Chapter 2
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako pauwi ni Jason. Sinabi ko sa kanya na magstay muna kasi mag-isa na naman ako dito sa malaking bahay na to.
Pero tumanggi siya at sinabing next time na lang dahil may aasikasuhin daw siya.
Wala namang paki yung mga maids. Nagkukulong lang naman ako sa kwarto ko. Surfing lang naman ang magagawa ko dito e
Well, minsan tumutugtog ako ng piano dahil kahit papaano ay nagworkshop ako sa isang musical tutorial.
Ano bang gagawin mo ngayon Piper? Huminga ako ng malalim sa pagkabagot ko.
Nagdesisyon nakong matulog na lamang at hintaying dumating yung Kuya kong malupit. Hahaha idol ko yun e. Hokage!
Taimtim akong nakapikit nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong nagtext.
Shit! Napatayo ako mula sa pagkakahiga ng mabasa ko ang text mula kay Joshua. Yung first crush ko! Siomai lumpiang shanghai! Nagtext siya!
Joshua:
Manonood ka ng game mamaya? :)
Nagtipa ako ng irereply ko.
Piper:
Anong oras?
Hindi ko alam na may game sila. Basketball player siya ng University nila. Oo, he's not my schoolmate pero kaklase ko siya noong high school. At hanggang ngayon close pa rin kami.
Alam niya na crush ko siya pero nag settle na kami as friends. Tanggap ko naman haha.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Kuya Peter. Oo! Peter and Piper ang pinangalan samin. Ewan ko nga ba. Nakakapagtaka pero ayaw ko nang intrigahin pa sila Mama. Masaya nako sa pangalan ko.
Pumunta ako sa may veranda nagbabakasakaling nandun si Kuya. Tambayan niya kasi yun.
Ngunit nabigo naman ako dahil wala pa pala siya. Asan na ba mga kasama ko? Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga nangyayari.
Tatawagan ko na lang si Kuya.
I dialed his number. Hindi nagtagal ay sumagot din siya.
"Bakit?" ang ingay nila. "Asan ka?"
"School niyo" anong ginagawa nila dun? "Gawa mo dyan?"
"MU vs. SA" Oh? So yung school namin at school nila Joshua yung magkalaban ngayon. This will be so exciting! I want to be there!
"Punta ako" para may kasabay ako umuwi.
"Mama" basta kasama ka papayagan ako nun. "I'll text her"
"See you" at nagpaalam na ko sa kanya.Napansin niyo rin? Ang tipid niya sumagot. Masanay na kayo, pinanganak yang ganyan. Di siya masyadong palasalita at halos maninigas ka sa sobrang cold niya.
Tinext ko si mama na pupunta akong school namin dahil manonood akong game kasama si Kuya. Pumayag naman si mama basta daw kay Kuya ako sasabay.Naligo nako at nag-ayos papuntang school. Bakit ganon walang sasakyan dito? Maalala ko nga pala, nasira yung raider ni Kuya kaya yung isang SUV ang dala niya.
Napagdesisyunan kong magtaxi na lamang.Pagkarating ko sa school ay punong puno yung gymnasium namin ng mga tao. Yung parking lot punong puno ng mga sasakyan.
Sino ba naman ang hindi manonood ng game na ito? Both schools are one of the most famous universities in the Philippines.
Isa pa, sabi nila halos lahat ng players dito ay mga 'hearthrob' at mga 'gwapo'.
But indeed, di ko rin maipagkakaila na kahit papano mapag-iinteresan ang mga lalaki dito.
BINABASA MO ANG
Love Your Enemy
Teen Fiction"Enemy" is not good to hear. From the word itself it means hatred, enviousness and war. Pero hindi lahat ng kaaway mo ay magdudulot sayo ng kairitahan, galit at pagkamuhi. Maari rin siyang magbigay sayo ng kaligayahan at pagmamahal na kailanma'y di...