Chapter II: Prank

5 0 0
                                    

Unang araw na ng July. Medyo naging busy kaming lahat para sa nararating na Foundation Day ng Stratford. Dinudumog na naman ako, hindi dahil sa heartthrob ako ng university, kundi dahil sa epic fail na panliligaw ko sana kay Heidi. I got dumped. I know.

"pfft bat pa pumunta dito yang gagong yan, pahiya talaga sa campus"

"bastard. hahaha bagay sa kanyang mabasted"

"sayang naman, ang gwapo nya sana. palpak nga lang yung surprise"

"WHAT THE HELL ARE YOU LOOKIN FOR?! MAGSILAYAS KAYO! GET OUT OF MY SIGHT!" siya na naman. si Heidi na naman, ang savior ko. tsk

Eversince I transferred to Stratford, naging gulo na ang kaharap ko. Not because I do stupid things, but because of that stupid political dynasty. Walang wala naman kasi ang kabaitan ko sa kasakimang iniisip ng pamilya ko. They bribe, do evil, collect illegal taxes and such. Usap-usapan kasi ngayon ang pinaka-latest nilang nagawa, ang pangungurakot ng government fund worth 400 million dollars.

"you okay, Neil? I just wanna say sorry for what happened last time. Medyo bad mood lang kasi ako that time. Sorry talaga" haay, buti nalang pala moodswings lang yun. That means...?

I STILL HAVE A CHANCE!!!!

"I.. I am so fine, Eid. Uh.. I- I wont stop.. I won't stop pursuing you until you say yes" sabi ko habang nginitian siya.

"don't worry Neil, my mission here is to accept your proposal. I guess what happened was a prank." tumawa siya habang niyayakap ako.

Parang lutang akong yumakap pabalik. Naglo-loading parin ang sagot nya sa isip ko.. Did she just say yes?!

"YES! Thank you, Eid! I love you so much."

"I love you too, Neil."

"I love you more. Most." I started kissing her passionately. She kissed me back. Bagong bago parin ang mga pangyayari, parang kailan lang nabasted niya ako. Thank God it was prank all along!

Nagustuhan ko si Heidi simula palang, kasi siya na ang nagsilbing tagapagtanggol ko sa mga naninira sa akin. Sikat siya, nasa kanya na lahat eh. The beauty, the brains, the wealth, kaso medyo maarte nga lang. Pero dun ko talaga siya minahal. She was my first friend simula ng nakatapak ako sa Stratford.

Ngayong girlfriend ko na siya, sarap ipagsigawang wala nang makakapaghiwalay sa amin! Parang worth it naman yung panghaharana ko nung isang araw kahit mali mali yung lyrics. Hahahaha!

"Sayang naman! Sinagot pala ni Heidi ang isang to!" nakakatawang pakinggan ang disappointments na naririnig ko sa mga tao.

"what do you want, Eid? We'll celebrate! My treat." Kinindatan ko siya habang magkaholding hands kami papunta sa pinakamalapit na restaurant.

"I want steak." Namula siya habang sinasabi yon. OO NGA PALA! Steak kasi yung unang pagkain na pinagsaluhan namin. Korni man pero tangna kinikilig ako habang nagre-reminisce nun!

Natapos ang araw ko sa pagd-date namin sa campus, sa klase, sa paghatid ko sa kanya. Marami rami na rin ang nagawa naming memories ngayon! I was scanning my contacts at muntik ko nang makalimutan, itext ko kaya si Vera ngayon? Oo, tama! Saya ng araw ko!

"Hi Vera. How are you?" I texted her pagkatapos kong magtooth brush at magshower.

"Who are you? How did you get my number?" Ha? Akala ko ba alam niya na number ko?

"Si Rayne to. Nakalimutan mo na atang we exchanged numbers last week?"

"oh sorry, Rayne. Muntik ko nang malimutan. I'm fine though. How about you, how was your day?" Buti at natanong mo yan. I am so happy, Vera! So so happy!

"It went well, Vere. Sobrang saya ko ngayon!" The last thing I knew ay nakatulog na ako.

DaintyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon