Chapter One: Red Flag

16 0 0
                                    

Nikki's POV

"Oo, Adrian, gusto kita. Mahal na nga ata e. Kaso napaka insensitive mo. Lagi mo nalang sineset aside yung feelings ko."

"Ganun din ako, Grace. Ang tagal ko ng tinatago yung nararamdaman ko para sayo. Kasi akala ko may iba kang gusto."

"Ang daya mo naman e. ANG DUWAG DUWAG MO! SUMUGAL AKO DAHIL MAHAL KITA, PERO ANONG GINAWA MO?! BINALEWALA MO LANG AKO!"

"I'm sorry, Grace. Alam kong mali yun. And I feel so sorry about that."

"So ano?! Tingin mo ganun nalang ulit yun?! Na isang sorry mo lang, tanga na naman ako?! Grow up Adrian! Ang tatanda na natin. Hindi na tayo yung dating mga bata na kapag nagaway, isang sorry lang bati na."

"Ang tanga tanga ko Grace para balewalain ka. At ang gago ko para paghintayin ka. Pero pinagsisi---"

*bzzzzt* *bzzzzt*

Ano ba namang phone to?! Istorbo sa pa sa panonood ko.
Ayun na e, nadadala na ko ng eksena. Andito nga pala ko ngayon sa may park malapit sa school. At yung nagaaway kanina, groupmates ko yun. We're making a short film for one of our subjects and I am the director and the script writer.

So yea, idea ko yung mga pinagsasasabi nila. Gawa lahat yun ng imaginary mind ko.

Ay! Before anything else, lemme introduce myself first, my name is Nicole Angela Benitez. My friends used to call me Nikki. I'm 16 and curently, fourth year high school na ko.

Teka pala, may nagtext nga pala sakin.

From: Joshua
Are you free? Kita tayo sa labas ng cafeteria. May sasabihin ako.

Si Joshua pala. Bat na naman kaya ako kailangan nito?! Siguro may problema na naman yun.

Di ko na sya nireplyan. Bumalik nalang ako sa mga kagrupo ko.

*bzzzt* *bzzzt*

From: Joshua
Please, Angel. I really need you right now.

Those words made me shiver. Joshua is an old friend of mine. I knew him since we were five years old and starting that day, we became friends. And in God's fate, lagi ko na syang classmate.

Nagreply naman ako sa text nya.

Reply:
Wait a sec. Just need to finish some stuff.

Lumapit ako sa mga kagrupo ko.

"Guys, tuloy nalang nating yung iba bukas ha? Gawin nyo nalang yung ibang school requirements nyo. May emergency kasi e."

Pagtapos kong sabihin yun, inayos ko na yung mga gamit ko at dumiretso na ko sa school cafeteria.

And then I saw him sitting next to his stuffs. Andun sya, nakayuko. Halatang malungkot.

Tumayo ako sa harapan nya na naging dahilan para tingnan nya ko.

"Dumating ka. Akala ko may shooting pa kayo?"

A smile form on my face when he said that. "Ako pa ba naman ang mawala?"

And the moment I said that, he hugged me.

"J-josh, what's wrong?"

Di nya sinagot yung tanong ko at mas niyakap pa nya ko ng mahigpit.

"Please, Angel, wag mo kong sasaktan. Di ko ata kakayanin kung pati ikaw."

Di ko nagets yung sinabi nya pero di nalang ako nagtanong. Akala ko may iba pa syang sasabihin pero wala na pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon