Diary ng Feelingera: Chapter II (Ang pagkakilala ni Anna kay Mark)

94 5 0
                                    

           CHAPTER II

          "Hay tapos na akong magbenta, galing ko talaga, ubos ang mga Beauty Gulak ko, magsasara na nga ako." sabi ko

            Nang isasara ko na ang pinto, nagulat nalang ako dahil may humawak sa kamay ko, isang napakagwapong nilala, Hay! panaginip lang siguro ito dahil sigurado naman ako na walang magkakagusto sa akin dahil maldita daw ako.

"Sorry, may boyfriend na kasi ako di na ako single, kay shupi nalang." nasabi ko tuloy na mayboyfriend na ako, nasabi ko lang iyon para hindi ako ligawan.

Sa totoo lang NBSB kaya ako. No Boyfriend Since Birth.

"Ah, hindi naman ako manliligaw, bibili lang sana ako ng carrots tsaka petchay, ah ako nga pala si Mark Vincent A. De Vera, doon ako nakatira sa malaking bahay." sagot nya. OMG! Hindi pala sya manliligaw tapos napagmalditahan ko pa. Ahh.....

                 Napatahimik nalang ako at yumuko. On That Time, parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Ang gwapo kaya nya at mukhang mabait din naman sya, ewan ko nga lang kung bakit nagsungit ako sa kanya. Nanlaki yung mga mata ko ng ngumiti sya sa akin, syempre ngingiti din dapat ako.

"Ah, Mark, meron kaming carrots at petchay, ito oh (sabay abot)." sabi ko at inabot nya ang bayad. Umalis na sya at umuwi, nakita kong nalaglag mula sa bulsa nya ang isang picture ng isang babae. Syempre siguro gf nya yun . Nalungkot ako syempre, kasi hindi na sya free, pero kakainis noong sumingit si ate  Erica. 

"Hoy, sino yan, friend mo?"

"Hindi noh gf nung lalaking bumili." 

"Eh bakit nasa iyo?"

"Nalaglag eh"

"Selos ka?"

"Hindi noh!"

Si ate talaga kakainis.

Dear diary, 

               Unang araw kong nakita si Mark, pero bakit parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya? Sayang nga lang dahil napagsungitan ko sya, badtrip! Sana makita ko sya ulit noh? Paano if one day makita ko ulit sya, tapos liligawan nya ako, tapos sasagutin ko sya, then bibigyan nya ako ng special gift. yieeee.... Pero alam kong malabo, baka galit pa nga yun sa akin eh. Sana mahanap ko na talag yung Prince Charming ko, Antagal kasi dumating eh! Pero alam ko na dadating din sya sa buhay ko, malapit na! EXCITED NA AKO!

                                                                                                                             -XOXO,

                                                                                                                                Anna

Diary ng Feelingera (Did you know this Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon