Chapter 2: Meet Me, the Newest Lady

138 1 1
                                    

Ang pangalan ko ay Nastasha. Siguro ay narinig mo na ang pangalan ko sa TV. Oo tama ka. Ako nga iyong rape victim na natagpuan sa slaughterhouse sa Bulacan. I was eighteen years old. Thursday iyon nang na-rape at na-murder ako. Naalala ko nung araw yon, nagising ako ng maaga. Extraordinarily early. Kahit na medyo napuyat ako kagabi dahil sa pakikipagkwentuha at kulitan sa mga kapatid kong babae ay maaga pa din akong nagising. Bumangon ako ng 4am at nagbukas ng computer. Nag-internet ako, tumingin sa mga facebook profile ng mga kaibigan ko, nagsend ng mga nessages, nagpost ng blogs, nanuod ng mga videos, cartoons mostly, yung mga characters na pinapanuod ko mula nung bata pa ko at inulit-ulit ko ang mga paborito kong eksena ng mga paborito kong movies. Around 6am, naabutan ako ni mommy. Nagtaka din sya kung bakit maaga akong nagising. Sinabi ko nalang may ginagawa akong assignment.

Sabay-sabay kaming nagbreakfast nung umagang yun, my mom and dad, my sisters Nerissa, Natalie and Annelise, at yung bunso kong kapatid na si Noah. Dahil nagmamadali na si daddy na pumasok sa office, hindi maasikaso ni mommy si Noah dahil inihahanda nya ang packed lunch ni daddy. Noah is four years old. Umiiyak sya. Nagliligalig. Ako ang bumuhat at nagpatahan sa kanya. Natuwa si mommy nung nakita nyang napatahan ko si Noah. Bago naman umalis ng bahay si Daddy ay sinabi nya sakin na magsi-shopping kami sa darating na Sabado. Maaga rin umalis ng bahay ang mga kapatid ko. Si Ate Nerissa ay nagtatrabaho na. habang nag-aayos sya sa harap ng salamin ay pinapanood ko sya. Na-wirduhan daw sya sa mga sumunod kong sinabi sa kanya… “Ate, wag ka muna mag-aasawa ha! Dapat mga ten years old na si Noah bago ka magpakasal, okay?!” Nung una ay natatawa lang si Ate Neri. Pero nagpatuloy lang ako sa pagsasabi sa kanya ng mga “unusual things.” Parang binibilinan ko sya na wag nya papabayaan sina mommy’t daddy kapag matanda na sila. “Okay ka lang Nash?,” tanong nya sakin. “Anong nakain mo? Bakit ganyan ka magsalita?” Ngumiti lang ako. “Penge 100.” Siguro para tumigil na ako ay inabutan nya na lang ako ng pera.

Pareho naman kaming college ni Natalie. Sya ay first year tourism student. Hindi ordinaryo ang ganda nya. She stands 5”7 at marami na syang napanalunang mga pageants. Alas-ocho ang klase nya. Habang nag-aayos din sya sa harap ng salamin ay pinapanuod ko sya. Nagpaayos pa sya ng buhok sakin. Si Annelise naman ay grade six. 6:30am sya sinusundo ng school bus sa bahay. Naiwan kaming dalawa ni mommy sa bahay.

Pagbukas ko ng ref ay natuwa ako nang makita ko ang mga favorite chocolates ko. Alam ko si daddy ang bumili nun! Tuwang tuwa ako. Dahil yata sa tsokolate kaya sinipag akong mag-ayos ng shelf namin sa bahay. inayos ko ang mga books, tinanggalan ko din ng alikabok ang mga graduation pictures namin na naka-frame at nakasabit sa pader. Tinawag ako ni mommy sa kwarto nya. Naabutan ko syang may hawak na photo album. Naupo na rin ako sa tabi ng kama nya at nakitingin sa mga pictures na nandun. Hindi ko alam kung bakit nya tinitignan yun. Maya maya ay tinanong nya kung busy ba daw ako sa school. “Hmm. Hindi naman po masyado. Bakit?” “Wala naman,” sabi ni mommy. Pinagmasdan ko sya. Matamlay ang mga mata nya. Tumingin sya sakin at pilit na ngumiti. Kinuha nya ang isang picture ko noong baby ako. Ipinakita nya sakin. “Tignan mo oh, ang taba taba mo nung baby ka…” Tinignan ko ang picture. “Anong oras ka papasok?” tanong ni mommy. 1pm pa ang klase ko nung araw na yun pero naalala kong may kailangan pala akong gawin kaya sinabi kong papasok ako sa school ng 10am. Habang naghahanda ako sa pagpasok sa school ay nakabantay lang sakin si mommy. Hindi sya nagsasalita, basta pinagmamasdan nya lang ako. Inihatid nya ako hanggang sa gate namin. “Anong oras ka uuwi, Nastasha?” “Uh… baka po mga 5 or 6,” sagot ko. “Sigurado ka?” Hindi ko alam pero sinabi ko na lang na “opo.” Lumapit sya sa akin at inayos ang uniform ko. “Ba-bye po,” sabi ko at humalik sa pisngi nya. Hinawakan nya lang ang kamay ko.

Sinong mag-aakala na kaya matamlay si mommy ng araw na yun ay dahil iyon na pala ang huling beses naming pagkikita at paguusap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ladies' White ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon