Chapter 2

30 1 0
                                    

Si PALAKA ang tumulong at nag ligtas sa napaka-ganda kong feysss???

~~~~~~~~~~~~~~~

Denice POV

"Bilisan mo na nga jan at ng makaalis na tayo!" pabulong at naiirita kong sabi sabay siko pa, pano ba naman kasi! Inuna pang kainin yung kaharap nya ngayon kesa sa lunch nya! tsss... -_-

"Ouchiee..wait lang naman girl ^_^ konti nalang 'to hihihi" pagpapa cute na sabi ng malantod kong bestfriend! hay..

"Anong konti nalang?! Hindi pa nga nangangalahati yang pagkain mo e, Yang nasa harap mo ayan malulusaw na! Ano ba?!" iritang sabi ko, pano ba naman kasi tingin ng tingin sakin yung palaka tapos pinapatulan pa yung katabi ko ditong nagpapa-cute!

"Ang KJ mo naman girl! hmp..eto na mayayari na! Wait lang po!" patampo pa niyang sabi, at ako naman binaling ko nalang sa paglalaro ng candy crush ang irita at ilang ko ng biglang.....

Girl#1: "Ang gwapo gwapo talaga niya! yieeee" kinikilig-kilig pang sabi ng 2ndyr din pero ibang section.

Girl#2: "Sinabi mo pa! yieee...pero bakit kaya dun siya naka-upo sa table nila clarissa?" nagtatakang tanong niya sa kasama niya.

Girl#3: "Baka naman dahil wala lang maupuan, pero kahit na! papaupuin ko naman siya sa tabi ko e.." malanding sabi pa ng kasama nila, puno na kasi ang canteen kaya yun nalang din ang naisip nila pero hindi.

Flashback

Hooo! Hindi ako natapunan - masayang sabi ko sa sarili ko. pero pag lingon ko...

HALIMAW NA PALAKA!!!! Anong ginagawa nitong panget na'to! Hmmm..

"Hoy! Ikaw na naman! Anong ginagawa mo ha!" singhal ko sakanya.

"Tch..hinaan mo naman yang bibig mo miss, tsaka kesa sumigaw at manggalaiti ka jan e magpasalamat ka nalang!" irita niyang sabi pero hindi pinapahalata at cool na cool lang.

Oo nga no? Niligtas nga pala niya ako, tsss.. Ang tanga mo denice! Tanga! tanga! Hay...

"Bakit ako magpapasalamat? Eh hindi ka rin naman nag-sorry! quits na tayo! diyan ka na nga!" sabi ko ng paalis na sana...

"Anong sorry? *sigh*" mukang nalilito pa kung bakit siya magssorry pero nakabawi rin agad. "Tch..yun pa rin pala issue mo, hindi ko naman kasalanan kaya hindi ako magssorry" aba! antipatiko!

"Hoy! pa--" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko, Ang lambot at bango ng kamay niya hay.. TEKA! erase, erase! Ang baho! ang panget ng kamay! tsk.

"Tch..sisigaw ka na naman, bilang kapalit ng pag tulong ko sayo...dun ako sa table nyo magl-lunch" cool niyang sabi with nakakalokong ngiti. hay nako!

"Ayoko nga!" tanggi ko.

"Ayaw mo? Osige akin nalang tong pagkain nyo *smirk*" putek! nakalimutan ko palang hawak pa niya yung pagkain namin! hay nako denice!!!

"Grrr..Oo na! Bilisan mo dalhin mo na don! Bwiset!" iritang sabi ko ng pikon na pikon, pumayag na rin ako dahil gutom na gutom nako! tsk.

"(papayag din pala) tch.." pabulong niyang sabi pero narinig ko naman, antipatiko talaga!

"Anong sabi mo?!" sabi ko.

"Wala" tipid niyang sagot.

hanggang nandito na kami sa table at ang mukha ng bestfriend kong naiirita na dahil siguro na din sa tagal ko e biglang napalitan ng kumikinang na mata! tss.. alam nyo na? oo! may pogi kasi! eh ang panget panget naman! hay..

"Oh, girl! Ang tagal mo naman, kunwari ka pa jan ha" Aba't loka-loka tong babaeng to! binigyan pa'ko ng nakakalokong ngiti.

"Kung anoman yang iniisip mo nagkakamali ka"  sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to MOVE ON -_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon