Childhood friends

0 0 0
                                    

Chapter 1

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng lalaking yun at binato ako ng soccer ball. Hindi niya kasi matanggap na natalo ko siya. Akala niya uurungan ko siya. No way! Over my sexy body!

Umupo na lang muna ako at hinimas ang ulo kong natamaan ng bola.

"I hate you Harrison Dela Fuente!" sigaw ko sa loob ng locker room. Mag-isa lang naman ako sa kwartong ito kaya walang makakarinig sakin. Kung meron man, I don't care.

"I hate you too Piper Grace"

I stared at this pathethic man in front of me deeply like hell. Para siyang kabute na biglang sumusulpot.

"What are you doing here?" ngumiti siya ng nakakaloko. Nababaliw na ba siya?

"I just want to say sorry for what I've done before, I didn't mean it"

So? I won't accept it. Mababalik ba ng sorry niya yung bukol sa ulo ko. I've just pouted at him.

Napasabunot naman siya dahil sa reaksyon ko. At...at... Wait? He's blushing?. Napatawa naman ako sa ginawa niya. "Why are you laughing?" Bakit? Masama na ba tumawa ngayon?

Tumayo ako iniwan siya dun. Wala siyang kwenta kausap.

Sa hinaba haba ng panahon na magkasama kami, yeah he's my childhood friend, kahit kailan di pa kami nakapagusap ng maayos.

Di halata di ba? Well, he's not my friend actually. He's my mortal enemy. And never will I love him or treat him as a friend.

Hindi na tuloy ako nakapagpalit ng damit dahil sa pagdating niya kanina. Bakit ba di na lang yun mawala sa landas ko?!

Uuwi na lang siguro ako. Nagugutom na rin ako eh

Naiisip ko pa lang yung mga pagkain natatakam na ko. Di naman ako matakaw. Sadyang gutom lang. Ang sexy ko kaya! Hahaha

"Hey Pipes" lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sino yung tumawag sakin. At nginitian ko naman siya pagkakita ko sa kanya.
"Hi Jas! " bati ko sa lalaking ito.  Sana lahat na lang ng kaibigan ko tulad niya.

He's almost perfect

Kaya hindi na ako magugulat kung balang araw ay magustuhan ko siya. Pero iniiwasan ko yung mangyari dahil kaibigan ko siya.

"I've heard nag-away na naman kayo ni Harris" napangisi na lang ako.

"Tsss ano bang bago? Di ka na nasanay?" kahit kailan kasi panira ng buhay yung lalaking yun. I want to drag him down, that's my happiness.

Seeing him suffer until he shout my name for my mercy.

"Hoy! Nagdadaydream ka na naman!". Halos mapatalon ako sa pagtapik niya sakin. Nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan.

Shit! Gutom nako.

"It seems like you did'nt eat for a week, nag-aaway na mga alaga mo sa tiyan hahaha".

Napakagat na lang ako sa labi dahil sa katotohanan na gutom na talaga ako. Kasalanan to ng Harris na yun. "It's Harrison's fault. Kung di niya ako inaya ng duel sa soccer edi nakakain na sana ako! Curse him!"
Nakakairita talaga yun! Aish! Sarap niyang bugbugin.

"Bakit ba ang init lagi ng dugo mo dun? Since we're child, lagi na lang kayo nagtatalo at nag-aaway. Kailan kaya kayo magkakaayos? Sumasakit na rin ulo ko sa inyong dalawa!"

Napaisip rin ako sa sinabi ni Jason. Bakit nga ba? Di ko alam basta yung mood ko pag nakita siya biglang nag-iiba.

"Never will I accept him nor reconcile with him" Kahit kailan. Nakakatak na sa isip kong kaaway ko siya. Huminga siya ng malalim.

"Let's eat, nagugutom na rin ako" tumango ako at sinundan siya papuntang cafeteria.

Pagkarating namin sa loob, naaninag ko agad ang Harris na yun.

Nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya at naririnig ko yung mga pinaguusapan nila dahil hindi naman sobrang layo ng table nila sa table namin at nakatalikod siya sakin.

"Nakita mo ba yung reaksyon niya? Hahaha nakakatawa di ba?  Parang iiyak na siya" nakipag-apiran pa ang mokong sa mga kaibigan niya.

"Pano kasi puro yabang ang pinapairal, nakatyamba lang siya sa larong yon! Porke't nanalo siya kala mo kung sino nang magaling. Lampa naman!"

Tumawa pa siya ng malakas habang hinihimas ang kanyang tiyan. Tsss kakarmahin ka ring tukmol ka.

Hindi nako nakapagpigil, tumayo ako at pinuntahan siya.

"Kung mayabang ako, so ano ka na lang? Pathethic! Hindi ako lampa! Dahil kung lampa ako, edi sana hindi ako nanalo sa laro natin kanina right? Ikaw ata yung lampa e?" at nginisian ko pa siya.

Agad siyang tumayo at nagsalita.

"Ako? Lampa? Anong silbi ng pagiging varsity player ko kung lampa naman pala ako. Isa pa! Ngayon mo lang ako natalo sa game kaya wag kang magdiwang dyan! Makakabawi rin ako! Remember that Pipes!" pagkatapos niyang sabihin yun ay kinindatan niya ko na sinuklian ko naman ng irap.

Saktong pagdating ni Jason na may dala dalang tray ng pagkain ay natapos na ang diskusyunan namin ni Harris.

"Oy dude what's up?" nagpeace bomb pa ang dalawa. Kung sabagay sila naman talaga yung sobrang close.

Ibang iba talaga si Jason kay Harris. Ugali pa lang ang layo na.

"Why don't you join us?" tanong ni Harris kay Jason. Tumingin naman sakin si Jason na para bang hinihintay lang ang pagsagot ko.

Well, ano bang magagawa ko? Tumango ako at pumwesto sa harapan ni Harris. Si Jason naman umupo sa tabi ng pathethic na yun.

Dinungaw ko naman ang lalaking katabi ko na kaibigan ata ni Harris. Nakatitig siya sakin na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

Nang satisfied na siya sa pagtitig sakin, ngumisi siya at nagpatuloy sa paglalaro sa cellphone niya.

Sino ba to? Kung makatingin sakin parang may gusto siyang ipahiwatig na baka hindi ko pa magustuhan.

Nagsimula na akong kumain para hindi na mag-away away ang mga alaga ko. Ang sarap ng steak, kahit kailan talaga di ako binigo ng pagkaing to.

Naramdaman ko na parang may nakamasid sakin kaya bigla akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko at masama ang tingin dun sa katabi ko sabay lipat ng tingin sakin at hindi niya parin inaalis ang tinging nakakapanindig balahibo.

Parang matutunaw ako. Hindi ko siya mabasa. Why is he staring at me like that? What's wrong with you Harrison? Anong na namang problema niya?

Love Your EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon