July 28, 2008
Her side,
Haaaaayyy...Monday na naman. First day of the week. New lessons na naman to for sure. Oh well, ano bang bago.
"KC!!! Tawag ka ni Mam Castro sa room nya"
"KC!!!"
"KC!!!!!!!!!!!!!!"
"Ayy!! Kalabaw ka!!" ano ba yan. Natulala na pala ako. Hooh!! Back to Earth!
"Hay naku!! Pinatatawag ka ni Mam Castro sa room nya. Now na daw. Bilis!!" now na talaga?? Di ba pwedeng mamaya? Hahaha.
"Ahhh. Sige sige. Pupunta na ako"
Soo... Eto na nga ako on the way sa room ni Mam Castro. Medyo malayo naman yun sa room namin kaya magpapakilala muna ako. I'm Krissandria Chontelle Valdez Montecillo. You can call me depending on our relationship. Andria for my family. Kris for my brother. Elle for my friends. KC for the others. And Riri for him............CUT!!! Okay that's all for my name. Im 12 years old. Miss Popular. Granddaughter of the owner of Valdez Group of Companies. Well, yeah yung lolo ko lang yung mayaman not literally us, pero di naman nya kami pinababayaan. And yes im a grade schooler. Well that's all for now. Kasi nandito na ako sa tapat ng room ni Mam Castro.
"Good morning po Mam"
"Oh, KC pasok ka." Bat ganun? Sa tono pa lang ng boses ni mam, kakaiba na ang nafifeel ko.
"Mam, pinatawag nyo raw po ako?"
"Yes KC. You know part na ng tradition ng school natin ang sumali sa mga contest academics man o hindi. We will join a cheerdance contest and you will be the leader." Whaaat??! Cheerdance contest?? Leader??!
"Mam, wait lang po. What do you mean na ako ang leader? Ako po yung magtuturo?? Ano naman pong alam ko sa cheerdance?"
Ay nakoo!! Maglalahok kami nito pag ako yung nagturo. Ano namang alam ko sa cheerdance diba? Duh? Im 12. And a grade schooler."Hahahahaha. KC, yes you're the leader. But no hindi ikaw ang magtuturo. You'll meet him/her tomorrow after class. Okay?" Hooooh!! Buti naman. Si mam kasi binibigla ako. Wag ako mam. Hahaha!!
The next day.... Practice room.
"Okay guys. Kumpleto na ba kayo?" Well, sa tingin ko naman kumpleto na kami. 10 girls and 10 boys.
"Now, i want you to meet Miss Bella, your choreographer." Ooohh. Kaya pala sabi ni mam kahapon him/her kasi bakla. Hihihi. Pero sana wag syang strict or matapang samin.
"Okay, unang una ayoko sa maarte. Dapat ako lang. Okay?" Miss Bella
"Now let's start!!! Go to your positions!!"
So yun nga, nag start na yung practice namin. Medyo nahihirapan kami. Lahat kasi kami first timers para dun sa mga pyramid na yun. May cartwheel pa nga.
Natapos na yung practice namin. At sa mga sumunod na araw ganun pa din naman. Nadadagdagan lang yung mga moves at nasasanay na rin kami. Di bale 4 days na lang bago yung contest. Ngayon breaktime namin whole day na yung practice. Eto ako ngayon trying na maperfect ang mga routines. Yung iba kumakaen.
"KC!! Tulungan mo naman kami dito. Di kasi namin makuha yung tamang galaw."
"Ahh. Sige. Wait." Nandito kasi ako sa stage. Sila naman nandun sa baba. Bigla naman natanggal yung sintas ng sapatos ko. Pagkatali ko. Tinesting ko muna kung okay na kaya nakatingin ako sa baba habang naglalakad.
BOOOGSSHH!!
"ARAY!!" Ano ba yan. May mababanga na pala ako. Di kasi nakatingin sa dinadaanan. Pero kasalanan din naman nya di rin sya nakatingin. Hmp! Sino ba to? Do i know him?
And there our eyes met for the first time. I saw him for the first time. It feels like the time stop. Slow motion.
![](https://img.wattpad.com/cover/64485271-288-k766909.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Side, His Side
Teen Fictiona story about young love, who dreamt of their own fairytale and happy endings.