Ang Clingy kong Fiancée -- 2013 © Dropstar.
----
Ang hirap pala ng may alagang tuko eh 'no?
Kung nasaan ka nandoon din siya, kung kumakain ka, kumakain din siya. Kapag naglalakad ka sa hallway, grabe naman kung makayakap sa'yo. Kulang na lang kung 'di ka din sundin sa CR ng mga lalaki eh.
Sa 18 years kong pamumuhay sa mundong ito, never kong pinangarap na magkaroon ng karelasyon na kung kumilos ay parang tuko. At kung mamalasin ka nga naman, ang tuko na tinutukoy ko ay ang fiancée ko.
Oo fiancée ko nga siya, ipinagkasundo kami ng sira ulo naming mga magulang at ito namang may sayad na babaeng 'to, gustong gusto naman. Kung ako lang ang masusunod, dati ko pa pinitik papalayo sa'kin yan.
"Lawrence, baby. Ang lalim naman ng iniisip mo. Okay ka lang ba ha? Baka gutom ka na, lunch muna tayo." sabi niya nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita.
"Can you shut up for a minute? I'm not hungry okay? If you are, then go ahead. You can leave me." I said in a cold tone. Nasa library kami ngayon.
"No, I'll stay baby." sagot niya. I rolled my eyes at her and focused on the book i'm reading.
Ewan ko ba kung bakit ang bigat bigat ng loob ko sa kanya. Kung tutuusin nga, maraming nagsasabi na ang swerte ko daw sa fiancé ko kasi maganda daw, makinis, maputi, manipis at mapula ang labi, mahaba ang pilik mata, sexy, at matangkad. Ang kaso nga lang, makulit, madaldal, isip bata, matigas ang ulo at lagi akong sinusundan. 'Yun ang nakakairita.
Pero bilib ako sa kanya dahil kahit 8 months na kaming magkarelasyon, hindi pa rin siya nagsasawa sa ugali ko kahit na pinagtatabuyan ko siya, minsan pinapahiya at pinagsusupladuhan.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo ako at ikinagulat niya ito.
"Tara na, Rica Mae." sabi ko.
"Saan tayo pupunta, baby?"
"Cafeteria."
"Oh." sabi niya sabay tayo halatang gutom na eh, excited masyado. Kumapit naman siya sa braso ko ng mahigpit. Tsk. Irita.
"Alam mo para kang tuko." saad ko na may tono ng pagkairita. Naglalakad na kami sa hallway, nakakainis kasi halos lahat ng estudyante ay pinagtitinginan kami.
"Baby ah! bakit naman?" tanong niya, may halong kilig pa. Feeling niya? Di ko trip ang mag pick-up line sa'yo huy.
"Grabe ka kasi maka-kapit sa'kin eh. tss." sabi ko. Natawa lang siya at hinampas ako ng mahina sa braso.
"Ikaw talaga baby! Kakaiba ka mag-joke." ani niya. May sayad talaga ata 'tong babaeng 'to eh. 'Di man lang dinibdib yung sinabi ko, joke daw.
"Ikaw naman para kang puno!" aniya.
"Bakit naman?" tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.
"Ang sarap mo kasing kapitan eh." banat niya.
Sira talaga 'to. Shabu pa.
"Kadiri ka, alam mo 'yon?" sabi ko pero napangisi ako sa sinabi niya.
"Sus, kinilig ka naman." panunukso niya.
"Maghanap ka na nga ng table. Ako na ang o-order." sabi ko at pumunta na ako sa counter.
Talagang 'yung babaeng 'yon. First time niya 'kong mapangiti sa sinabi niya.
**
Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Nathalie. Siya yung babaeng sikat sa school na gusto ng lahat ng kalalakihan dito, sabihin na nating kasama ako do'n.
BINABASA MO ANG
Ang Clingy kong Fiancée
Short StoryAng Clingy kong Fiancée (One Shot story) by Dropstar