Meant To Be This Way

21 1 0
                                    

"Tyler Gamboa? Tyler, tsk. Kilala ko ito eh, narinig ko na. Hindi ko lang matandaan kung saan at kelan." Pilit nyang inaalala kung saan nya narinig ang pangalan ng nag mamay-ari ng notebook na nakuha. Tambay sya ngayon sa paborito nyang lugar sa campus nila, sa may garden. 

"Olivia Roxas?" tanong ng isang lalaki na agad naming nagpalingon sa kanya. Nabigla siya ng ang mukhang sumalubong sa kanya e ang lalaking nakabungguan kanina lamang. 

"kilala mo ako?" tanong nya. Tumango naman ito. "Pero, paano?" 

"Ito o," saka ipinakita ang hawak na notebook. "Nagkapalit tayo kanina ng mabangga kita." 

"Ikaw si Tyler Gamboa?" tanong niya. 

"Oo, pareho pala tayo ng course kinukuha." 

"talaga? Ano bang section mo?" tanong niya. 

"Nasa B ako." Sagot nito. " at ikaw naman ay nasa A diba?" 

"paano mo nalaman?" nagtataka nyang tanong. 

"ipinagtanong ko sa department natin," sagot nito "at kung itatanong mo kung paano ko nalaman kung nasaan ka, ipinatanong ko na sa mga kaklase mo kanina nung magpunta ako sa classroom mo." 

"Ganun ba, salamat ha." Tumayo na sya sa kinauupuan. "mauuna na ako, may klase pa pala ako e."paalam nya. "Nice to meet you, Tyler." 

"same here, sana maging magkaibigan tayo Olivia." 

"oo naman, bakit hindi. Tawagin mo na lang akong Via. Yun ang tawag sakin ng aking mga kaibigan eh." 

Hapon na ang tapos ng klase ni Via sa araw na ito at ngayon naman ay may trabaho naman syang pupuntahan na di kalauyuan sa inuupahang bahay. 

"Ann, bakit ka nandito? Himala ata a. " tanong niya sa kaibigan. Minsan lang kasi ito pumunta sa restaurant ng tiya nito. 

"walang magawa sa bahay eh, saka ayaw mo nun, makakapag kwentuhan tayo." Sagot nito. 

"Ganun. Sya nga pala. May nakilala akong bagong kaibigan ngayon." Kwento nya ng maalala si Tyler. 

"talaga? Sino? Kilala ko ba?" sunod-sunod nitong tanong. 

"ewan ko kung kilala mo, ang pangalan nya ay Tyler Gamboa, pareho lang pala kami ng course kinukuha." 

"talaga?? Si Tyler??" tila sabik na sabik ito ng malaman na si Tyler bagong kakilala ng kaibigan. "Ipakilala mo naman ako sa kanya" 

"huh? Bakit naman?" nagtataka nyang tanong. 

"kasi ano..ahmm, ano.." parang nahihiya ito. 

"ano?"

"matagal na kasi akong may gusto dun eh, kaso di ko alam kung paano ko sya makikita. Hindi ko alam ang section nya o kahit course man lang. kaya nga laking tuwa ko ng malaman ko na ang bago mong kaibigan ay si Tyler, di na ako mahihirapan pang hanapin sya." Pag-amin nito. 

"Ganun ba? O sige, pag nagkita kami at kasama kita eh ipakikilala kita."

"talaga?? Salamat ha!!!" tuwang tuwang sabi nito. 

Kinaumagahan, hindi inaasahan ni Via na sasalubungin sya ni Tyler sa tapat ng room nila. 

"O, Tyler, ang aga mo ata ngayon? Anong ginagawa mo sa tapat ng room namen?"tanong niya.

"hindi mo man lang ba ako babatiin ng magandang umaga?" biro nito.

"magandang umaga, pasensya ka na. eh mabalik tayo, bakit ka nandito?" tanong muli nya. 

"dinadalaw ka lang. masama ba?" 

"bakit mo ako dadalawin, may sakit ba ako? Wala naman diba?" biro nya. 

"wala ka ngang sakit e masama bang bisitahin ang bagong kaibigan? Hindi naman diba?" hirit pa nito. " saka may gusto sana akong itanong sayo e" 

"ano yun?" 

"pwede ba akong..." tila nahihiya ito. 

"ano?"

"ano, ah, wala,sige una na ako." Paalam nito bago umalis. Naiwan namang nagtataka si Via sa kung ano nga bang gustong itanong ni Tyler. 

"hmm kaya un?"tanong nya sa sarili nya. 

Samantalang si Tyler ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit hindi itinuloy ang nais na itanong kay Via. Nais sana nyang itanong kung pwede ba syang manligaw dito, pero ano ang sasabihin nya pag nagtanong ito kung bakit sya manliligaw. Oo nga't gusto nya ito sa una pa man nilang pagkikita ngunit hindi iyon sapat. Baka iba ang maging dating nito kay Via at iyon ang ikinakatakot nya. 

"bahala na, bukas sasabihin ko na sa kanya" 

Ngunit maraming bukas ang dumaan pero hindi nya magawang sabihin kay Via ang intension. Lalo na ng ipakilala sakanya ni Via si Ann na sa tingin nya ay may gusto sa kanya. Ayaw naman nyang itanong dahil baka naman mali sya ng hinala, sa huli mapapahiya lang sya. 

Sa bawat araw na dumadaan ay lalong tumitibay ang kanilang pagkakaibigan nila ni Via, ganoon din kay Ann, lagi silang magkakasama sa tuwing may libre silang oras. Malimit na ding tumambay si Tyler sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Via. 

"Via,"tawag nya ng sila lang dalawa ang magkasama. Nais nyang ipaalam ang intensyon dito ngunit hindi maalaman kung paano sasabihin. 

"o, bakit?" 

"tanda mo ba nung dati, may nais akong itanong sayo, kaso hindi ko natapos..ano kasi..ano, ahmmn.." 

"ano?wag ka ng mahiya, ok lang naman e. ano ba yun?" tanong nya. 

"gusto ko sanang itanong kung pwedeng....." 

"pwedeng??" 

"KUNG PWEDE AKONG MANLIGAW SAYO!!" 

Medyo nabigla si Via sa sinabi ni Tyler sa kanya. Hindi nya inaasahan na iyon pala ang nais nitong itanong sa kanya. Ano ang sasabihin nya dito ganung alam nya na may gusto dito si Ann. At ayaw nyang masaktan ang kaibigan. 

"wag kang mag-alala, noon ko iyon binalak. Pero nung maging magkaibigan tayo nakontento na lang ako sa kung anong meron tayo, kaysa sa ipagpilitan ko pa ang gusto ko at sa huli, mawawala din yung pinaghirapan ko. Mahalaga sakin ang ating pagkakaibigan. Ayon ang pinakamahalagang pagaari na meron ako. Sana wag kang maiilang sakin. Gusto ko lang sabihin sayo ang bagay na iyon kasi ayaw ko lang ng may itinatago sayo. " 

"alam mo, may aaminin din ako sayo. Gusto kita,"halatang nagulat ito sa sinabi " pero gusto ka din nya. Ayaw ko syang saktan kaya pinili ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko sayo. Kaya naman laking pasasalamat ko sayo na hindi mo itinuloy ang balak mo. Ngayon, patas na tayo. Kaya walang ilangan a. isa ka sa pinaka matalik kong kaibigan. At ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin" pareho lang silang nagkatawanan sa tinakbo ng kanilang usapan.

Meant To Be This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon