Napakarami pa nating oras sa buhay na kinakailangan nating lubuslubusin upang makamit ang tunay na kasiyahan sa mundo.
Ngunit paano na nga ba kung ang lahat na lang ay mawawala bigla-bigla?
Bigla-bigla ka na lang mapapaisip; sana ginawa ko na lang ang lahat at sana pinakita ko na lang ang tunay kong nararamdaman.
Nagdudurugo na ang loob-looban at isip-isipan sa kasasabi ng sana.
"AT SANA NANIWALA NA LANG AKONG NASA HULI NGA TALAGA ANG PAGSISI."
Ngunit paano kung ang lahat ng iyong pinagsisihan ay may isang kapalit? Isang kapalit na magbabalik ng dating ikaw.
Lahat ng iyan ay hindi imposible. Lahat ay nakaayon sa tunay na naka akda para sa isang tao.
Napakarami nga naman talagang pag-subok ang ating natatamo ngunit huwag kalimutan na sa huli, ngiting abot tainga pa rin ang kakalabasan ng isang napakakulay na buhay.