Sabi nila, kapag masyado kang malapit sa isang tao, chances are either madedevelop ka sa kanya, or sya yung madedevelop sayo.
Pero sabi lang naman nila yan e. Di naman natin masasabi kung totoo ba yan o hindi, not unless tayo mismo yung makadanas.
At sa storyang to, dito natin malalaman kung possible ba yung set up naming dalawa.
Di ko alam kung makukuntento ba ko sa kung anong meron kami, o di ko nalang papansinin.
Ang hirap kasing magconclude e. Kasi kahit sang banda ko tingnan, masasaktan lang ako.
Kung maging masaya, okay. Pero mas malaki yung chance na iiyak at mabibigo ako.
Mahirap kasing magpanggap na kaibigan lang at itago yung totoo mong nararamdaman.
Nakakatakot kasing irisk yung friendship na naipundar nyo. Kasi baka bigla nalang mawala lahat.
(A/N: kamusta naman daw yun? Sabaw ang prologue ko. To my friend, alam kong pinagkatiwala mo sakin to, don't worry, di kita paaasahin. Kahit alam kong napaka imposibleng mabasa mo to.)
1 vote for chapter one. And please leave some feedback guys.
BINABASA MO ANG
Almost
Short StoryThis story is dedicated to a special friend of mine. Di pa man tayo matagal magkakilala, nagkaron ka na agad ng special part sa buhay ko. This is also based on some stories that she told me. But some of these are made of my imaginary mind. Let's see...