya or sunugin niya kung gusto niya.
"Burn it? No way. Itatago ko nalang. Well, magpahinga ka na muna. Trust me." He said. He knows what I'm thinking. Mind reader huh? Alam niya kasing anytime may posibilidad na may mangyari.
"Tsk. Sorry but I don't rest. Just focus driving." I said coldly.
Time check: 4:00 am. Sakto dahil ang flight ko ay 4:30. Wow he's fast. Mabilis kaming nakarating ng NAIA.
Napabuntong hininga siya habang inihatid ako paloob. Malapit na ako sa bag check ng nagsalita siya."Ate please tawagan mo ko bago ka lilipad ha? I will miss you." He said with a sad face.
"Cut that crap. I'll do it." I said. Kinokonsensya pa niya ko. How dare him. I didn't show expressions and I don't show expressions. Nang matapos na ang mga dapat gawin ay pumasok na ako ng eroplano. At dahil departure palang naman ay tatawagan ko muna si Gelo. I dialed at ring lang ito ng ring. That's wierd, dapat sinagot niya na ang cellphone niya agad. There is still 15 munites bago lumipad ang eroplano. I dialed again ngunit hindi parin niya ito sinasagot.

BINABASA MO ANG
IMPERIAL MAFIA: Mafia Secrets
RandomweLcome at cooL_heart (OFFICIAL) Each person has their dignified secrets. Athena Vian Lopez has the very important and dangerous thing that everyone wants to have. But how could she keep it safe if these SECRETS are blocking her?