♛SVP 16♛

5 0 0
                                    

gray POV

"wag kang magtiwala agad sa mga malalaman mo"

kahit ako napakunot yung noo ko sa sinabi ng baliw na lalaking to

nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at parang huhulaan nya rin nya ako

"wag kang pakasigurado sa nalalaman mo...sundin mo ang nilalaman ng puso mo wag ang sinasabi ng isip mo..."

aalis na sana ako kaya lang bigla syang lumapit at may binulong sakin

"mahal karin nya"

O_o

unalis nalang ako sa lugar nayun ..hindi ako naniniwala sa mga hula hula nayan!

pero parang gusto kong paniwalaan yung huli nyang sinabi sakin

mahal karin nya

mahal karin nya

mahal karin nya

nagrereplay sa utak ko yung sinabi kanina ng manghuhula

sana nga..

---

lallaine POV

hayys!nako naman hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi sakin ng manghuhula nayun!

ah nga pala katapos kaming hulaan ng matanda dumeretso kami sa hotel at kinuha na yung mga gamit namin

deretso uwi narin kami sa byahe na nga lang ako natulog ee

para daw makapagpahinga ako ngayon..kasi bukas may pasok na naman pala

at to be honest..wala kaming nagawa! wala kaming nainterview kahit isa !tsk! wala nyan kaming ipapasa kay ma'am

pinapasakit kasi nung dalawang yun ang ulo ko e! yan tuloy pati yung ipinunta namin sa vigan nawala narin sa isip ko tsk!

ikaw kaya malaman mong may gusto sayo yung crush mo tas may balak pang manligaw..tas pati yung emotionless kong amo na kung titignan mo parang walang puso sasabihin sayong mahal ka anong gagawin mo oh!sige nga !tignan ko lang kung hindi sasakit yung ulo mo kakaisip!tsk!

tsk hindi ko rin alam kung sino ang gusto ko sa kanilang dalawa e..bat ba kasi ang ganda ganda ko?haha choss! ang haba haba ng hair ko e no kasing haba ng traffic sa edsa!dalawang gwapo ba naman ang manligaw sayo!

hayyy!nakakapagod din palang maging maganda no?..charot lang hehe tsk pati mukha ko kumakapal narin yata..


ano bayan ang boring naman dito!walang magawa!buong araw nalang ba akong tutunganga dito sa loob ng kwarto ko!kung pasukin ko kaya sa kwarto nya si master?

wag nalang baka maging dragon pa yun at mabugahan!edi madedo ako ng wala sa oras?

medyo masama pa naman ang pakiramdam ko feeling ko lalagnatin ako nyan e..

bababa lang ako saglit para kumuha ng maiinom ..sumakit bigla yung ulo ko feeling ko any time matutumba nako..tae!parang may malakas na pwersa na nang gagaling sa may bandang gilid ko wala naman akong ginawa buong magdamag ano kayang nangyayari!bumibigat narin ang talukap ng mga mata ko

all went black..

gray POV

lalabas sana ako para kumuha ng maiinom ng may naramdaman akong itim na kapangyarihan

kinabahan ako kasi nakita ko si lallaine pababa sya nang hagdan at parang nanghihina shit!

sinundan ko kung san naggagaling ang itim na kapangyarihan.at doon nakita ko ang matagal ko nang hindi nakikita..nakatingin sya ng masama kay lallaine na para bang tinutunaw shit!

nasan yung kwintas nya!?mabilis ko syang nilapitan at pinasuot sa kanya ang kwintas ko..nawalan na sya ng malay!shit!kung nahuli ako ng pag dating malamang wala na ngayon si lallaine!bat ba kasi nya hinubad yung kwintas nya??!

muli kong tinignan ang ayaw ko ng makita pa

kahit hindi sya nagsalita nabasa ko ang nasa isip nya

hangal! yan ang sinasabi nya sa isip nya habang nakangisi

alam kong kaya nya ring basahin ang iniisip ko kaya inisip ko rin ang gusto kong sabihin

wag ka nang babalik dito black dawson!kundi ako mismo ang papatay sayo

hindi pako tapos!*smirk*- black

mabilis din syang naglaho pag kasabi nya non

ahh shit si lallaine !saka ko nalang sasabihin kung sino si black sa buhay ko!

binuhat ko sya papasok sa kwarto ko !f*ck!ang init nya! nilalaganat ba sya?!

hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..hindi ako marunong magalaga ng may sakit

pero naalala ko ng nagkalagnat ako si mama ang nagalaga sakin

inisip ko kung ano yung mga ginawa ni mama nung may sakit ako







kumuha ako ng malamig na tubig sa palanggana at bimpo

naalala ko pinunas nya yun sa buo kong katawan para daw lamigin ako..

inuna kong punasan ang mukha niya..hindi ko maiwasan na mapatitig dito..napakaganda niya pero hindi kami magkamukha kahit kapatid ko sya

sunod sa mga kamay at braso

tas sa mga binti at paa

sh*t!bat biglang uminit!di aircon naman tong kwarto ko e aissh!

tsk pano ko ba sya papalitan ng damit?!hindi naman pwedeng hindi ko ito palitan pawis na pawis sya!

tinataas ko na ang damit nya.....sh*t!pag tinuloy ko to baka anong magawa ko!tinawag ko nalang si manang para sya nalang magpalit ng damit ni lallaine pareho naman silang babae

bumaba muna ako para maipagluto ko sya ng soup at kumuha na rin ng gamot nya

.
.

♚SUBSTITUTE VAMPIRE PRINCESS♛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon