Chp.4

11 0 0
                                    

"Ano bang dapat gawin?
Ako'y nagtataka bakit pag hanga ko sayo'y di mawala?
Paghanga lang ba talaga? O ako'y nabihag mo na? "

Nakakaloka naman tong binabasa ko napakamatalinghaga na tungkol pa sa pag-ibig.

WALANG FOREVER! Ika nga ng mga babae sa mga nagdaraang magsyota.

Hayyy. Mapapabuntong hininga ka nalang talaga sa mga bagay na naiisip mo. Ano ba to! Ganun ba tlaga kahirap mag move-on ? Ganun ba talaga kapag mang-mang sa pag-ibig? 😞

"Ohh. Stick-o gusto mo?"

"Shana?! O bakit mo nilayo kukuha ako."

"Tinanong lang kita kung gusto mo. Wag ka nga assumera kaya tayo nasasaktan eh! Tinanong lang binigyan agad ng ibang kahulugan. Tsk"

Siraulong to! Bakit ganun nu? Pag may problema ka yung mga kaibigan mo nababaliw, hindi mo makausap ng maayos. Kung hindi ka pinipilosopo humuhugot naman. Tsk

"To naman joke lang. Ito na oh. Kuha ka "

"Yan ganyan! Sa ganyan sila magaling eh! Nasaktan ka na't lahat sasabihin joke lang! Tapos ano? Aasa naman ako? Masasaktan nanaman sa huli?! " paghuhugot kong sagot sa kaniya.

"Alam mo hindi naman masama mag mahal lalo na't KUNG Minahal ka din niya" sabi niya habang inaabot ang stick-o sakin.

"Mahal naman namin ang isa't-isa nun e. Kaso lang sa mali kami nag umpisa"

"Okay lang yan. Ganun talaga. Pagbali-baliktarin man natin amg mundo, ang Mali ay Mali parin kahit pilitin mong maging Tama hindi maari hangga't hindi ka nag sisimula ulit sa umpisa."

"Ewan ko ba. Haaaays"

Napapatingin nalang ako sa ulap sa mga napagdaraanan ko ngayon. Ano pa nga ba? Tama naman sila eh. Eh anong magagawa ko? Hindi ko naman kontrolado ang puso ko. Diba involuntary muscles ang nasa puso. 😞

Sana...

Sana kahit unti-unti maka move-on na ako sa kaniya.

Sana kahit kaunti matutunan kong magmahal ng iba.

Dahil ayaw ko na...

Ayaw ko ng umasa itong puso kong nasasaktan na ng sobra.

The Girl Who Can't Be Move (TGWCBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon