save me

24 2 2
                                    


*****

"She is my life. She is the woman I love. And saving her, is the greatest thing I'll do for her."

-Adrian Tolentino


***


"Okay, okay! Papunta na ako. Sorry talaga! Late kasi ako ginising ni Mama eh!" halos ,adapa na ako sa sobrang bilis ng pagtakbo ko papuntang bus station. Si Mama kasi eh, kung bakit late rin siya nagising!

Ngayon kasi yung second anniversary naming magbabarkada. Ngayong araw kung kelan kami naging magkakaibigan at kung kelan nabuo ang barkada. Pero heto ako ngayon, kakasakay pa lang sa bus at sobrang nasisiksik ako dahil sa dami ng tao.


Ako nga pala si Almira jane Valencia, 16 years old at first year college sa PUP na may kursong BS Industrial and Organizational Psychology. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman ganun kahirap, kumbaga katamtaman lang.

"May bababa ba dito?" tanong nung konduktor kaya naman nakisigaw na rin ako sa mga pasaherong kasabay ko ring bababa. At nagpapasalamat ako nung makababa ako dahil nakalanghap  wakas ng sariwang hangin. Grabeng siksikan sa loob ng sasakyan, para kaming sardinas! Naghalu-halo pa yung amoy ng mga tao kaya nakakahilo. Pero bakit ba ako reklamo ng reklamo eh kung sana tumatakbo na ako para makarating na agad ako sa meeting place eh.



"Miray! Grabe kanina ka pa namin hinihintay!"
"Oo nga! Akala namin iindianin mo na kami eh!"
"Dahil dyan, ang late ang manlilibre ng pagkain."

Ang ganda ng pambungad ng best friends ko ah? Parang dapat pala di na ako pumunta. Anim nga pala kami sa barkada. Ako, si andrea na nasa Adamson University ngayon, si jam, fatty at Adrian na pare-parehong nasa UP Diliman at si jocelyn na nasa UP Baguio naman. Magkakahiwalay man kami ngayong college, hindi pa rin namin nalilimutang magkaroon ng contact sa bawat isa. Ganyan ka-strong ang foundation ng barkada namin.


Wala kaming ginawa kundi maglakad dito sa gilid ng Manila bay at nung bandang gabi ay dumiretso kami sa Star City. Nag-enjoy talaga akong kasama sila. Sana nga maulit ulit 'tong mga ganitong pagkakataon.


***



Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos yung lakad namin at nakakatuwa dahil araw-araw kong nakakatext yung bestfriends ko. Pero ang madalas ko talagang makausap sa text ay si Adrian. Ewan ko pero lumipas ang mga araw, naramdaman kong nag-iiba na ang pagtingin ko sa kanya.


***


Three months na ang nakalipas at mas lalo lang nag-iba ang pakiraamdam ko. Lagi kaming magkatext. Lagi niya akong tinatawagan. Nahuhulog na ako sa kanya.

From: Adrian

'silip ka sa bintana mo.'

Nabigla naman ako sa text niya ngayong gabi kaya ginawa ko yung sinabi niya. Sumilip ako sa bintana. At mas lalo akong nagulat nung nakita kong nakatayo siya dun sa labas at may hawak na illustration board.

'Pwede ko bang ligawan ang best friend ko? Ayaw na kasi kitang maging best friend. Gusto na kitang maging girlfriend.'

Ewan ko ba pero napangiti ako sa nabasa ko. I know na corny yun pero kinilig pa rin ako. Ako man Adrian, gusto ko ring makilala ka nang lubusan.. higit pa sa isang kaibigan.


***


Pinaalam na rin namin sa barkada kung anong status namin ngayon ni Adrian. Nililigawan niya na ako. Akala ko nga magagalit sila eh, but instead naging supportive pa sila sa relationship namin ngayon. Sana nga, maging maayos ang lahat.

Natutuwa nga ako kay Kyle eh. Ang sweet sweet niya kasing manligaw. Yung tipong corny para sa iba pero para sa akin eh super sweet at nakakatuwa. Minsan nga ay bigla nalang akong inabutan ng mga classmate ko ng roses. As in lahat sila sabay-sabay na nag-abot. Tapos nagulat ako nung nasa pintuan pala si Adrian at hindi pumasok sa isang subject para lang dito.



"You're the most beautiful girl I've seen. More beautiful than these perfect roses." then he hugged me tightly. Naghiyawan pa nga mga classmates ko nun eh.

Tapos kahapon naman, tinadtad niya ako ng 'I love You' sa text. Buong maghapon atang nagvivibrate yung phone ko gawa nun. Tapos nung tumigil na, binasa ko yung last message niya.

'Nabasa mo yun? Ganun ako magmahal.. WALANG TIGIL.'
Ako naman eh kinilig na naman sa ginawa niya. Parang bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong naiinlove sa kanya. Parang dati, kaibigan lang tingin ko sa kanya, ngayon.. mas lumalim na. Hindi nalang basta kaibigan, kundi bilang isang lalaki.. na gusto kong makasama habang buhay.



Sana nga tama ang desisyong gagawin ko. Sana.


***


"Sigurado ka na ba dyan?"
"Wag kang padalus-dalos."
"Pero kung saan ka masaya, dun rin kami."

Kinausap ko si fatty, jam at andrea para sabihin sa kanila na may balak na akong sagutin si Adrian bukas. Kailangan ko lang ng opinion nila, as best friends and as girls. And yun nga, kung saan ako masaya, dun rin sila. At alam kong sasaya ako, kapag sinagot ko siya.

Adrian, konting hintay na lang.. alam kong sasaya tayong magkasama.


***


This is it.

Tinext ko si Adrian na pumunta sa park malapit sa amin. Gusto kong maging memorable ang araw na ito para sa akin. Para sa aming dalawa. Sasagutin ko na siya mamaya. Ewan ko pero pag naiisip ko yun, hindi ko mapigilang mapangiti.


"Miray, bakit mo nga pala ako pinapunta dito? May problema ka ba?" tanong niya sa akin na halatang worried na worried. Nginitian ko nalang siya.

"Hmm, wala lang. Gusto ko lang na makasama ka. Masama?" this time, siya naman ang ngumiti nang nakakaloko.

Nagkulitan lang kami dun. Nagtakbuhan sa field hanggang maggabi. Nilibre niya nga rin ako ng fishball tsaka tokneneng eh. Ang sarap pala nun! Tapos kumain rin kami ng cotton candy. Pinagtitinginan na mga kami ng mga tao dahil sobrang ingay namin at para kaming bata sa kinikilos namin. Kinuha pa nga niya yung wallet ko kanina eh. Buti at sinauli niya. Akala ko kung anong gagawin niya dun eh.

Well hindi ko nalang sila pinansin. Ang mahalaga, kasama ko ngayon yung taong mahal ko. Yung lalaking magiging boyfriend ko na mamaya. Nung wala na kaming magawa, inaya ko siyang maglakad-lakad muna. I think this is the right time para sagutin siya.


"Ahm, Adrian. May sasabihin sana ako sayo eh." nakayukong sabi ko. Nakakahiya pala pag ganito.

"Ano yun?"

"Adrian, I just want to say th--"










"HOLD-UP TO!" halos manigas ako sa kinatatayuan ko nung biglang may tatlong lalaking may hawak na kutsilyo ang lumabas sa harapan namin.

"A..Adrian.." napatakbo ako bigla sa likuran ni Adrian. Nanlalambot yung tuhod ko at di ko namalayang umiiyak na pala ako sa sobrang takot.

"AKIN NA YUNG WALLET AT CELLPHONE NIYO! IBIGAY NIYO NA KUNG AYAW NIYONG MASAKTAN!" sabi nung isa habang yung dalawa ay nakatutok ang mga kutsilyo sa amin. Dahil sa sobrang takot ko, nilabas ko agad yung wallet at cellphone ko. Pero nung iaabot ko na sa kanila,


"Miray, takbo!" itinulak ako bigla ni Adrian sa tabi habang kinalaban niya yung tatlong lalaki. Hindi na ako makagalaw sa mga nakikita ko.







"AAAAHHH!" halos himatayin ako sa nasaksihan ko ngayon lang. S..si Adrian.. NO!

"Gag* ka pare bakit mo sinaksak?! Tumakbo na tayo baka may makakita!!"



"ADRIAANNN!!!!" hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para tumakbo papunta kay Adrian. Hindi ko na rin napigilang umiyak. May tama siya sa tagiliran at marami nang dugo ang nawala sa kanya. Inihiga ko yung ulo niya sa hita ko.



"A..Adrian.. Naririnig mo ba ako?.. W..wag kang pipikit ha?.. H..hihingi tayo ng tulong.. TULONG!! TULONG!! TULUNGAN NIYO PO KAMI! PARANG AWA NIYO NA!" nilakasan ko na yung boses ko hanggang sa makakaya ko. Halos hindi na rin ako makakita dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.

"M..miray.. Wag kang.. umiyak. Hindi dapat..pinapaiyak ang babaeng.. katulad mo. D..dapat lagi.. ka lang nakangiti." sabi niya habang hinahaplos niya yung mukha ko. Lalo akong naiyak habang ginagawa niya yun.


"Adrian, wag mo akong iiwan ha? A..alam mo ba dapat.. sasagutin na kita ngayon? Di ba gusto mo yun?.. D.. diba matagal mo na yung hinintay? Kaya please naman oh.. wag mo akong iiwan. Hihingi ako ng tulong." patayo na sana ako kaso hinatak niya ulit ako.


"W..wag mo akong.. iwan.. Miray. Dito.. ka lang.. sa tabi ko."

"Pero.." ang sakit na sa puso ng pangyayaring 'to. Sana panaginip lang 'to. Sana hindi 'to totoo.

"Alam mo.. m..masaya ako ngayon.. k..kasi naging girlfriend kita.. k..kahit sandaling p..panahon lang.. M..masaya ako na mahal..mo rin pala.. ako. S..salamat miray.." pumapatak na rin ang mga luha sa mata niya kaya agad ko yung pinunasan.

"Mahal na mahal na mahal kita Adrian.. kaya please wag mo akong iwan ha? Dito ka lang lagi sa tabi ko.. Ta..tapos, ibabalita pa natin 'to sa barkada. Tapos.. magdedate pa tayo araw-araw.. ta..tapos, magcecelebrate pa tayo ng monthsaries natin.. Diba"

"Masaya.. ako.. kasi.. nasuklian.. y..yung pagmamahal... na binigay ko sayo.. Mahal na mahal rin kita miray. I won't regret loving you.. Pero sorry dahil.. hindi ko matutupad yung mga.. kahilingan mo.. Nararamdaman ko, hindi.. na ako magtatagal.. Wag mo akong kakalimutan ha? Pwede bang.. magpakaselfish ako ngayon? P..pwede bang ako lang ang mahal mo? P..pwede bang halikan mo ako ngayon? P..pwe--"


Hindi ko na siya pinatapos at hinalikan ko nalang siya. Isang halik na punung-puno ng pagmamahal. Isang halik na tanging sa kanya ko lang ibibigay. Pagkatapos ko siyang halikan, nakangiti lang siya at may inabot siya sa kamay ko--




MY WALLET.



"I will always..love you, almira." bigla nalang bumitiw yung kamay niya sa mukha ko. H..hindi. Hindi pwede.

"Adrian? Adrian? Gumising ka dyan. Di.. diba mahal mo ko? Di ba sabi mo ako lang? Please naman oh! Kung mahal mo ko, gumising ka dyan!" tinapik-tapik ko yung mukha niya.

"Diba dapat magcecelebrate tayo ngayon kasi tayo na? Boyfriend na kita. Adrian! Wag ka namang ganyan oh. Wag mo naman akong biruin ng ganito. Adrian? Adrian!!" niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na alam kong hindi siya mawawala sa tabi ko.


"Adrian!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" halos mawalan ako ng kaluluwa habang pilit kong tinatanggap na wala na siya. BAKIT SIYA PA?! BAKIT HINDI NALANG AKO?! AKO NAMAN ANG MAY KASALANAN SA NANGYARI EH! AKO!


"No..no.. Adrian.. please naman oh? Don't do this to me.. do..don't leave me alone.. I love you so much.. Hindi ko pa nasasabi sayo kung gaano kita kamahal eh.. Adrian.. ADRIAN!!" I hugged him tightly. So tight that I just want freeze the time so that I can stay with him longer.




Adrian, why did you left me?










***





Almira,

I may not be that handsome,
I may not be that rich,
I may not be that smart,

But I will try my best to be a perfect man for you.
I'll always be here.. waiting.
Waiting for you.
I love you so much.
I hope we can stay like this forever, until our last breath.

Love,
Adrian.


Tumutulo pa rin ang luha ko kahit ilang beses ko nang binasa yung sulat na nakalagay sa wallet ko. Ilang ulit ko na ring tinignan yung picture naming dalawa na nilagay niya rin sa wallet ko. Kahit anong gawin ko, ang sakit pa rin. Hindi ko matanggap na wala na siya.

At hinding-hindi ko matatanggap.



My heart.. it hurts.

It hurts so much that I want it out of my body.
Pero ayoko, kasi si Adrian ang laman nito.
Si Adrian na nagbuwis ng buhay para sa akin. Si Adrian na sobrang mahal ko. Si Adrian na gusto kong makasama habang buhay.


Na ngayon ay wala na.
Hanggang panaginip nalang.



Adrian, kung nasaan ka man ngayon, hintayin mo ako.
Hindi magtatagal, magsasama rin tayo.
Kaunting panahon nalang.





I love you too.

Thank you for saving me.


You're my only man until I die.

Adrian.




save me ( one shot )Where stories live. Discover now