Gangsters

40 0 0
                                    

Xavier's POV

Pagkatapos kong ihatid si Wifey pumunta na ako sa HQ namin para ipaalam sa mga gang mates ko na may bago kaming pagtitripan. Pasalmat yung MinWoo DAW kuno na nandoon si Wifey.

*sa HQ*

"Hala Uno ba't may pasa ka sa mukha?!?" pasigaw na sabi Rey.
Si Reymark John Lee a.k.a Rey ay ang pinsan ko. Siya ang rank 2 ng gang. By the way, ang pangalan ng gang namin ay Black Phoenix Gang. Kami ang rank 1 dito sa Pilipinas.

"Sino ang g*gong lalaki na bumugbog sayo?" tanong ni Phil.
Si Philip Mark Lim a.k.a Phil ang rank 4 sa BPG (Black Phoenix Gang)

"Ano resbakan ka na ba namin?" tanong ni Kurt. Si Kurt Trake Mendoza a.k.a Kurt ang rank 5.

"Mga ulol! Kaya na yan ni Uno, sya pa. Pero Uno ba't ka nagpabugbog?" tanong ni Kenjie.
Si Kenjie Roy Tan a.k.a Kenjie ang rank 3.

"Mga sira! Hindi ako nakalaban kasi nandyan si Luisa." pag-eexplain ko sa mga unggoy kong gang mates.

"Ahhh..." sabi nila ng sabay

"Eh ano pa ba ang hinihintay nyo? Magwarm up na kayo dahil gaganti ako. *smirk*" sabi ko

"Ayun ang gusto ko insan!!" sabi ni Rey habang tinatapik ang likod ko. May sira yata sa ulo toh eh. HAHAHA!!

"Baliw" sabi ko ng natatawa

"Grabe ka insan. Ako baliw? Sa gwapo kong toh?" sabi nya sabay turo sa sarili.

"Ang hangin mo dre. Nakalunok ka ba ng sampung electric fan?" pang-aasar sa kanya ni Phil.

"G*go ka ah!" sabi ni Rey at binatukan si Phil.

"ARAY KO DRE MASAKIT!!" angal ni Phil at akmang babatukan si Rey pero naka-iwas naman sya.

"Too slow Phil." pagcomment ni Kenjie

"Hahaha. Kawawang Phil!" natatawang sabi ni Kurt

"Che!!" sabi ni Rey sabay walk-out

"Hala Uno bakla na yung pinsan mo." pagsumbong sa akin ni Kenjie

"Baliw. Kung bakla yang si Rey, napatay ko na yan dati pa." sabi ko at ngumiti ng parang demonyo.

"Uno hindi si Rey ang bumaga kay Hime." pagpapakalma ni Kurt sa akin.

"Alam ko." sabi ko

"Ba't parang gusto mong patayin si Rey sa tingin?" tanong si Phil

"Naalala ko lang yung nangyari ten years ago." sabi ko habang yumuko.

"Wag mo nalang ibalik. Ang importante nakasama mo sya kanina." sabi ni Rey.

*flashback*

Naglalaro kami ni Luisa ng kasal-kasalan. Huminto kami sa paglalaro at nagpahinga. Habang nagpapahinga kami hinawakan ko ang kamay niya.

"Luisa, will you be my wife?" tanong ko sa kanya at nagblush. Nakita ko na humarap sya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Yes!" sabi nya at niyakap ako. Ako naman ay nasa state of shock.

"A-anong sinabi m-mo?! Pakiulit please??" sabi ko sabay puppy eyes at pout.

"Ang sabi ko 'yes'. Bingi ka kasi." sabi nya at tumawa. Hindi ko sya pinansin at tumayo pero hinila nya ang kamay ko kaya napa-upo ako.

"Hayy nako ang Hubby ko nagtatampo." sabi niya sabay yakap ulit. Nagblush naman ako at niyakap na rin sya. Pero nagtaka ako dahil bumitaw sya sa yakap at kinuha yung baloon. Kaya pala.

"Hubby oh may baloon!!" sabi nya at pinaglaruan ito. Pero nalipad yung baloon sa kalsada kaya hinabol ito ni Luisa.

"Wifey!!! May malaking truck!!" sigaw ko pero huli na. Nabundol na sya ng langyang truck na yun.
Tumakbo naman ako papunta sa kanya at binuhat sya. Ang raming dugo ang nawala sa kanya.

"Tulong!!! Tulungan nyo kami!!" sigaw ko at umiyak.

*sa ospital*

"Is she ok doc???" tanong ni Tita Mary sa doctor.

"She's fine but she got an amnesia. But the good thing is hindi malala ang amnesia nya." sabi ng doktor at umalis.

*after 2 months*

"I don't want to leave her!!" sabi ko kay dad.

"You have to. And our flight is to night." sabi ni dad

"No!!"-ako

"You have no choice young man!"-dad

"Please Xavier!" pagmamakaawa ni mom

"Ughhh!!!! Fine!!!" sabi ko at umiyak

"Thank you!!" sabi ni mom at umalis na kasama ni dad

"Niel pupunta tayo sa ospital."-ako

"Masususnod po young master. *bow*" sabi ni Neil

*Hospital*

"Hintayin mo nalang ako dito sa labas." sabi ko Kay Niel at tumango lang sya. Pumasok na ako at nakita kong gising na si Luisa.

"Wifey are you ok?" tanong ko sa kanya

"Wh-who are you? Where's mom and dad?" tanong nya sa akin. Parang binuhusan ako ng isang balde ng ice.

"Y-you don't remember m-me??" tanong ko sa kanya sa isang malungkot na tono. Hindi nya ako sinagot. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Why are you crying?" tanong nya sa akin

"A-ah eh... wala toh. May something kasi na pumasok sa mata ko." palusot ko

"O-ok." sabi nya. Moments of awkwardness. I decided to break it.

"I'm going now. I hope you'll remember me. Bye." sabi ko habang pinipilit na wag umiyak.

"Uhmm... th-thanks for visiting me." she said. Umalis na ako at nagpahatid na sa airport. Yun ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya, and it was painful.

*end of flashback*

(A/N: Aww... kawawa naman si baby Xavier ko *pout*. HAHAHA charot!)

"Uno, umiiyak ka ba?" tanong ni Phil.

"Tanga! Sa tingin mo. Kitang may luha." pangbabara ni Kurt.

"Hayup! Nagtatanong lang namin ako." pangangatuwiran ni Phil.

"State the obvious Phil." sagot ni Kenjie sabay kain ng sandwich. Patay gutom talaga tong si Kenjie.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon