A Mother's Love

4.5K 125 23
                                    


"Inang!" Nagtatakbo ako palapit sa babaeng may edad na sumalubong sa akin sa airport.

"Ikaw na ba yan anak? Grabe hindi kita nakilala!" Umiiyak na sabi niya.

"Miss na miss kita nanang. Akala ko hindi na tayo magkikita ulit." Pinunasan niya ang mga luha kong patuloy na umaagos sa pisngi ko.

"Ano ba yang sinasabi mo anak. Mabuti pa umuwi na tayo. Alam kong pagod ka sa biyahe kaya dapat magpahinga ka. Kumain ka na ba? Parang nangayayat ka ata a? Hindi ka ba masyadong nagkakakain doon sa Saudi? Naku, tamang-tama at nagluto ako ng paborito pong ulam. Yung binagoongan. Diba paborito mo yun? Kumain ka ng marami ha."

Tumango ako at binitbit na ang mga bag ko. "Teka lang po nanang. Nasaan po si Jennifer? Hindi po ba siya sumama?"

"Ha? Ah eh andiyan lang yun kanina a." Nagpalinga-linga kami para hanapin ang anak ko. "Oh ayun pala e." Nakaupo siya sa waiting area.

Nagmadali akong lumapit sa kanya. Agad ko siyang niyakap. "Ikaw na ba talaga ito anak? Ang laki-laki mo na. Lalo ka pang gumanda. Kamusta ka na? Namiss mo ba si nanay?"

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya. "Mauna na ako sa taxi." Sabi niya tsaka dire-diretsong umalis palayo sa amin ni Nanang.

Hindi ko napigilang maiyak sa inasal ng anak ko. Inalo ako ni nanang. "Anak pagpasensiyahan mo muna ang anak mo. Nabigla lang siguro siya. Alam mo naman na matagal ka din niyang hindi nakasama. Bigyan mo muna siya ng kaunting panahon anak."

Ako nga pala si Jemma Cruz. Ten years ago, I had a complete family. Mayroon akong mapagmahal na asawa ngunit maaga siyang kinuha sa akin. Para kong pinagsukluban ng langit at lupa ng mangyari yun. Perpekto na sana ang buhay ko noon pero dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nawalan ako ng asawa at nagkasakit naman ang anak ko. Nahanapan ng butas ang kanyang tiyan at kailangan ng napakalaking halaga para sa operasyon niya.

Second year high school lang ang natapos ko dahil sa kakapusan sa pera kaya ang naging trabaho ko ay ang mamasukan bilang kasambahay. Doon ko nakilala ang aking napangasawa. Kaibigan siya ng anak ng naging amo ko. Doon niligawan niya ko hanggang sa naging nobyo ko na siya. At hindi nga nagtagal ay nagpakasal kaming dalawa. Galing siya sa mayamang pamilya pero itinakwil siya ng mga magulang niya dahil hindi nila matanggap na sa isang katulong lamang nauwi ang kanilang anak. Nagsimula kami ng tahimik at simpleng buhay. Malayo sa kanyang mga magulang. Nagtrabaho siya para maitaguyod kaming pamilya niya.

Pero dahil wala na nga siya, ako ang tumayong ina at ama sa anak ko. Nag-apply ulit ako bulang katulong pero hindi naging sapat ang kita ko para matustustusan ang gastos namin sa ospital kaya ko naisipang umalis ng bansa. Namasukan ako bilang kasambahay kapalit ng mas malaking kita para may maipampagamot ako kay Jennifer. Kahit na alam kong mapapalayo ako sa kanya ay handa kong tiisin kapalit ng kasiguraduhan na magiging ligtas siya.

***

"Anak aalis ka? Saan ang lakad mo?"

"Magandang umaga nanang." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Opo. Mamamalengke po ako."

"Aba'y bakit? May ulam naman na tayo anak. Halika na't kumain na tayo." Tumabi ako sa upuan katabi ng sa kanya.

"Gusto ko lang pong magluto ng hapunan natin mamaya. Nasaan po pala si Jennifer?"

"Pumasok na anak. Alasais ng hapon ang uwi nun. Saktong-sakto sa lulutuin mo."

"Nakalimutan ko pong may pasok siya ngayon. Edi sana maaga po akong nagising para naman naipaghanda ko siya ng agahan." Malungkot na sabi ko.

A Mother's Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon