Kakaawas ko pa lang ng eskuwalahan, Friday ngayon kaya naggala-gala muna ako sa kalye, bumili ng fishball, kumain ng isaw hanggang ang natitira na lang sa pera ako ay ang pera para sa pamasahe ko pauwi.
Pakagat na ako sa huling piraso ng fishball nang napansin ko na may nakatitig sa aking isang lalaki, itim ang buhok at berde ang mga mata. Hindi siya mukhang lalaking makikita lang sa kalye, medyo pormal ang kanyang suot.
Hindi ko gaanong pinansin ito at kinain ko ang huling fishball na nasa stick.
Sumakay ako ng tricycle, hindi inalis ng lalaki ang pagtitig niya sa akin hangang ako ay tuluyang makaalis na.
Isa iyon sa mga creepy na karanasan sa buhay ko. Bakit ka kasi tititigan ng isang lalaki ng hindi mo naman kakilala.
Mabilis ko rin nakalimutan ang tungkol dito ng nakarating ako sa bahay. Balik na sa usual kong ginagawa, palit ng damit, maghanap ng makakain at mag bukas ng computer.
Nagbabrowse at nakikipag-chat ako sa mga kaibigan ko sa facebook ng may nag-pop out na friend request sa akin.
Faderian Williams, ichineck ko ang profile niya.
"Oh shit" napamura ako sa gulat
Siya yung lalaking tumitig sa akin kanina sa kalye.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Kailan pa ako nag karoon ng stalker?
Inignore ko yung friend request. At nag rant ako sa group chat ng mga kaibigan ko. Sabi nila na iblock ko na lang yung lalaking iyon at sinunood ko naman ang mga payo nila.
Sunday, nagsimba kami ng pamilya ko. Isang normal na araw ulit. Bilang raw ng pamilya, kami ay nagtanghalian muna sa isang kilalang karindirya, Ella's Fried Rice. Di man kabongahan ang kinainan namin, ngunit ang lutong bahay na iyon ay nag papaalala kung gaano kasarap magluto ang aking ina.
Pagdating sa aming bahay, naatasan ako na magbukas ng pintuan nang may napansin akong mapula sa kalappit ng pinto, mga pulang rosas. Kinuha ko ito dahil nakakasagabal sa pagbubukas ng pintuan, ngunit di ko aakalain na nakaaddress sa akin ang mga pulang rosas na ito. Bigla kong naisip ang mga pangalan na Faderian Williams.
"Fuck naman oh. Baka siya yung nagbigay nito" kinausap ko ang aking sarili
"Ate bad word, susumbong kita" narinig kong nagsalit ang nakababata kong kapatid na lalaki, Lian Mario Atienza.
"Shhhh, wag kang maingay. Di kita bibigyan ng lolipop mamaya" medyo tinakot ko ang kapatid ko.
Tinitigan ko ang mga pulang rosas, Isang dosena rin ang dami niya.
"Siguradaong mahal to" kinausap ko nanaman ang aking sarili habang pinipitas ko ang mga talulot ng bulaklak "Bahala na nga"
Sabay tapon ng mga bulaklak sa sigaan.
Ok. Di ko talaga alam kung paano ko gagawin ito. Sinusulat ko na lang lahat ng puwede kong ilagay sa istorya.
BINABASA MO ANG
In the Promise Days
RomanceTungkol sa isang simpleng babaeng nag ngangalang Renata Lucia Atienz, siya ay 17 years old at pinanganak noong Hunyo 21. Nagulo ang buhay niya dahil sa inaakala niyang stalker ng buhay niya.